》TORY《
“TALAGA!? MAGHA-HONEY MOON KAYO NI ZAQ!? AHHHHHH!—ARAY!”
Malakas ko siyang binatukan. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘tong si Sandra nasakal ko na ‘to. Makatili wagas!
Can’t she understand the word “secret”?
“Uso tumahimik, witch. Kapag may nakarinig na iba paniguradong kakalat agad. Baka maturingan akong ambisyosa ng taon”
Sabi nga nila, may tainga ang lupa at may pakpak ang balita. I don’t want to get bullied just because of my situation right now.
I know hindi agad maniniwala ang iba. Baka nga kailangan ko pa dalhin dito mismo si Alas at halikan sa harapan nila para maniwala sila eh. Kapag may nakarinig paniguradong 99% sa mga babae sa University na ‘to ang maghahabol sa’kin para sabunutan ako.
They really adore Alas that much.
Siya lagi ang topic sa bawat madadaanan namin kapag may bago siyang upload na post o litrato.
Tili here, tili there, tili everywhere!
“Oo nga pala. Pasensiya naman. I’m just excited ’no”
I raised my left eyebrow. Seriously.
“At ikaw pa talaga ang excited ha? Hindi naman kita kukuning camera girl para kunan ang mga mangyayari sa’min. Huwag ka ngang abnormal”
“That’s a good idea!”
Pusang gala—
Nagpupumiglas ako nang hawakan niya ang braso ko at pilit na pinapaharap sa kanya.
“I’m gonna capture your love makings para may ebidensya tayo”, aniya habang nakangisi.
“Evidence for what?”, taka kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Aanhin ang ebidensya?
“For future reasons?”, she replied and let go of me. “Alam mo kasi hindi natin alam ang takbo ng utak ni Zaq. Baka bukas kapag nalaman ng madla ang tungkol sa inyo bigla nalang niyang i-deny ang lahat. Aba, hindi puwedeng ikaw lang ang sasalo ng lahat ng kahihiyan ano. Dapat may hawak kang evidence para hindi na siya makatanggi kapag nagkataon”
At dahil nga sa mahaba niyang paliwanag, naintindihan ko na. Sometimes, may silbi din naman pala ang mga kaibigan ko. Hindi lang sa harot magaling. May brain tumor— este brainy naman pala.
“Ako mismo ang kukuha ng ebidensya. I mean, kukuha ng picture— oo picture lang! Picture naming dalawa!”
Like as if kaya ko. Isang titig palang ng Alas na ‘yun nanghihina na ako eh.
What if lagyan ko ng pampatulog ang inumin niya? Tapos kapag tulog na saka ko siya huhubaran at kunwari naka yakap siya sa’kin then flash! Picture time!
Teka—
Huhubaran!?
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala ang demonyong sumasapi sa utak ko.
Tae kung ano ano nalang ang naiisip ko.
Baka mamaya mahuhubaran ko na talaga siya sa isip ko nang hindi ko namamalayan.
“Ikaw ang bahala. Btw, nag text ang dalawang bruha. Nasa bar daw sila. Sumunod nalang daw tayo”, sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.
“Tingnan mo HAHAHA”, inilapit naman niya sa’kin ang cp niya at nakita ko si Queen na nakaupo sa isang gwapong lalaki. Aba ang bruhang bakla may nakuha agad.
“Yaks! I’m sure malalagot na naman ‘yang baklitang ‘yan kapag dumating ang jonakis ng boy”
“Sus, hindi ka na nasanay. Tara na?”
Umiling ako na ikinakunot ng noo niya.
“Sorry pero sabi kasi ni Alas umuwi daw ako nang maaga”
Ewan ko ba sa Alas na ‘yun. Kung makautos daig pa ang asawa.
“Wow, sumusunod ka na pala sa ibang tao? Himala ‘yun ah. Mukhang si Zaq lang ang nakakapagbago sa‘yo”
Inismiran ko siya.
Paki ng Earth. Ngayon lang ‘to ‘no. Kapag ako nainis kay Alas hindi ko na talaga susundin ang mga rules niya.
Obey me daw. Walang kami!
Chos.
“Heh! Tumahimik ka na. Mauna ka na dun, I’ll try to escape from my driver”
“Osige hihintayin ka namin. Huwag mo kaming i-ghost o friendship over na talaga. Naging baby maker ka lang ng isang bilyonaryo kinalimutan mo nang makipag-bonding sa’min”
Inirapan ko na lamang siya. Daming drama ng bruha.
Nang makalabas agad kong hinanap si Manong. Hoping na makatakas ako mula sa kanya.
Oh, well. Alam ko na mapapagalitan siya kapag nagkataon pero bahala na si batman.
Pareho naman kaming mapapagalitan eh.
Nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa driver’s seat kaya agad ko siyang nilapitan.
“Manong, saan ka pupunta?”
“Naku ma’am pasensiya na po talaga kayo. Nasa Hospital po kasi ang anak ko ngayon. Kailangan ko po muna siyang puntahan. Hindi ko na po kayo maihahatid nagmamadali po ako eh—”
“Ay naku Manong sige lang. Kaya ko namang mag taxi eh”, agad kong singit sa sasabihin niya. “Ako na po ang magpapaliwanag kay Alas. Puntahan mo na po ang anak niyo at sana maging maayos na siya”
“Salamat po ma’am at mag-iingat din po kayo sa pag-uwi”
Nang makaalis si Manong. Agad akong napangisi.
The luck is on my side BWAHAHAHA
I immediately took my phone and type a message to the three witches.
“c*****g”
They know what that means.
Pft— mukhang nahahawa na ako sa kagagahan ng tatlong ‘yun.
I wanna enjoy my life hangga‘t virgin pa ako.
Chos. Next week, magba-bakasyon daw kuno kami ni Alas sa Baguio. Yes, Baguio.
Gusto sana ni Lola na sa ibang bansa kami pumunta pero Alas insisted.
Ayaw talagang malayo sa trabaho.
My phone rang.
Nang tingnan ko ito it’s an “UNKNOWN NUMBER”
Sino naman ‘to?
Hindi ko ito pinansin at in-off ang phone ko.
Wala dapat istorbo ngayong gabi.
For once, I want to get wasted.
Sa anong rason?
Hindi ko din alam.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bar. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.
Nakikita ko pa ang mga nandidiring tingin ng mga babaeng halos wala ng suot.
Like hello? Puwedeng ayusin niyo naman ang damit niyo? Bar ito hindi motel.
“Bruha! Dito!”
Sinundan ko ang sigaw na ‘yun. And yes, it’s Queen.
Nakakandong parin sa lalaking nakita ko sa picture kanina.
Mukhang suwerte ang baklita. For the first time, single ang nakuha.
“Ano ba naman ‘yan, girl! Hindi ka man lang nagbihis ng aayon sa lugar na ‘to!”, agad na pambungad ni Ryza.
May katabi siyang moreno na nakayapos sa kaniya.
Seriously...
“Hayaan niyo na. Huhubarin niya din ‘yang hoodie niya kapag nalasing ‘yan mamaya”, aniya naman ni Sandra na habang nakakandong din sa isang lalaki.
Anak ka ng—
Ang bibilis nila makahanap ng pogi!
“Oh, ano bruha? Shot!?”
“WOH! HAHAHAHAHA HI, HANDSOME WANNA DANCE!?”, I smirked at him.
Sobrang init na ng pakiramdam ko at umiikot na ang paningin ko. Mukhang tinamaan na ako ng alak.
Hindi niya ako pinansin. Taena ano bang mali sa’kin!? Hindi ba ako attractive tingnan at maski isa walang lumalapit para ayain ako sumayaw!?
Naiinis na tumayo ako sa ibabaw ng mesa namin at agad na hinubad ang hoodie ko.
“GO GIRL! IPAKITA ANG NATATAGONG GANDA!”
“ayan na siya...”
“OH! OH! OH! WALANG MAGLALAWAY BOYS HA!”
Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko. Ginulo ko ang buhok ko at nag lip bite.
May mga dahan-dahan nang lumalapit saakin.
Boys are boys.
Akmang sasayaw na ako sa ibabaw ng mesa nang tumigil ang tugtog.
Muntik na tuloy akong matumba dahil nawala din ang mga ilaw.
“What the hell. What happened!?”
Lumalabo na talaga ang paningin ko.
Bumibigat na din ang katawan ko. s**t mukhang matindi na ang tama ng alak.
Nang bumalik ang ilaw, masyadong nasilaw ang mga mata ko.
“TORY!”
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na nahuhulog.
But then, someone caught me.
Kahit malabo, nakikilala ko parin siya.
I heard some random gossips.
Pero sa mga oras na ‘to, wala na akong pakialam sa iba.
Nakatitig lamang ako sa kanya kahit na hindi ko siya masyadong nakikita.
Pumipikit na rin ang mga mata ko pero pilit ko pa din itong idinidilat.
Paano niya nalamang nandito ako?
Paano niya ako nahanap?
“Let’s go home, Tory”
His voice...
I’m sure...
He’s...
“Van...”
My ex...