Frances P.O.V.
Medyo kabado ako naupo sa gilid ng kama. Nakatungo siya ng nagsalita "Nakausap ko na ang parents mo France." seryosong sabi nya bago tumingin sa akin.
Tahimik lang ako naghihintay ng sunod na sasabihin nya.
"Nagpaalam ako na liligawan ulit kita.."
"Migs.." nagulat ako sa sinabi niya, although I expected this before. Kasi kung dati ko pa narinig sa kanya yun baka nagtatalon na ko now sa tuwa... pero iba na kasi ngayon at hindi ko alam kung maibabalik ko pa yun dating sa amin o yung dating ako.
"Alam ko na ako yun nakipagkalas sa iyo dati, pero iba na ang situation natin ngayon at nag iba na din ako. Patutunayan ko na kaya na kitang ipaglaban, pati ang magiging relasyon natin." madamdamin na sabi niya bago nya hinawakan ang magkabilang kamay ko.
Pati ako nag iba na din Migs, hindi na ko ang dating Frances na kilala at minahal mo before..yan ang sigaw ng isip at puso ko.
"Migs kasi-"
"Alam ko nasaktan kita before noong umalis kami, but I can assure you now na hindi na yun mangyayari, hindi na kita sasaktan.
If you just give me another chance..." halos nagmamakaawa na yun boses nya, medyo shaky at akala mo yun tipong maiiyak na.
Tinitigan ko ang gwapong mukha nya, ang mukha ng lalake na dati kong minahal...I still care for him parang hindi ko siya kayang saktan.
I removed my hand from his hold and I slowly touched his face, his eyes were showing pure sincerity. Paano mo magagawang saktan ang taong alam mo na simula pa ng maliliit kayo ay minahal at inalagaan ka na?
No I can't do it.
Naiiyak na naman ako, awa at guilt ang nararamdaman ko.
Pero bigla din pumasok sa isip ko si Louise, pati ang mga masasayang pinagsamahan namin Batangas.
Hayy. Ang hirap ng sitwasyon ko, ano ba 'to napasukan ko?
"France?"
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Pwede ba pagisipan ko muna, iba na kasi situation natin now. Ayoko masaktan muli at alam ng lahat may girlfriend kana." paliwanag ko sa kanya.
Ang tanga tanga mo Frances! Bat hindi mo na lang sabihin sa kanya na wala ka ng nararamdaman sa kanya? Wag mo na sya paasahin.
Ayan na naman ang sigaw ng konsensya ko.
Napangiti siya sa narinig, naging maaaliwalas na ulit ang mukha nya.
"Thanks France, atleast you didn't shut me out. I promise you gagawin ko ang lahat para bumalik uli ang tiwala at pagmamahal mo sa akin." pangako nya at mukhang seryoso siya dito.
Napangiti ako ng pilit.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya baka daw pagod na ako at gusto ng magpahinga.
Pagkahatid ko sa kanya sa labas ay bumalik ulit ako sa kwarto at nahiga sa kama. Parang nanghina ako sa nangyari kanina.
Ano na ba ang gagawin ko?
Ayoko paasahin si Migs....ayoko din naman siya saktan. Pero alam ko naman na masasaktan din sya eventually pag nalaman nya ang totoo...hayyy ano ba talaga?
Eh yun samin ni Louise, ano na ba kami? Magkarelasyon na ba kami? Alam ko she cares for me and she likes me and I feel the same way too but we're not yet official...
Paano kung maging kami na, paano na si Migs ? Ano magiging reaction ng mga friends ko? and ang parents ko..paano na? Lalo na nag iisang anak pa naman ako. Magiging malaking disappointment lang ako sa kanila...
Pero sa kabilang banda hindi ko din naman kaya mawala si Louise sakin..maisip ko pa lang na magkakalayo kami ang sakit na sa loob ko.
Grabe ang gulo ng utak at sitwasyon ko.
Sumasakit na ulo ko sa kakaisip.
Kailangan ko makausap si Louise bukas. Pinikit ko muna ang mata ko at nagpahinga sa kakaisip.
Maya maya pa ay tinawag ako ni Manang Lory para magdinner.
Pagbaba ko ay tinanong lang ako nina Mom and Dad sa nangyari sa amin sa Batangas. Tinanong din nila kung nagkakamabutihan na daw ba ulit kami ni Migs.
Sinabi ko na lang na nag uumpisa muna ulit kaming maging mabuting magkaibigan. Alam naman nila ang sakit ng naramdaman ko ng iniwan ako nito.
Mukhang boto pa sila kay Migs, palibhasa ay malapit ang pamilya nila sa amin at alam nila mabuting pamilya pinanggalingan nya at naiintindihan daw nila ang nagawa nito dati ng umalis sila papunta ng US.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko, I checked my cellphone at nakita ko na may mga text at misscall si Louise. Maging si Migs ay nagtext din.
Nagreply ako sa kanila dalawa bago nag good night. Sobrang pagod ako now wala akong gusto gawin kundi matulog. Pagkatapos ng usual routine ko ay nahiga na ako at natulog.
*********************
Paggising kinabukasan ay tamad na tamad pa kong bumangon, naisip ko na naman yun problema ko kay Migs maging yun sa amin ni Louise.
