Frances P.O.V.
Pag gising ko kinabukasan Tracy was already gone. Ang sakit sa mata ang sikat ng araw, nilingon ko si Louise sa tabi at nakita ko na tulog na tulog pa din sya.
"Sleepy head." nakangiting sabi ko.
I kiss her sa forehead and bumangon na ako para maghilamos at mag toothbrush. Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko ang boys na nasa dining area umiinom ng kape, halatang may mga hang over sila.
Si Enzo nakapatong ang braso sa mesa at nakatungo, sina Migs at Nathan naman parang mga nakapikit pa habang nakaupo. They really looked wasted, kaya ako hindi ako umiinom.
Ayoko kasi sa lahat ang hang over. Naalala ko sina Amanda and Tiff nga pla uminom din kagabi pero hindi ko sila makita sa dining area.
"Nasaan si Tiff and Amanda?" I asked no one in particular, hindi din kasi ako sure kung nasa tamang wisyo na yun tatlo.
"Nasa room pa sila." si Nathalie ang sumagot. Hindi ko sya napansin nakaupo pala siya sa sofa sa may living room habang nanonood ng TV. Magkadugtong lang kasi ang living room at dining area, meron lang nakalagay na maliit na divider.
Hindi ko sya pinansin (dahil inis pa din ako sa kanila ni Louise) at dumaretso ako sa 2nd floor para gisingin yun dalawa, for sure tulog pa yun.
Pinihit ko ang doorknob at nakita ko ang dalawa na tulog na tulog pa nakahilata sa kama. Ang makapal na kurtina ay nakasara pa kaya pala medyo madilim pa sa kwarto.
Naalala ko si Tracy, hindi ko din pala siya nakita sa ibaba. Hinila ko ang kurtina kaya naexpose ang liwanag ng araw. Sabay na umungol ang dalawa ng nasinagan na sila ng araw. Mga bampira lang ang peg?
"Gumising na kayo aba tanghali na." medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig nila. Si Amanda medyo dumilat ang mata pero hinarangan ng kamay nya sa nakakasilaw na liwanag.
"Oh come on Frances, palibhasa wala kang hang over." reklamo ni Amanda.
"Kaya nga hindi ako umiinom kasi ayaw ko ng hangover." pang aasar ko sa kanya, lumapit ako sa kama nila saka naupo dito.
Si Tiff naman pupungas pungas na umupo na at tila wala pa sa sarili.
"Tara girls bangon na kayo." aya ko sa kanila habang hinihila pababa yun kumot nila. Tinignan muna ako ng masama ni Amanda bago bumangon at pumunta ng CR sa may hallway.
"Haha hindi maganda ang gising ni Amanda." natatawa ako sa kanya.
Nang tila nahimasmasan na si Tiff saka nya naramdaman ang sakit ng ulo, sapo sapo nya ang ulo nya at naghahanap ng pain reliever sa drawer ng table sa tabi ng kama.
Tumayo na ko sa kama ng nasigurado ko na gising na silang dalawa. Bumaba ako para magluto ng breakfast, kumuha ako ng itlog at nagluto ng scrambled egg. Nagluto din ako ng bacon at pancakes kasi wala palang stock ng bread sa drawer.
Ang bilis nagsikainan ng mga boys kaya walang tigil din ako sa pagluluto, sinilip ko si Nathalie sa sofa nanonood pa din ng TV. Naasar ako ng hindi man lang magawa tumulong sa pagluluto ko.
Nag init na din ako ng tubig para makapagkape sina Tiff pagbaba nila. Tinanong ko din ang mga boys kung nakita ba nila sa Tracy. Sabi ni Enzo lumabas daw kanina, naisip ko baka nagpunta sa may kubo sa labas.
Pagbaba nina Amanda kumain na din sila ng breakfast at uminom ng kape, niyaya nila si Nathalie pero ang sabi hindi pa daw sya gutom.
Maya maya pa nakita ko na din si Louise na bumaba, nakasuot sya black Nike shorts at naka white fitted shirt. Hindi maalis ang titig ko habang bumababa sya ng hagdan, she looked so edible. Parang bigla ako nagutom ng nakita ko siya.
Nakatitig din sya sakin at nakasmile, biglang gumanda ang mood ko napangiti din ako sa kanya. Sinenyasan ko siya umupo bago ko sya pinaghanda ng breakfast. And dami nya nakain, as usual alam kong PG sya kaya madami ako tinira sa kanya na food.
Pagkakain namin ay tinulungan ako ni Louise na magligpit ng pinagkainan namin. Nag volunteer na sina Tiff and Amanda na maghugas ng plato since ako na daw ang nagluto.
