HINDI ako tinigilan ni Freya hangga't hindi ako pumapayag na puntahan namin ang anak ni Ara. "Oo na! Sige na! Subukan nating puntahan at kausapin mamayang hapon. Pero maglinis muna tayo ng bahay gaya nga ng sabi mo may alikabok din sa America." Kahit na wala pa akong matinong tulog ay pumayag na rin ako. Baka naman mapagod din siya at hindi na rin kami matuloy matapos naming maglinis. Matagal na ngang walang linis ang bahay kaya siguro napansin na ang accumulated dust particles na nagkalat sa paligid. Hangga't maari ay ayaw kong namamalagi roon kaya't ang numero na inilagay ko sa mga flyers ay ang number ng apartment na tinutuluyan ko kapag weekdays para siguradong mayroong taong sasagot kung sakaling may tatawag. Umuuwi lang ako kapag weekend para tingnan at bisitahin ang bahay. Sa guest

