XIV

2430 Words
CHAPTER FOURTEEN MAGANDANG GABI, MAGANDA KONG MISIS. :* Natawa ako nang mabasa ko ang message sa akin ni Carson sa Messenger. Kauupo ko lang sa mesa dahil maghahapunan pa lang kami. Hindi kaya siya pagod? Nakuha pa niya akong hiritan nang ganito, eh. MAGANDANG GABI RIN, MISTER KONG... KYUT. Natatawa na lang ako nang mai-send ko ang reply ko sa kanya. “Bakit ka natatawa? Sino `yang ka-text mo?” tanong sa akin ni Nanay na naghahanda ng mesa. “`Yong asawa ko po kasi nag-chat.” Ibinaba ko muna ang cellphone ko at tinulungan si Nanay na ilatag ang mga pinggan at kubyertos. “Binati lang naman ako ng ‘magandang gabi’.” “Binati ka lang, kilig na kilig ka na,” tukso naman ni Nanay. “Maganda ang patutunguhan n’yo, anak.” “Puro kasi `yon kalokohan.” Mabilis kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito. Napangiti na naman ako nang imbes na mag-reply ay tumawag si Carson. “H-hi,” nautal ko pang bati. Pigilan mo ang kilig mo, Mary Cris! “Naghapunan ka na, Misis?” may bahid ng ngiting tanong naman sa akin ni Carson. “Maghahapunan pa lang. Ikaw, Mister?” “Kauuwi ko lang ng bahay. Magpapalit lang ako ng damit tapos bababa na rin ako. I have a lot of work to do, wife. I wish you were here. Tingnan lang kita, I don’t feel like working at all.” Napaubo naman ako. Hindi ko alam kung paano itatago ang kilig ko. Ano ba `tong mga pinagsasasabi ng asawa ko? Hindi ako sanay. “Kung ganyang busy ka, Mister, maisingit mo pa kaya ako sa busy schedule mo?” tanong ko. “Misis, ano ba namang klaseng tanong `yan? Hindi isinisingit ang pamilya sa trabaho. Isinasantabi dapat ang trabaho para sa pamilya. Motto `yan ni Lolo na ipinamana niya sa `kin. Family first.” Hindi ko naman naitago ang mga ngiti ko. Ibig sabihin, hindi magiging problema ang trabaho ni Carson kapag naging ama na siya. Pamilya pa rin ang priority niya. ‘Pamilya’. Kinokonsidera niya akong pamilya. Ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi na tuloy ako makapaghintay na magkita kami uli. “Mister, nakakain ka na ng camote delight?” pag-iiba ko. “I think so, Misis. But that was a long time ago. Bakit? Ipagluluto mo `ko?” Nahimigan ko ang excitement sa boses niya. “Gusto ko `yan.” Natawa naman ako. “Sige. Kapag bumalik ka na. Mangunguha tayo ng kamote.” “M-mangunguha tayo ng kamote? Pahahawakin mo `ko ng lupa?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo. Kasi hindi naman kusang lalapit sa atin ang kamote, eh,” pigil ang tawang sabi ko. Hindi ko ma-imagine ang mukha ni Carson na nagbubungkal ng kamote sa lupa. Ang cute siguro niyang tingnan. “It’s going to be worth it, right? Katulad na lang ng mga manok na kinatay natin?” “Of course, Mister. Sige na, kain ka na, ha? Gusto mo, mag-usap tayo mamaya bago matulog?” “How about pagkatapos ng hapunan?” Mas gusto ko `yon. “Ikaw ang bahala.” Makahulugan ang ngiti nina Nanay at Nanang nang matapos na ang tawag. “Huwag n’yo po `kong tingnan nang ganyan,” napaingos na sabi ko. “Uy, si Mary Cris, dalaga na,” kantiyaw ni Nanang. Natawa na lang kaming tatlo. Nagdasal muna kami bago kumain. Nakakailang subo pa lang ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Merong ipinadala sa `kin si Carson. Picture niya habang nakanganga at isusubo pa lang ang pagkain sa kutsara. Natawa naman ako at ipinakita iyon kina Nanay at Nanang. Tawang-tawa naman sila sa picture ni Carson. Hari talaga siya ng kalokohan kahit kailan. WALA akong nahanap na frame na pagkakasyahan ng picture namin ni Carson kaya isinama ko na lang iyon sa graduation picture ko at inilagay sa bedside table. Masasabi kong mas sincere na ngayon ang mga ngiti ko kay Carson kaysa sa ngiti ko noong kinunan itong selfie namin kasama ng mga estudyante ko. “Hindi ka na busy, Misis?” tanong ni Carson sa kabilang linya. “Hindi na, Mister. Oo nga pala, meron akong gustong ikonsulta sa`yo. `Yong pera kasing ibinigay ni Don Conrad sa `min para sa kasal, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin. Naisip ko na mag-donate sa charities. Kasi, Mister, napanood ko sa TV no’ng isang gabi `yong home for the aged na nangangailangan ng sponsor. Kawawa naman sila. Kailangan nila ng mas maayos na facilities do’n.” “Gusto mo silang tulungan?” “Gustong-gusto ko.” Hindi ko ma-imagine na mapunta si Nanang o si Nanay doon kapag matandang-matanda na sila. `Yong iba