Niyaya ko si Louise na pumunta sa labas para tignan si Tracy kung nasa kubo. Hinawakan ko ang kamay nya habang naglalakad kami.
Ewan ko kung napapansin nila ang extra closeness and sweetness namin dalawa ni Louise, wala naman sila nasasabi o kaya deadma lang siguro.
Paglabas namin nakita ko si Tracy sa labas nakaupo sa kubo at nakatanaw sa dagat, umupo kami sa tabi nya.
"Tracy bat hindi ka pa kumain? May food pa natira sa loob." pukaw ko sa kanya, parang ang lalim kasi ng iniisip.
Tila nagulat pa sya sa sinabi ko, hindi pala nya namalayan na nasa tabi nya na kami ni Louise.
"Hey nandyan pla kayo. Thanks na lang busog pa kasi ako." sagot nya habang nakatingin pa din sa dagat. Tinatanaw ata yun mga nangingisda sa may kalayuan.
"Tracy ok ka lang ba? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" concern na tanong ni Louise. Para kasi may bumabagabag dito, tahimik kasi sya at ang lalim ng iniisip.
"Ok lang ako Louise, may iniisip lang ako.." bahagya sya lumingon kay Louise bago ngumiti.
"Si Enzo ba?" I just took a wild guess, napansin ko kasi kagabi pagkatapos nila nagkiss ni Enzo, dahil sa truth or dare, ay tila nawala na ito sa sarili nya.
Uminom pa nga sya ng beer sa sobrang intense ng naramadaman nya.
Napansin ko nagblush sya bago yumuko, bigla naging parang interesting tignan ang mga buhangin sa paanan nya.
Bingo! Sabi na nga ba, hindi kaya matagal na may pagtingin si Tracy kay Enzo at lalo lang nag ignite ang feelings nya dito dahil sa nangyari kagabi?
"It's ok Tracy you don't need to answer, I just want you to know na nandito lang kami ni Louise kung kailangan mo ng makakausap." pag aasure ko sa kanya bago ko pinisil ang kamay nya.
"Thanks Frances....what's with you guys parang sobrang close nyo na sa isa't isa?" Biglang curious na tanong nya. Tumingin sya sa akin bago kay Louise.
Hindi ako sumagot bago nagsalita siya ulit "This morning paggising ko nakita ko magkayakap kayo dalawa, I mean, kayo ni Amanda close din kayo but I don't see you two did that before." nagtatanong ang tingin nya sa amin.
Siya naman ang pumisil sa mga kamay ko "Tracy kasi-" sabi ko sa kanya kaso pinutol nya ang sasabihin ko.
"Kung ano man yun meron sa inyo dalawa, I'm not here to judge. I love you guys both, masaya ako kung masaya kayo. Ok?" Nakasmile na sabi nya na tila saglit na nawala ang lungkot na nararamdaman nya.
"Thanks..." parang naiiyak naman ako sa sinabi nya. Alam mo yun feeling na naintindihan ka nya at alam mo na hindi ka nya huhusgahan kahit ano pa ang malaman nya, now ko lang narealize na napakabait pala ni Tracy.
Kahit kasi sina Amanda and Tiff hindi ko sigurado kung maiintindihan ba nila kung ano ang meron sa amin ni Louise.
"Thanks..alam mo kung ano meron kami ni Frances sobrang saya ko, how I wish na wag na sana ito matapos." madamdaming saad ni Louise bago sya tumingin sa mga mata ko. Naramdaman ko ang sincerity nya at halos maluha na ako sa tuwang nararamdaman ko.
Her light brown eyes are shining with intense emotion..right there and then wala akong gustong gawin ay halikan sya para maramdaman nya na pareho kami ng nararamdaman.
Naputol lang ang usapan namin tatlo nang lumabas na din ang mga boys pati sina Tiff.
Binuhat ni Nathan ang sumisigaw na si Tiff bago nya dinala sa dagat at saka inihagis, tawang tawa ako sa kanilang dalawa para kasi silang mga bata.
Si Tracy hindi makatingin ng diretso kay Enzo, habang si Enzo busyng busy naman pakikipagusap kay Nathalie.
Speaking of Nathalie "Saan at paano mo pala nakilala yan si nathalie? " curious na tanong ko kay Louise, kasalukuyan kami nakaupo sa long chair habang nag sun bathing, pareho kami nakashades at nakasuot na ng bikini.
"Diba nakwento ko na kagabi?" Ibinaba muna nito yun sunglasses nya bago nagsalita.
"Ah yeah sorry nakalimutan ko." palusot na sabi ko.
