Chapter 20

1060 Words
》TORY《 I wonder, makakaya ko kaya? Noong pinirmahan ko ang kontrata hindi ko naisip na maaaring manganib ang puso ko sa kanya. I know I always said that Alas isn’t my type of man. Ayaw ko kasing baka someday, mauulit na naman ang nangyari saamin ni Van. Pareho silang sikat at mayaman. May maipagmamalaki sa buhay kaya maraming babae ang nagkakandarapa. While me? Sino nga ba naman ako kumpara sa mga mayayaman at magagandang babae na baliw na baliw kay Alas. Ni wala nga ako sa kalingkingan ni Xyla. I sighed. Kaya ayaw kong mapalapit sa mga mayayaman eh. Dina-down ko na ang sarili ko dahil alam kong wala akong maibubuga. My phone rang kaya walang sabi-sabing dinampot ko ito at sinagot. “Sino ‘to?”, tanong ko sa kabilang linya. Pero tatlong minuto saka siya sumagot. “Umuwi ka na o sasaktan ko ang mama mo” My body freezed when I heard his voice. Kilalang-kilala ko ang boses niya. Ang boses na kinasusuklaman ko buong buhay ko. Ang boses na laging sumisigaw kay Mama. Ang boses ng isang taong halang ang kaluluwa. “John...” “Inuulit ko. Umuwi ka na o sasaktan ko ang mama mo” “Don’t you dare— *toot toot*” Shit! Pinatay niya! Nagsimula na akong manginig sa kaba. I know what he can do. I’m not scared of him. Natatakot lang ako sa puwedeng mangyari kay Mama. Masyadong marahas si John. Kapag sinabi niya, gagawin niya. I need to go home. Pumasok ulit ako sa loob mula sa balcony at hinanap si Alas. Natagpuan ko siya sa kama na mahimbing ang tulog. Himala, nagpapahinga siya at hindi nagta-trabaho. I took a ballpen and a sticky note at nagsulat rito. Pagkatapos ay idinikit ko iyon sa laptop niya. Kinuha ko na ang mga kailangan kong gamit, halos tumakbo pa ako palabas. I need to go home bago pa man totohanin ni John ang banta niya. Sana lang mapatawad ako ni Alas sa pag-iwan ko sa kanya. “Mama!”, tawag ko nang makarating ako sa bahay namin. Agad akong pumasok at iniwan ang mga gamit ko sa pintuan. Dumiretso ako sa silid nila pero wala akong nakita. “John please! Itigil mo na ‘to!” Napalingon ako sa kusina. Boses ni Mama ‘yun. Agad akong bumaba at pumasok sa kusina nang harangin ako ni John. Napasinghap ako at napaatras nang makita kong may hawak hawak siyang baril. Nang tumingin ako sa loob ng kusina para hanapin si Mama, nakita ko siyang nakatali sa isang upuan— duguan. “Tangina mo! Anong ginawa mo sa Papa ko!?”, sigaw ko at sinampal siya nang malakas. Hindi naman siya natinag at mas lalo pang ngumisi. “Ganyan pa dapat ang pagsalubong mo sa pinakamamahal mong Papa?” “You are not my father and you will never be! Wala akong demonyong ama! Walang hiya ka pakawalan mo ang Mama ko— argh!”, I groaned when he slapped me hard. Muntik pa akong matumba buti nalang nakakapit ako sa isang mesa. “Huwag mo saktan ang anak ko, John!”, rinig kong pagmamakaawang sigaw ni Mama. Nagkamali ako. Dapat sinama ko si Alas. Pero ayaw ko naman siyang madamay sa gulong hindi naman niya alam. “Binuhay kita kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!”, dinuro-duro niya pa ako saka ulit ako sinampal. Sa lakas ng pangalawa niyang sampal pumutok na ang labi ko at natumba na ako kasama ang mesang kinapitan ko kanina. Galit na pinulot ko ang baling paa ng mesa at tumayo sabay palo sa kanya. “You devil! Anong binuhay? Ako ang bumuhay sa‘yo! Nagtrabaho ako para lang hindi mo masaktan ang mama ko! Ano pa bang kailangan mo ha!? Tigilan mo na kami!”, pinagpapalo ko siya pero napatili ako nang barilin niya ako sa paa. Natumba ulit ako habang hawak-hawak ang parte kung saan ako natamaan. “Anong kailangan ko?”, he smiled wickedly at kinuha ang cp mula sa bulsa ko. Pinindot-pindot niya iyon saka ipinakita saakin. “Pera”, aniya at humalakhak. Nanlamig ako nang mabasa ko ang pangalan ni Alas. “Nalaman ko kasing may shota ka palang bilyonaryo. Bakit hindi mo man lang sinabi? Edi sana noon pa napagkakitaan ko na siya” “Tangina mo!— pota”, napamura ako nang sipain niya ang mukha ko. Wala talagang awa ang demonyong ‘to. “Tawagan mo. Papuntahin mo dito”, utos niya sabay bigay ng cellphone saakin. Umiling ako pero muli niya akong sinampal. “Tawagan mo o papatayin ko ang Mama mo?” Wala akong nagawa kundi kunin ang cellphone. May baril si John. Kapag nagkataon mapapahamak si Alas. Pero kapag hindi ko naman siya susundin papatayin niya si Mama. Oh, God... Tulungan niyo kami. 》Third PPOV《 Nang magising si Zaq, napansin niyang wala si Tory sa silid nila. Sinubukan niyang tingnan sa banyo, kusina at sa balkonahe pero wala siyang mahagilap na mukha ng dalaga. Nang madaanan niya ang mesa kung saan siya nagpipirma ng mga papeles, nakita niya ang isang sticky note na nakadikit sa laptop niya. Kinuha niya ito at binasa. “Uuwi na ako. Hindi na kita ginising kasi nakita kong masarap ang tulog mo. Kung hindi man ako makakauwi sa mansion, huwag mo na ako hanapin pa” Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Zaq. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya sa nangyayari. Akmang hahanapin niya ang cellphone niya para tawagan ang dalaga nang tumunog ito. Nakita niyang si Tory ang tumatawag kaya agad niya itong kinuha at sinagot. “Where are you?”, agad niyang tanong. Ilang minuto bago sumagot ang dalaga. “Home. Puwedeng...pumunta ka dito?” Kumunot ang noo niya nang marinig ang hinihingal nitong boses na para bang pinahihirapan. “What happened?” Narinig niya ang malakas na pagkabog at putok ng baril na ikinabahala niya nang husto. “Tory! What the hell is happening!? Where are you!?” “Alas. H-Huwag kang pumunta dito. May baril si John—”, hindi na natuloy ang sasabihin nito nang biglang may narinig ulit siyang putok ng baril. Agad siyang nagbihis at kinuha ang susi ng kotse niya. “Hold on! Papunta na ako!”, aniya at nagmamadaling tumakbo palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD