Frances P.O.V. Mabilis natapos ang isang linggo, naipasa na din namin ni Louise yun project namin together. Ang creative ng pagkapresent nya, nagdraw sya ng flowers and sa bawat petals nakasulat ang mga positive traits ko (meron naman kahit paano :)) and she presented it very well kaya I'm sure mataas ang nakuha nyang grade. Starting Monday ay intramurals (intrams) na namin, for 1 whole week yun kaya wala kami gagawin kundi petiks lang. Aabagan ko lang ang volleyball game ni Louise. Si Nathan at Migs puspusan na din ang practice sa basketball dahil makakalaban nila ang juniors na may ibubuga din naman. Speaking of Migs, madalas siya pumunta sa bahay. Pag nandun parents ko kinakausap nya sila. Pag medyo gabi na nagpapahiwatig na ko na may gagawin pa ako o inaantok na kaya napipilitan n

