"Me drama na me action pa!" sabi ni Shaun habang ngumunguya ng mani. "Nag enjoy ka naman?" naka busangot na sabi ni Natasha sa asawa na mas madami pa yata nakain sa kanyang mani. At tinalikuran ito. "Medyo!" sabi nito at pumasok na din sa kwarto nilang mag asawa. "Medyo lang halos naubos muna ang mani!" naka simangot niya pa din sabi dito. "Weakness ko kasi ang mani. Pareho kami ni baby siguro Shaun junior yan.” malapad ang ngiti nito at me pilyong ngiti na nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito. Pero napatili na lang siya ng buhatin siya nito at isa isang nagliparan ang kanyang suot na damit. Ang kanyang asawa na hindi lang nilaga ang nilantakan pati ang hilaw na mani walang sawa din na nilantakan. Pasaway! ------- Ilang buwan na din ang lumipas. Graduate na asawa niya pero hindi

