P.O.V Aga
Naligo lang ako saglit at nakatulog na si Rich sa sala. Napakabilis talagang gumawa ng tulog nito. Inaangat ang kanyang ulo at ipinatong ko ito saking mga hita. mag mumuni muni muna ako bago matulog. Nakita ko ang cellphone ni Rich nag play play pa. Kinuha ko para patayin kaso, di ko alam kung anong demonyo ang nag sabi sakin na basahin ko ang mga messages, messages galing kay Lester. Kahit hindi pa ito na seseen ako na ang nag seen.
Lester
Ohh, common anong ginagawa nyo dyan?
Foursome ganun, oh salit salitan. ayaw mong makipag S*x sakin, pero ang kasama mo naman puro lalake.
Sagutin mo tong tawag ko.
Aba at talagang kasama mo yang Aga na iyan. Sinabihan na kitang lumayo ka dyan. Katulad lang din yan ng mga lalakeng siraulo.
Hindi ko na nakayanan ang mga messages nitong si Lester, kaya ang ginawa ko nireplyan ko na lang ito ng "Masyado mo na akong binabastos sa mga pinag sasabi mo. ayoko na break na tayo." sabay block ko na si Lester. Bukas ko na lang sasabihin ng umaga kay Rich at mukhang masarap ang tulog nito. "Kailan ka ba maniniwala sa mga pag tatapat ko sayo?" sabi ko rito. Nagulat ako ng ngumiti ito. Nanaginip siguro. Binuhat ko sya. at habang nag lalakad nilagay nya ang kanyang mga kamay sakin leeg, isiniksik ang ulo sakin dibdib. "Kung ako na lang kasi sana." Napasabi kong muli, Nilapag ko sya sa kama nya at dito na rin ako matutulog. Ilan beses na rin kami natutulog magkatabi kaya wala ng issue samin iyon. Habang ang sarap ng tulog nito ako andito pinagmamasdan ko laman sya. Nilagay ang ulo sakin mga braso at niyakap ko ito.
P.O.V. Rich
Nagising ako ng parang may mabigat na naka sandal sakin. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Aba si Aga pala. Ang ganda ng ilong nya at pilik mata ang sarap i-kiss. pero hindi pwede hindi pwede. Bumuwelo ako at sinipa ko ito ng malakas. na kinahulog nya sa kama. "Aray ko!! natutulog ako." pag rereklamo nito. "Bwes*t ka, ang sakit ng katawan ko para akong dinaganan ng bato. pwede ka naman matulog sa tabi ko e, kaso ginawa mo akong hotdog na unan!!1 ramdam na ramdam ko pa yung ano mo, parang ang tigas." Pgkasabi ko rito na pati ako nahiya rin. "Matigas talaga to malamang umaga e." Pagkasabi nito. "Kadiri ka, eihhhhh. wag ka ng mag explain please." Bumangon ako, at pumunta ng C.R para mag toothbrush. "Nga pala break na kayo ng boyfriend mo, nakipag break na ako saknya." Aniya nito. Hindi ko pinansin. kinuha ang phone ko at nag order ng pagkaen namin dalawa. "Huy, anong gusto mong foods order ako." Aniya ko rito. "Wag ka ng mag order, mag bihis ka labas tayo." anya nito. "Baliw baka may makakita sayo. ano pa isipin nila boyfriend kita? swerte mo naman." aniya ko rito. "Basta ako bahala, bihis ka na pambahay lang kaen tyo sa labas." at ako naman nag mamadali kumuha ng damit at nag palit. pero hindi sa harap nya sa, binuksan ko ung pinto ng cabinet at yun ang nag silbing pang harang ko. "Okay lets go."
Habang nasa biyahe, "Hala totoo pala ung sinabi mo na wala na akong boyfriend" Sabay tumawa lang ito. "Sorry na pakealamanan ko ang cellphone mo. ang bastos e" pag hingi ng tawad nito. "bat mo ba sinagot un?" Pagtatanong nito. "Yung totoo na prepresure na kasi ako sa age ko, lagi akong inaasar sa office. puro daw trabaho na ako, actually si Luizza ang nag install nyang dating aps na iyan sakin phone e. sya lang din yung nag match match tapos nakipag kita na lang ako." "E paano kung killer pala iyan?" pag tatanong ni Aga, "Edi di Good bye rich, pag lalamayan nyo na ako. ganun. Teka iiyak ka ba pag namatay ako" pag tatanong ko rito. "Hahagulgol pa ako." pang iinis nito sakin. Akala ko kung san kami pupunta dito kami pumunta sa tagaytay, kumain ng silog, si Aga naka sunglasses pa baka daw mamukhaan sya at dumugin sya ng tao. Hiirap syang kasama. Lagi na lang nag mamadali hindi maenjoy, masarap syang kasama pag nasa ibang bansa. pero kailan naman kaya mangyayari na kami lang dalawa. Mangarap ng gising.
