PILIT nilabanan ni Chelle ang bugso ng damdamin nito. Nagpahid siya ng luha na tinalikuran na si Leon na hindi sinasagot. Naiwan naman si Leon sa kubo na napasunod na lamang ng tingin sa pigura ni Chelle na pumasok ng bahay. Napahinga ito ng malalim na napatingala sa kalangitan. Nagpamewang na mariing napapikit. Hindi na rin niya malaman kung paano pa suyuin si Chelle. Kahit gaano niya pa ibaba ang ego ay hindi siya pinapatawad nito. Ayaw naman niyang daanin sa dahas ito sa takot na makunan ang mahal. "Ahm, anak. Nasaan si Leon? Kakain na tayo," bungad ng Tiyahin nila na nadaanan ni Chelle. Napalingon si Chelle sa likuran na naipilig ang ulo. Akala niya kasi ay sumunod si Leon sa kanya pero hindi pala. "Uhm, nasa labas pa po, Tita," alanganing sagot nito na ikinangiti at tango ng mat

