“Ano ang iniisip mo habang pinapanood mo si Phylbert kanina?” tanong ni Corrine kay JC na abala sa pagsusulat sa clipboard na hawak nito. Nasa opisina sila ng lalaki at lumabas sandali si Emma dahil may tawag itong kailangang sagutin. Patapos na ang kanyang checkup. Sumailalim na naman siya sa ilang diagnostic exams. Ang sabi ni JC, maayos naman ang kalagayan niya. Wala itong makitang senyales ng regrowth sa ultrasound. Bahagyang nag-aalala si Corrine na baka isipin ni JC na masyado siyang matanong. Natatakot siya na baka isipin nitong wala siyang karapatang usisain ang mga bagay-bagay. Baka isipin nito na masyado siyang nakikialam. Pero gusto talaga niyang marinig kung ano ang nararamdaman nito. Gusto niyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi na rin gusto ni Corrine na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