"Maam, meron pong nag padala ng flowers sa inyo. " Pagsabi ni Jean ang aking nag sisilbing assistance. " Sino naman daw?" Pag tatanong ko saknya, " maam eto po ang card, ang flowers po at nasa room nyo." Pagkatapos ng meeting ay pumunta agad ako ng room ko, "Jean!!! bat napakarami nito. " Pag tatanong ko. "Ay hindi ko alam maam, basta tinggap ko lang." "jean sa susunod wag basta basta tumanggap ha." At agad akong lumabas ng room ko. Pinicturan ang ang aking kwarto mula sa labas at pinadala sa group chat. "Balak ata akong patayin ng nag padala nito." sabay picture ng mukha kong magang maga na ang mga mata ko na hindi ko na maidilat dahil sa pag luluha nito. At eto na nga onti onti ng lumalabas ang allergy ko sa mga bulaklak, ang katawn kong pulang pula na rin. "Jean, jean" Pag tawag ko kay jean "Maam, hala anong nangyari", At duon na ako nahimatay.
P.O.V Jean
Tuwang tuwa ako ng may nataggap akong mga bulaklak pero hindi para sakin para sa boss ko. sa dami nito pinalagay ko na lamang ito sa sa room nya nahalos mapuno nito ang kwarto nya. Inabot ko pa ang card saknya pero dahil busy sya sa meeting ay hindi nya ito nabas ata. Nagulat ako ng biglang lumabas ito ng room nya kinuha ang cellphone pinicturan at nag selfie. papadala nya siguro sa Boyfriend nya. Laking gulat ko na tumatawag ito, ang pag tawag ng hindi makahinga. Laking gulat ko ng makita ko ang katawan nya na punong puno ng pantal at ang mata ay parang umiyak. Mas lalo akong nag panic ng nahimatay ito. Agad kinuha ko ang cellpone nya at may tumatawag. Exson, "hello babe, kumain ka na ba?" aniya nito. "Sir, sir kung ikaw ung boyfriend nya dadalhin si maam sa hospital." "Bakit, anyways, mesasge me the information. wag mo syang iiwan." Pagka paic nito. Agad kong kinuha ang i.d ni maam upang tignan at tawagan ang emergency person na nakalagay dito. Gina, tinawagan ko ito. "hello maam. Kayo po na ang mommy ni Maam. Rich, Dadahlhin kasi namin sya sa hospital bigla na lang sya nahimatay." PAg tawag ko rito. Minessage ko ang information kay maam Gina. Hindi ko iniwan si maam rich, hanggat wala pa ang mommy nya. "nagulat ako na may dumating na isang magandang medyo na 50's na siguro, at may apat na kasamang poging lalake, Wait parang si Aga, si Aga ng TV7 iyon. Wait papapicture muna ako. Nung lalapit na sana ako nagulat ako at papunta sila sa room ni Maam Rich. "Sino si Jean," pagkasabi ng matandang babae. "ahhmmmm, maam ako po. Kayo po ba ang mommy ni Maam Rich." "Asan yung card na kasama ng flowers." Sabi ni Aga, ohhh my God ang Pogi nya talaga. nastarstruck ako. sabi ko lang sa isip ko. "E---eto po sir." Pag abot dito. Binasa at nilukot nya. "B*b* ba sya? tinatawag nyang girlfriend tapos hindi nya alam kung san allergy." "Relax Aga, pasalamat tayo at okay na si Rich." Sabi ng matandang babae. At duon na nga nagising si Maam Rich, Agad tumakbo si sir Aga. "Kamusta okay ka lang?" Pag tatanongnito kay maam rich. kaano ano kaya ni maam rich tong si Sir Aga at grabe sya kung magalit.