Episode14 - Flashback
P.O.V Jonathan
Nagkayayaan kaming mga magkakaibigan mag laro ng basketball. madalas sumasama samin si Rich pag ganto pero hinatid nya lang si Aga. Mag grogrocery daw sya ng mga kailangan nyang supply sa bahay nya. Pagkatapos namin mag laro habang nakaupo ang tatlo sa upuan nagpapahinga at nagkwekwentuhan tinawagan ko si Rich, "Nasan ka?" pag tatanong ko dito. "Eto ng grogrocery pa." Pagkasabi nito. "kayo kamusta? " Sabay tinuro sila Aga, David at exson na nakaupo. "Puntahan kita." at agad kong binaba ang telepono. "Alis na ako, puntahan ko si Rich." Pagkasabi ko rito na "Bakit?" agad na tanong ni Aga sakin. "Samahan ko lang sya mag grocery." "Sama rin ako" Pagkasabi ni Aga "Sasakyan ko dala nun." "sama na kaming lahat." pagkasabi ni exson, si david na hindi na sasama dahil may lakad pa daw sila ni Alice. "Ganun siguro pag may Jowa na no?" pag kasabi ni Exson. Pumunta kami sa Grocery at hinanap si Rich, si Aga na naka sumbrero shade. "Anong ginagawa nyo dito? " Pagkagulat ni rich, "wala sasamahan ka lang namin." "Eto lang bibilhin ko sasamahan nyo pa ako." pagkasabi ni Rich samin na tinuro ang Napkin. "baka kasi mabigatan ka" sabay sabi ni exson na inakbayan ito. "Ohh Aga ikaw mag tulak ng cart na puno ng Napkin" pagkasabi ni Exson kay aga. "Agad akong lumapit kay Rich, kinuha ang kamay nito at nakipag holding hands habang si exson ay naka akbay dito. "Kinaganda mo to ha?" Pagkasabi ni Exson " Ano ba masyado kayong madidikit ang lalagkit ninyo." "ayaw mo nun pinagtitinginan ka ang gwagwapo ng mga kasama mo at ang taga tulak mo ng cart ay isang Heartthob" pag sabi ni Jonathan.
P.O.V Aga
Dapat ako yung naka akbay at ka holding hands nya e. sa sobrang inis ko kumuha ako ng maraming snacks at nilagay sa Cart nito. "Bakit ang dami nyan Aga.?" Pagalit na sabi ni Rich, "Hindi ko babayaran yan." dugtong pa nito. "Grabe ang UTI section ni Aga. parang gusto akong magkasakit." sabi nito. "Kami kakain nito tatambay kami sainyo" Pagkasabi nito. "Hindi pwede marami akong gagawin. Gusto kong magpahinga." pagkasabi nito."Bakit pinagod ka ba ni Aga kagabi Rich." pagtatanong ni Exson. Nagulat ako at namula ng bigla si Rich. "Tu-tumigil nga kayo." pagkasabi nito. tinignan lang ako ni Exson. pagkatapos magbayad e, iniwan muna namin ang cart. Naglakad lakad sa Mall at kumain. Habang nasa restaurant sa sulok kami pumuwesto, si Rich ang pinauna ko at tinabihan ko na ito baka kasi maunahan nanaman ako ng dalawang bugok. Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan nasa ilalim naman ng lamesa kaya walang makakakita. habang kumukuha ng order ay may lumapit nag papapicture.. Patuloy ang paglapit ng mga tao para mag papicture. "Aga control your fans." Sabi ni Rich. kinuha ko ulit ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit. "I'll talk to the manager" sabi ni Jonathan.
