Chapter 16

1092 Words
》TORY《 Pilit kong pinipigilan ang pagsigaw. Inis na inis ako ngayon. I can’t even move my body! Parang binugbog ako ng sampung bakla. I’ll try to be gentle pala Alas ha. Damn it! sobrang sakit ng katawan ko. “Good morning” I glared at him nang pumasok siyang may dala-dalang pagkain. Tumaas naman ang kilay niya sa nakitang reaksiyon sa mukha ko. “What?” “Come here”, pinilit kong ngumiti. Inilapag naman niya ang mga pagkain sa mesa katabi ng kama at umupo sa tabi ko. “Why?— ouch!” Hinambalos ko sa kanya ang unan. “I’ll be gentle pala ha! Sobrang sakit ng katawan ko! Binugbog mo ba ako ha!?”, singhal ko sa kanya. Pero imbes na magalit, tumawa siya nang pagak. “That’s normal since you’re a virgin”, aniya at hinawakan ang kamay ko. Tumigil siya sa katatawa at tumingin sa’kin. “Pero masakit ba talaga?” I pouted then nodded. Promise, masakit talaga. Pakiramdam ko sinagasaan ako ng truck. He caressed my hand and took the food from the table. “Okay, ako nalang ang magpapakain sa‘yo” I was smiling from ear to ear habang nakaupo. Matapos niya akong pakainin kanina, siya na rin ang nagpaligo sa’kin. Muntik na ngang mangyari ulit ang nangyari kagabi pero napigilan naman niya ang sarili niya nang maalala niyang masakit pa ang katawan ko. “Bea!”, tawag ko kay Bea nang makita ko siyang mag-isang naglalakad. She waved her hand when she saw me and walked towards my direction. “Hi, Tory”, malungkot niyang bati sa’kin. Tumingin naman siya sa paligid ko bago ibinalik ang tingin sa’kin. “Asan si Zaq?” “As always, nasa trabaho. I mean may kinausap siyang lalaki kanina”, sagot ko. “Here, sit beside me”, pag-aaya ko sa kanya. Agad din naman siyang tumalima. “Salamat” “Anong problema?” She sighed. Mukhang may problema nga siya. She’s not in herself today. Kadalasan, jolly siya. Pero ngayon parang ang bigat talaga ng dinadala niya. “Tory...”, hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong hininga ulit. “Kilala mo ba si Xyla?” Kumunot ang noo ko. Xyla? Who’s that? Umiling ako bilang sagot. Muli naman siyang bumuntong hininga. “Waiter!” I don’t really get her. Para siyang malungkot na kabado na ewan ko. Hindi siya mapalagay. Dumating naman ang waiter. Nasa open air restaurant kasi kami malapit sa baybayin. “Yes, ma’am?” “Orange juice, please” “Noted ma’am” Nang umalis ang waiter, tumayo si Bea at nagpaikot-ikot sa puwesto. Ano bang problema nito? “Here’s your juice, ma’am” Ako na ang tumanggap sa juice at binigay ito kay Bea. Agad din naman niyang tinanggap at nilagok. “ExsiyaniZaq”, mabilis niyang sambit. “Ano? Kumalma ka nga—” “Si Xyla...”, aniya at humugot ng hangin. “Ex siya ni Zaq” Kumabog nang husto ang dibdib ko. Alam ko naman na madaming naging babae si Alas pero sa pangalan palang na Xyla at sa reaksiyon ni Bea, alam kong iba si Xyla. “Siya ang unang babeng minahal ni Zaq. Ayaw ko sanang sabihin ito dahil baka magkaproblema kayo pero ayaw ko din namang maglihim sa inyong dalawa lalo na kay Zaq. I saw her kanina kasama ang isang lalaki. Ang sabi nandito sila para mag-shooting. Artista na pala ang manggagamit na ‘yun” Bumagsak ang mood ko sa narinig. Pakiramdam ko isa siyang malaking threat sa buhay ko. Sa buhay namin ni Alas. “Tory...”, dumiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko para kunin ang atensiyon ko. I looked at her. “Bakuran mo si Zaq” I shook my head. Kahit gusto ko, hindi puwede. Bakuran? Si Alas? Bakit? Wala namang kami. Walang matatawag na kami. Wala akong karapatan. Siya mayroon siyang karapatan na bakuran ako dahil isa akong hired baby maker. Pero ang bakuran ko siya? Labas na ‘yun sa karapatan ko. “Tory, makinig ka. Xyla is a selfish type of a woman. Kapag nalaman niyang nandito si Zaq, paniguradong gagawin niya ang lahat para makuha ulit ang loob ni Zaq. I like you for him. Ikaw lang gusto ko para sa kanya” Agad akong tumayo at tumakbo pabalik sa kung saan ko iniwan si Alas kanina. Hindi ko na narinig ang pag-angal ni Bea. Alam ko naman na ito ang gusto niyang gawin ko. I realized something. Yes, I have no right para bakuran siya. Who am I anyway in his life? Isang certified baby maker. Wala akong karapatan bilang baby maker niya. Pero may karapatan ako bilang kaibigan niya. Napahinto ako nang makita ko siyang may kausap na babae. She’s so gorgeous. She’s wearing a nice yellow dress paired up with a yellow hat. At kahit ganun, kitang-kita parin ang yellow two piece swim suit niya. Damn! Anong laban ko diyan. Kahit nagdadalawang isip pa ako, inayos ko ang sarili at lumapit sa kanila. “Hey, hun”, tawag ko kay Alas. Sabay naman silang napalingon sa’kin. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ng babaeng kasama niya. I took his hand and clasped it with mine. Ngumiti ako sa babae. I’m marking what’s mine, dear. Back off. “And who are you?”, mataray niyang tanong. Mas lalo pa akong ngumisi. “Victoria, he’s mine”, diretso kong sambit. “Oh, really?”, aniya at ngumisi. “Sa pagkakaalam ko kasi, ako lang naman ang babaeng mahal niya” “HAHAHAHAHAHA” Hindi ko na napigilan pa ang tawa ko. Tama nga si Bea. Selfish na nga, assuming pa. “Alam mo, nakasasama ang paggamit ng katol. Kung ikaw ang mahal, bakit wala ka sa puwesto ko ngayon? Huwag masyadong assuming ha. Nakamamatay ‘yan” Nawala naman ang ngisi sa labi niya at naiinis na tumingin kay Alas. “Sino ba ‘tong babaeng ‘to, Zaq!?” Parang nagising si Alas sa pagkakatulog. Tumingin siya kay Xyla at saakin. Nang ma-digest ata ang ang nangyayari, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. “She’s Tory. And she’s mine” I smirked. Oh, ano ka ngayon. Buti nalang nakisama ang isang ‘to. Kung hindi mapapahiya ako. “Xyla!” That voice... “Nandito ka lang pala. Direk is waiting—”, napatigil siya nang makita ako. “Tory?” I knew it! “Van”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD