XXIII

2225 Words

CHAPTER TWENTY-THREE “HINAHANDA na namin ang merienda n’yo. Gutom na ba kayo?” narinig kong tanong ni Nanay habang inilalagay ko sa karton ang cartolina na hindi ko nagamit pati na ang mga ginupit ko. “Sige po, `Nay,” narinig ko namang tugon ni Carson. Huminga ako nang malalim. Marinig ko pa lang ang boses niya, kumikirot na ang dibdib ko. “Cris, anak, mamaya mo na ligpitin `yan. Kumain ka na muna.” “Okay lang po, `Nay. Kakaunti na lang naman `to.” Nakapa ko ang tiyan ko nang bigla na lang `tong kumalam. Bibilisan ko na nga lang. Iniwan ko na muna ang karton sa mesa. Pagharap ko sa direksiyon ng kusina ay nagulat pa ako nang makita kong nakatayo pa rin si Carson at nakatingin sa akin. Pero pinili kong huwag kumibo. At gano’n din siya. Ano `to? Magpapakiramdaman na lang kami? Ang hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD