Louise P.O.V. Pagdating namin sa loob ng bahay ni Frances ay umakyat na kami ng kwarto nya, tulog na ang mga magulang nya kasi ay late na din naman. "Mine dito ka matutulog diba?" Hopeful na tumingin siya sa akin. Napangiti ako "Oo Mine, tatawag lang ako sa amin para magpaalam." Pagdating sa kwarto nya ay iniabot nya sa akin ang wireless phone nila "Call ka na." sabi pa nya. I dialled our landline number sa condo at si Alexis ang nakasagot. "Hello?" mahinang boses na sagot nya. "Hey cuz...ok ka lang ba dyan?" mula ng makalabas ako sa ospital ako ay napansin kong naging sobrang lungkot ni pinsan, madalas nasa condo lang siya at nagkukulong sa kwarto nya. Actually last week lang sya lumipat sa unit namin, nagulat man ako ay hindi muna ako nagtanong. Parang wala din naman kasi plano

