Chapter 41 Amery POV "SAAN mo siya iniwan? Tinatanong kita!" Malakas na singhal ko sa nahihintakutang driver na halos magsiksik sa likuran ni Manang sa matinding takot. "S–sa p–palengke po, Sir , s–sabi niya bibili lang po ng pasalubong sa anak niya." Sa galit ko ay muntik ko na itong masuntok. "s**t! Bakit, hinayaan mong mawala sa paningin mo?" Namumula ang mukha ko sa matinding galit. May kinausap lang akong tao kanina kaya nawala ako buong mag–araw. May tiningnan akong property at direktang binili ko agad. Walang signal sa lugar na pinuntahan ko kaya hindi ako nakatawag, kahit ilang beses akong nag–attempt na tawagan si Natalie dahil sobra ko itong na miss kanina, kahit ilang oras palang na hindi ko ito nakikita. Sa pagbalik ko dito sa farm ito ang sasalubong sa akin. Nakakainit