Parang wala ako sa mood pumasok at magdahilan na lang ng masama ang pakiramdam. Ngunit naalala ko na kailangan ko nga pla kausapin si Louise....yun tungkol sa amin.
We kissed all and stuff but what does it mean? Kami na ba dahil dun?
Maaga ako nakarating ng school. Tinext ko agad si Louise, on the way pa lang daw sya. Inabangan ko na yun kotse nya sa parking area. Pagkakita ko sa kanya kinawayan ko sya at nagmamadali syang lumapit sakin na parang miss na miss ako.
Her eyes were glowing, her smile was contagious. She's still as gorgeous as ever. I would be hypocrite if I tell you that I didn't miss her too.
"Mine...." todo smile na bati nya. She kissed me sa cheek.
"We have to talk.." seryosong sabi ko.
Biglang naalis ang ngiti nya."May problema ba?" Takang tanong nya, ang mata nya napuno ng pagaalala.
Niyaya ko sya umupo sa may bench. Yun pwesto na walang masyadong tao.
"Hmmmm kasi.." pagsisimula ko. "Kinausap ako ni Migs kagabi and..." sabi ko, medyo kumunot ang noo nya pagkarinig ng pangalan ni Migs.
"Dahil ba kay Migs ang paguusap na 'to?" Inis na sabi nya. Parang biglang nawala sa mood.
"Please let me finish and don't interrupt ok?"
Tumango lang sya.
"Nagsabi kasi siya kagabi na gusto nya ulit manligaw, kinausap nya parents ko." hinintay ko reaction nya pero seryoso lang ang expression nya.
"Sa totoo lang wala na ko nararamdaman sa kanya since ng makilala kita. I mean ng magkita ulit tau." since magkakilala na kami ni Louise noong mga bata pa kami.
"Pero hindi ko sya kayang makitang masaktan, I still care for him alam mo naman na I used to love him." nakatitig ako sa mga mata nya, nabanaag ko ang nasaktan siya sa sinabi ko.
"And yun sa atin malabo din, hindi ko alam kung ano ba talaga tayo Louise..." napatungo ako, niyakap ang bag na nasa lap ko.
"Yun lang ba Frances?" Tanong nya.
"Hanggang ngayon pala hindi mo pa alam kung ano ang nararamdaman ko sa'yo, kung gaano ka kaimportante sa akin." Malungkot na sabi niya.
"I love you so much Frances...simula pa noong mga bata pa tayo minahal na kita." puno ng sinseridad ang boses nya.
My heart skip a beat nang marinig ko yun.
Napatingin ako sa mga mata nya, ang magagandang mata nya na ngayon ay nagbabadya ng luha.
Lumapit sya sa pagkakaupo sa akin and she held my hand.
"Frances Montejar.....will you be my girlfriend?" Puno ng pagmamahal ang mga mata nya.
Ang sarap pakingan ng sinabi nya, para syang isang napakagandang panaginip na ayaw ko ng magising.
Napangiti ako and I squeeze her hand.
"Yes Louise Andrea Lavapiez...I would love to be yours..and yours alone.." ang laki ng smile ko now at halos maiyak na din ako sa sobrang saya.
So that day we became official.
Napasmile din siya ng bongga, kitang kita ko yun malalim nyang biloy sa pisngi. feeling ko sasabog na ang puso ko sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko.
Kung wala lang kami sa campus now, I know this very moment would end with a hot and passionate kiss.. kaso nasa school kami eh tiis lang sa paghawak kamay at titigan ng malagkit.
Sakto naman tumunog na ang bell, magkahawak kamay kaming pumasok sa classroom. Parehong nagniningning ang mga mata at nakangiti ng abot tenga.
Sa mga oras na yun wala akong ibang nakikita kung hindi siya lang hanggang pagpasok namin sa loob ng classroom at pag upo namin sa aming mga upuan.
"Frances ang saya saya natin now ah parang inlove lang?" si Tiff habang palipat lipat an tingin sa amin ni Louise.
"Hindi naman Tiff maganda lang ang gising ko." nakangiti pa din na sabi ko.
Maya maya pa pumasok na si Ma'am Asuncion sa classrom. She reminds us na due na daw sa Friday yun project namin. Matatapos na din yun sa akin, later tatapusin ko na. Lalo na now inspired ako.
Madali natapos ang klase namin, pagdating ng lunchbreak walang katapusan pa din ang usapan nila tungkol sa weekend gateaway namin sa Batangas. Habang kami ni Louise we had a world of our own.
"Mine saan date natin later?" bulong ko sa kanya.
"Dun tayo sa condo ipagluluto kita ng dinner tapos watch tayo ng movie?" nakangiti na bulong nya sa akin.
"Kayong dalawa anong pinagbubulungan nyo ha?" si Amanda yun habang sumisingit sa pagitan namin ni Louise.
"Haha wala pinaguusapan lang namin yun project balak na namin tapusin mamaya kasi due na sa Friday." palusot na sabi ko habang pinipigilan nya sumingit sa pagitan namin.
Si Louise panay tawa lang. Baliw much.
Baliw sa pag ibig kagaya ko.
I can't wait na mag uwian na.
I texted my driver to tell him na wag na akong sunduin mamaya.
Diretso na kami ni Louise sa condo, I wonder kung nandoon si Tito Bernard.
Sana wala para masolo namin ang isa't isa.
Alam na.