kasi sa mga lolo’t lola na kinupkop ng home for the aged ay parang kinalimutan na ng mga pamilya nila. Siguro kung magkakaroon sila ng mas maayos na tirahan, baka sakaling mabawasan man lang kahit kaunti ang kalungkutan nila. “Well, since mukhang siguradong-sigurado na ang misis ko, I’ll ask our lawyer to coordinate with people to make it possible. Sa tingin ko rin, meron ka na ring dahilan para pumunta rito. What do you think, Misis?” I can only imagine my husband grinning. “Gusto mo `kong pumunta riyan?” tanong ko. “Oo. Sa tingin ko, magugustuhan `yon ng mga kapatid ko. Nami-miss ka na nga nila, eh. Ano? Pag-uwi ko diyan, pag-usapan natin ang ibang mga detalye. Sa tingin ko, kailangan mo na ring magpaalam uli sa school mo—no, wait a minute. My grandfather owns the school. Madali na lang pala `yon,” mayabang pang sabi niya. Naiikot ko na lang ang mga mata ko. “Oo na. For charity purposes naman ang gagawin kong pag-absent. Pero pag-usapan na lang natin `yan kapag nakauwi ka na rito. Matulog kang maaga, ha?” “Pero gusto kong matulog na ikaw ang huli kong kausap,” sabi naman ni Carson. Napahiga ako sa kama at gumulong na parang higad na kinalbo. Magkaka-diabetes na yata ako! “Nasobrahan ka sa binatog, `no, Mister? Ang corny mo, eh.” “Sa’n banda ang corny ro’n?” And we end up laughing over the phone. PAGKAGALING ko sa eskwelahan ay agad akong nagbihis at naghilamos kaysa kumain muna ng merienda na handa ni Nanang. Mayamaya lang ay alam kong darating na ang chopper na maghahatid dito kay Carson. Hindi na niya ako sinorpresa. Tinawagan niya ako para sabihing maaga siyang aalis ng opisina para makapunta siya rito nang maaga. “Hindi ka ba kakain, Cris?” tanong sa akin ni Nanang. Umiling naman ako. Nagugutom ako pero hindi ako makakakain nang maayos dahil sa excitement ko na makita uli ang asawa ko. “Sabay na lang po kaming kakain ni Carson nitong sopas kapag dumating na siya.” “Halatang excited sa pagdating ng asawa,” kantiyaw sa akin ni Nanang. “`Nak, sinabi ba ni Carson kung ano ang gusto niyang ulam mamaya para sa hapunan?” si Nanay nang tumuloy na rin siya ng kusina. “Hindi po. Kahit ano namang lutuin n’yo, kinakain n’on, eh,” napangiting sabi ko. “Oo nga pala, `Nay, `Nang, nagkasundo na ho kami ni Carson na tutulungan niya `kong mag-donate sa home for the aged mula sa halagang ibinigay sa atin ni Don Conrad.” “`Yon ba `yong napanood natin sa TV noong nakaraan?” tanong ni Nanang. “Opo. Kakausapin daw niya ang abogado niya para makipag-coordinate sa mga namamahala ro’n sa home for the aged. Nakapagpaalam na po ako at okay po kay Lolo Conrad ang binabalak namin ni Carson. Kaya magle-leave muna ako para magpasama sa asawa ko.” “Eh, di sa mansiyon ka nila pansamantalang titira?” tanong ni Nanay. “Opo, `Nay.” “Natutuwa akong marinig `yan, anak.” Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. “Tinutulungan n’yo ni Carson ang isa’t isa. Hindi lang kayo basta mag-asawa, parang matalik na rin kayong magkaibigan. Magtatagumpay ang marriage n’yo, anak!” “Gawa kayo ng maraming apo ko sa tuhod, ha,” pasakalye naman ni Nanang. Natawa naman ko. Nanlalaki pa ang mga matang nagkatinginan kami nang marinig na namin ang tunog ng chopper. Nataranta na naman ang sistema ko. “O-okay na ho ba ang hitsura ko?” tanong ko at inayos-ayos ang buhok ko. “Maganda ka na,” sabay naman nilang sabi sa akin. “Susunduin ko lang po ang asawa ko.” Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas ng bahay. “Go, anak! Kaya mo `yan!” PIGIL na pigil na naman ang excitement ko habang papalapit ako sa kinaroroonan ng chopper. Malayo pa ako ay nakita ko nang tumalon pababa si Carson sukbit ang malaki niyang backpack. He just takes my breath away. Agad ding tumaas sa ere ang maingay na chopper. Nang ilang metro na lang ang layo naming dalawa ay nakita ko na ang malapad niyang ngiti. Ibinuka niya ang mga kamay niya at ikinumpas ang mga iyon na parang mga pakpak habang patakbong lumalapit sa akin. Natatawa naman ako habang sinasalubong siya. Makita ko pa lang siya, tanggal na agad ang pagod ko. Nakita kong napabuga siya ng hangin bago niya ako ikinulong sa mga bisig niya at niyakap nang mahigpit. Niyakap ko rin siya nang mahigpit para namnamin ang init na nanggagaling sa katawan niya at ang amoy ng pabangong gamit niya. I missed him. I miss my husband every single