CHAPTER SEVENTEEN Clarence "MAY nakapag-sabi sa akin na binisita ka raw noong isang police detective kanina. Ano'ng kailangan niya sa 'yo? Is this about the case you're working on right now?" Iyon ang mahabang simulang salita ni Mama na may kasama pang dalawang tanong. Kahit alam ko paano sasagutin, nanatili pa rin akong tahimik at mas nagtuon sa pagkaing nasa aking harap. "Sinabi ko na sa 'yo na bitawan mo na iyang kaso na 'yan. Give it to Thirdy and let's start working about your political image, Clarence." Dagdag na salita pa ni Mama dahilan upang tapusin ko na aking pagkain. "This case is my last case before the filing of candidacy starts. I'll continue working and you know that Thirdy's license to practice is still suspended." "What's with the case and you can't stop working ab

