NAGING habit ko na na tingnan ang emails ko maya't-maya simula nang araw-araw akong padalhan ng mga bagong litrato ni Red. Pakiramdam ko nililigawan niya 'ko dahil sa mga pagpapadala niya ng emails sa akin. Ang pangatlong email niya ay medyo may personal touch na kahit hindi ko siya pinapansin at sinasagot. Hi Ms. Freya, I sent you flowers today but I guess mahaharang lang din ng guwardiya ng building or ng assistant mo. Here you can find my new sets of photos. I hope you'll respond to me soon. Red True to his word, may ipinadala nga siyang white daisies. May nakasulat pa sa card na QR code na kapag ni-scan ay mapupunta sa meaning ng bulaklak. Innocence and Purity. Kung alam niya kayang pinagpapantasyahan ko siya gabi-gabi, white daisies pa rin ang ipapadala niya? Sa ikaapat niyang