day. “Grabe, parang ang tagal nating hindi nagkita, ah,” biro ko pa nang kumalas ako sa yakap niya. “Kumusta, Mister?” “Ang tagal kaya ng limang araw, sobra.” Hinawakan ni Carson ang kamay ko at pinaikot ako na parang nagsasayaw lang kami. “I’m so happy to see you, Misis! What about you? Kumusta ka rin? Did you miss me like I miss you?” Carson and his silly antics... “Oo naman,” pag-amin ko habang natatawa. Hinaplos ko ang mukha niya. “Gutom ka na?” “Gutom na gutom na.” Hinapit niya ako sa baywang at siniil ng halik ang mga labi ko. Agad kong tinugon ang mga halik niya. Ayoko munang mag-alala sa public display of affection namin ng asawa ko. His kisses are all that matters to me now. Napayakap na ako sa batok niya at lalong idinikit ang katawan ko sa katawan niya. A moan even escapes my throat. Whenever we kiss, it’s always like this. “Mukhang gutom ka na rin,” biro niya at pabirong pinisil ang baba ko. Nagkatawanan naman kami. KAGAYA ng nakaraan, meron na namang pasalubong sa akin ang asawa ko. Hinanap daw talaga niya ang matandang pinagbilhan niya ang butterscotch at brownies at inubos na naman ang paninda nito. Ibinigay lang daw niya ang iba sa mga kapatid niyang malnourished. Inihanda ko sa sala ang merienda namin habang pumasok naman si Carson sa kwarto para magpalit ng damit. Nang matapos ako ay sinundan ko na siya sa kwarto. “Mister?” Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kama habang hawak ang picture frame na ipinatong ko sa bedside table. Nilingon niya ako at ngiting-ngiti naman siya. “Bakit?” “Meron lang akong nakitang cute.” I crinkle my nose. “Saan diyan?” “Tayo.” Ibinalik na niya sa mesa ang picture frame. Hindi ko alam kung bakit napatigil ako sa sinabi niyang ‘tayo’. It was a simple pronoun pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit iba ang dating ng salitang iyon. Para kasing... para kasing gusto kong bigyan ng mas malalim na kahulugan pa. “Halika na, Misis. Excited na `kong kainin ka!” sabi ni Carson at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Umandar na naman ang pagkapilyo niya. “`Yong sopas nga kasi,” napaigtad na bawi niya at painosente akong nginisihan. “I HAVE something to tell you, Misis,” sabi sa akin ni Carson habang naghuhugas ako ng pinggan. Katatapos lang naming maghapunan at ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Sinamahan naman ako ni Carson. Ayaw raw niyang nahihiwalay sa akin kahit sandali lang. Honestly, wala siyang sinabing gano’n. In-assume ko lang. “Ano `yon, Mister?” tanong ko naman nang sulyapan siya. Nakasandal siya sa tabi ng lababo habang nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya. “There’s this party next week na in-organize ng mga inaanak ni Lolo sa kasal. It’s their wedding anniversary. Imbitado ako pero nag-decide akong huwag nang pumunta.” “Invited din ba sina Ziggy at Thirdy?” tanong ko. “Oo.” “Bakit hindi ka pupunta? Pupunta naman pala ang mga kaibigan mo.” “Going to a party doesn’t excite me anymore,” napakibit-balikat na sagot niya. “Siguro dahil hindi na `ko single.” “I’m sorry,” I said with a shy smile. “For what?” takang tanong naman ni Carson. Pinatay ko na ang gripo at tinapos ang pagbabanlaw sa mga pinggan. “Dahil sa `kin, hindi mo nagagawa ang mga gusto mo at ang mga bagay na nakasanayan mo nang gawin.” Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya. “You got me wrong,” sabi niya. “Ano?” kunot-noong tanong ko. “`Yong mga bagay na gusto ko at nakasanayan kong gawin, hindi ko na gusto at ayaw ko nang gawin. And it doesn’t even bother me. At ang sinasabi ko, I might change my mind and go to that party if my wife is going to be my date.” Hindi ako agad nakatugon at ilang sandali ring nakatitig lang sa nakangiting mukha ni Carson. Seryoso ba siya? Gagawin niya `kong date? “Hala.” `Yon lang ang tanging nasabi ko. Tinawanan tuloy ako ni Carson. “Ano’ng ‘hala’? ‘Oo’ ba ang ibig sabihin n’on?” “Eh...” Napaingos ako. “Papayag na `yan.” Napatili at napaigtad ako nang basta na lang niya akong niyakap sa baywang. “Ano ba, Carson? Hindi pa `ko tapos, o,” saway ko sa kanya. “Pumayag ka muna.” Idinantay pa niya ang mukha niya sa balikat ko. Napatili tuloy ako dahil sa pagkakiliti. “Dini-distract mo `ko, eh,” nakangiwing sabi ko at siniko siya pero mahina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD