XYLA "Pakibigay ito sa VIP, room 4" Agad ko 'yung kinuha at nagsimula nang umakyat sa taas kung nasaan ang customer. It's already 10:39 and I am worried about mama. Nakakain na kaya siya? Binisita ba siya ni Papa? Gustong-gusto ko nang umuwi pero hindi puwede. Ang suweldo sa isang gabi ko dito sa club ay kaya nang bumuhay saamin ni mama sa loob ng isang Linggo. "Sir? Here's your order", inilapag ko ang inumin sa table habang pasulyap-sulyap sa kaniya. He's drunk. I think nasa mga 20's na siya. Papikit na ang mga mata niya pero pilit niya pa ring dinidilat sa kagustuhang tingnan ako. "T-Tory?" Huh? Lumingon ako para tingnan kung may kasama ba kami. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? Who the heck is Tory? He shook his head and sighed heavily. "That's impossible. Yo

