Eliza's POV Pababa na sana ako sa hagdan upang pumunta ng aming kusina dahil nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng isang basong dugo ng tupa. Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ko ang pinag-uusapan ng mga magulang ko. "Ikinalulungkot ko dahil hindi na matutuloy ang kasal nina James at Eliza dahil sa susunod na linggo na ang nakatakdang araw ng pagkagising ng haliwan na nasa loob ng inyong anak." sabi ng aking Ama. Lumapit ako sa aming sala upang mas marinig pa ang kanilang sinasabi at makita kung sino ang kausap nila. Nakita kong naka-upo doon si Haring Jaime Ulbakus Allensworth. Ang Ama ni James. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may plano pala silang ikasal kami sa isa't-isa o malulungkot dahil papatayin na ang taong mahal ko. "Alam niyo naman na magkasintahan n