"Nagseselos ka no?" Tila naaamuse pa siya, halata din pinipigilan ngumiti.
"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman tayo." nonchalant ko na sagot.
"That's it Frances, ano nga ba talaga tayo?" Pabulong na tanong nya habang nilapit ang mukha sa akin.
"Ano nga ba dapat? Hindi mo pa nga ako niyayang magdate eh." sagot ko habang umaakto pa ko na hahalikan sya sa lips, ang lapit na kasi ng mukha nya sakin.
Natatawa lang sya ginawa ko "Really date? Halos may nangyari na nga sa atin kagabi." pagpapaalala pa nya sa nangyari.
Hindi ko tuloy mapigilan magblush pagkaalala ko nun pangyayari, kung hindi pa siguro dumating si Tracy eh malamang na naisuko na ang Bataan.
Kung hindi nyo naitatanong ay virgin pa po ako, si Migs lang naman ang naging bf ko before. Mga bata pa kami ng naging kami kaya wala pa sa isip namin ang ganung bagay.
"O natahimik ka na dyan Mine?" nagwiwigle pa ng kilay na sabi ni Louise.
"Idate mo muna ako saka ko sasagutin ang tanong mo." sagot ko habang binalik ko ang tingin ko sa pasaway na naglalaro at lumalangoy sa dagat.
"Yes my Princess, next week po." pacute na sagot nito, pinapakita pa yun cute ng dimples nya. Hindi ko napigilan ismack ang pink lips nya, for sure wala naman makakapansin nun kasi lahat sila busy.
Nagulat siya sa ginawa ko bago nya tinignan sina Migs kung may nakapansin na ginawa ko. Nang matiyak nya na wala saka nya ko ulit tinignan bago hinawakan ang kamay ko.
Ang saya ng pakiramdam ko habang pinipisil ko ang kamay nya, kung pwede lang wag ko na bitawan kahit kailan.
"Hindi mo ba namimiss ang New York?" bigla ko naisipan itanong.
"Hmmm namimiss din lalo na ang mga friends ko doon, kaya lang mas masaya ako dito kasi nandito ka.." bakas ang sinseridad sa boses nya kaya naramdaman ko na ang pamilyar na bilis ng t***k ng puso ko.
Nang biglang epal na lumapit samin si Nathalie at nanira ng moment namin ni Louise. Gustong gusto ko sya ilublob sa dagat o ibaon ng buhay sa buhangin ng mga oras na yun.
Natuwa na lang ako ng hindi tinanggal ni Louise ang pagkakahawak ng kamay namin, medyo tinago lang nya yun sa may ilalim ng towels. Pinipisil nya ang kamay ko para hindi ako magselos.
After ilang minutes na pakikipagdaldalan ay umalis na din ito. Salamat kay Enzo dahil tinawag sya para magswimming daw sila.
"Hay buti naman umalis na." nakasimangot na sabi ko habang tinitignan sya ng masama habang papalayo.
"Kung nakakamatay ang tingin mo kanina pa yan naninigas." tatawa tawang sabi nya.
"Ano ba kasi meron sa inyo nun, siguro naging gf mo yan ng nasa States pa kayo?" nagseselos na tono ko bago ko binitawan ang kamay nya.
"Haha hindi no, straight yan. Close lang talaga kami and beside isang tao lang naman laman ng puso ko ..ang aking 1st love.." seryosong sabi nya.
Kinilig ako ng narinig ko yun, pinigilan ko lang magsmile. Kunwari lang na nagseselos pa ko pero deep in side ang saya saya ko sa narinig ko. 1st love ko din naman sya kahit si "Luis" pa siya noon.
Ang lagkit ng titig nya sa akin..ang sarap din pagmasdan ng mga mata nya lalo na pag nakikita ko un gray specs sa loob nito.
Hindi din ako nagsasawa titigan ang perfect facial features nya lalo na ang sexy body nya na super expose and ang yummy sa paningin ko. Bagay sa kanya ang black na top and bikina nya, halter style kaya lalo na sy naging sexy tignan.
"Gosh! please stop eye f*****g each other!" Pang iistorbo ni Tiff sa napakagandang titigan moment namin ni Louise. hindi namin namalayan na nakalapit na plan siya sa amin.
Sabay lang sila nagtawanan ni Louise, habang ako maang na napatitig lang kay Tiff. Naisip ko bigla kung alam nya na kaya? Lagi kasi sya "nakakahuli" ng eye to eye moment dalawa ni Louise.
Pinagmasdan ko ang reaction nya after nila magtawanan dalawa, mukhang cool lang si Tiff, tila may napapansin na siya pero parang ok lang naman sa kanya. Sabi ko nga sa inyo daring at wild si Tiff kaya malamang ay open din sya sa ganitong bagay.