P.O.V Rich
Kinausap ni Jonaathan ang manager ng resstaurant na kinakainan namin nakita nya siguro na naiirita na ako sa mga tao na lapit ng lapit para mag papicture. Mahirap kasama dito si Aga dito sa Pilipinas. Masyadong kilala. Lumapit sakin si Aga, kinuha ang kamay ko at nakipagholding hands, pilit kong inaalis pero hindi ito pumayag. Hinigpitan ko na lang din ang paghawak sa kamay nito. Higpit na nag sasabi na gusto ko rin naman itong mahawakan. Kaso mahirap dahil nasa Public place kami. Matapos kumain ay naghiwalay hiwalay na kami. Syempre dahil sasakyan ni Aga ang dala ko kaya sya na ang nag drive. Nagpahatid na ako rito sa bahay. Tinulungan nya akong ibaba ang mga pinamili. Pumunta sa harap ng ref at kumuha ng tubig. Lumapit ako at niyakap ko ito mula sa likuran nya. "Gusto kong mag mall na kasama ka. yung tayo lang." pagkasabi ko rito. "Pwede naman naten gawin yan, dun na tayo tumira sa US, sa Mommy mo. " pagkasabi nito. "Hindi ko naman sinabing palagi paminsan minsan lang. at hindi pa ako ready tumira kay mommy. " Pagsabi ko rito. Alam ko kasi part na gusto ni Mommy na mag stay ako sa US ay ang imanage ang FIlipino Restaurant nito dun. Medyo na hihirapan na daw sya. Pero hindi ako ganun kasarap magluto. Ang alam ko lang ay kumain.
Umalis na si Aga pag katapos ko ligpitin lahat ng pinamili. naghanda ng gmit para sa pag punta sa La union. Dahil la Union ang aking pupuntahan kinuha ko rin ang surfing board ko tamang tama makapag libang pag katapos mag trabaho.
P.O.V Aga
"anak mag-usap tayo?" Sabi ni Mommy. "Yes mom?" Pag tatanong ko rito. Alam ko matagal mo ng gusto si Rich. Natatakot lang ako baka masaktan mo sya alam mo ang buhay sa showbiz baka pagnalaman ng mga Fans nyo na sya ang girlfriend mo ay atakihin nila ito. Hindi ko kakayanin pag may masamang mang yari kay Rich, alam mo naman na parang anak ko na ito." Pag kasbai ni mommy "Mommy wag kang mag alala nagiingat kami ni Rich. ako mismo ang proprotekta kay Rich mula sa mga fans ko. at kung kailangan ko isacrifice ang showbiz gagawin ko mommy. Alam mong matagal ko ng hinihiling to. dumating pa nga ako sa punto na kinausap ko si tita celestine na i arrange marrigae na lang kami. Pero ayaw pumayag ni Tita kasi gusto nya ligawan ko muna sa RIch." Pagkasabi ko kay mommy, naalala ko
Flashback
8 years ago
Pumunta ako sa US dahil sa isang project ko. Tamang tama dahil andito na ako pupuntahan ko si Tita celestine. Isang taon pagkamatay ng daddy ni Rich si Tito Jose. Malaki ang sinacrifice ni tita at ni Rich, naibenta ang bahay nila sa subdivision namin. Umaalis si Tita patungo sa US at naiwan si Rich dito. Pumunta ako ng US para sa project ko at dahil nandito na rin ako ay kinausap ko si Tita Celetine. "Tita ipakasal mo na lang sakin si Rich, para hindi na kayo mahirapan ng ganto." pagkasabi ko saknya "Aga bata ka pa, sikat paano ako makakasigurado na hindi mo sasaktan ang anak ko, tama na ang sakit na naramdaman nya nung namatay ang Daddy nya." "Tita matagal ko ng gusto talga si Rich. Matagal na akong may lihim na pag mamahal sa kanya." "aga ayokong pag himasukan ang buhay pag ibig ni Rich, kung san sya masaya susuportahan ko sya. Ganto na lang ligawan mo na lang sya, pag dumating ang panahon na napasagot mo sya pwedeng pwede na kayong mag pakasal."
End of flashback
At ito ang tumatak sa isipan ko. Ngayon kami na ay kahit anong oras ay pwede ko ng pakasalan si Rich.