Frances P.O.V. "Mine sad ako hindi matuloy Tagaytay natin bukas." malungkot na sabi ni Louise. Kasalukuyan kaming nanonood ng TV sa room ko, nakaupo ako sa kama habang nakapatong ang ulo nya sa lap ko. Inalis ko ang tingin sa TV sumulyap sa kanya "Mine hindi ka na makamove on dyan." natatawa na sabi ko, pra kasi syang batang nagmamaktol. Kinuha ko ang kamay nya saka pinisil "Madami pa naman ibang pagkakataon, ok?" Nakangiti na sabi ko. Bumuntong hininga siya na halatang masama pa din ang loob. "Kahit na, 1st pa naman sana natin lalabas na tayong dalawa lang tapos hindi pa natuloy." hindi pa din nya maitago ang pagkadismaya nya. "Yan si Migs kahit kailan panira ng moment!" inis na sabi nya bago umakto na akala mo may sinasakal. Natatawang napatingin lang ako sa kanya while caressin