Lumapit na din yun iba sa pwesto namin, mga basang basa na sila at medyo umitim na sina Enzo and Nathan na sa tingin ko ay mas lalo lang nakadagdag yun sa kagwapuhan ng dalawa.
Si Migs biglang umupo sa tabi ko tapos hinawakan ako sa kamay. "France tara swimming tayo" aya nya sakin. Medyo namumula na nga ang maputi nyang balat dahil sa kakababad sa araw.
"Ah eh mamaya na siguro mainit pa kasi, ayoko mangitim." palusot na sabi ko, pasimple akong tumingin kay Louise kaso busy naman sya pakikipagusap kay Nathalie.
Nag init na naman ang ulo ko "Tara na nga Migs turuan mo ako magswimming." sabi ko sabay tayo. Nauna na ako naglakad habang hawak ang kamay nya.
Narinig ko nagsisigawan sina Enzo, Amanda at Nathan, bagay na bagay daw kami.... oh well, Kung alam lang nila.
Pumunta na kami ni Migs sa mababaw na parte ng dagat, humawak ako sa kanya para hindi tangayin ng malakas na alon. He put him arms around my waist while I was holding his shoulder.
Tinitigan ko sya sa mata at pinagmasdan, ang basang buhok nya ay bahagyang tumatakip sa gwapo nyang mukha. Mababanaag sa mga mata nya ang pagmamahal na alam ko na bata pa lang kami ay naroon na, ngumiti sya sakin.
"France, I miss this. Yun tayong dalawa lang, parang nung mga bata pa tayo." masuyo nya sabi bago mas nilapit ang katawan ko sa kanya.
I used to adore this guy when we were kids, he's really nice, a true gentleman and a very sensitive guy. Kaya alam ko napaswerte ng babaeng mamahalin nya.
Napabuntong hininga ako ng maisip ko yun. I used to adore him, I used to love him..and until now i still do. But yun love na parang sa kapatid lang o yun love sa isang bestfriend.
And a realization hit me.. I love him... but I am no longer inlove with him.
Nalungkot ako bigla sa realization na yun. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Hey France, why are you crying? Nasasaktan ba kita?" Bakas ang pagalala sa boses nya, medyo niluwagan nya ang pagkakayakap sa akin
"Wala naman, narealize ko kasi na napakaswerte ko to have a friend like you." a small smile found my lips.
"Awww thanks France, I feel so lucky din to have you as my friend...and I hope to be more than that again..soon?" Sabi nya habang pinunasan ng thumb nya ang luha na tumulo sa mata ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya "May gf ka na." mahina kong sagot sa kanya. Nadadala kami ng alon kaya lumangoy kami palapit sa likod ng malaking bato para dun mag usap, hanggang bewang lang ang lalim ng tubig dun at nahaharangan ng bato ang malakas na alon.
"Alam mo naman ang real score samin ni Louise." this time hinawakan naman nya ang dalawang kamay ko.
"But still, gf mo pa din sya. All of us are aware of that." seryosong sabi ko sa kanya. Saglit na binitawan nya ang kamay ko bago napakamot sa batok, natawa ako sa itsura nya now para syang bata na nahuli may ginawang kalokohan.
"Our parents...ewan ko kasi ano pumasok sa utak nila. Both me and Louise knew the real score between us. Pinagbibigyan lang namin ang parents namin. But we hope its nothing serious." paliwanag pa nya habang hinahawi ang buhok na tumatabing sa mata nya.
He then again reminds me of Enrique Gil "You know may kamukha kang artista dito sa Pinas." hindi ko mapigilan na sabihin sa kanya.
"Oh really, gwapo at hunk din ba yan na kagaya ko?" pagmamayabang pa nito my flexing his muscles and smiling like a fool.
"Haha yeah his name is Enrique Gil, he's quite popular nowadays. I'm sure kilala mo siya." nageenjoy ako sa usapan namin now, light lang at nawala na ang tension sa pagitan namin dalawa.
Nagtatawanan pa kami ng may ginawa pa syang moves to impress me by showing off, when somebody behind me just cleared their throat.
I turned around and I saw Louise and Nathalie holding hands while looking at me with unreadable expression on her face.
"Kain na daw tayo sabi nila Tiff." kay Migs siya nakatingin habang nagsasalita. Pareho lang kami tumango at umalis na silang dalawa pabalik ng resthouse.
"Aba dineadma ako, bahala na nga sya." sabi ko sa sarili ko. Hinila ko na si Migs pabalik ng resthouse.