LUMIPAS ang mga araw na naging maayos at makulay pa lalo ang mansion ng mga Madrigal. Si Rhea ay tuluyang umuwi ng probinsya nila pero sinundan pa rin ng Kuya Red ni Chelle para suyuin ang dalaga. Nagulat kasi ito sa nalaman at hindi sukat akalaing si Prince Red pala ang nakasama niya noon sa kwarto ng amo. Kaya naman pala off light ang silid noon nang ipagkaloob nito ang katawan dahil hindi naman pala ang amo niya ang makakasiping niya. Kahit may parte sa puso niya na natutuwang hindi si Douglas ang nakabuntis sa kanya ay nagtatampo pa rin ito sa binata dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan lang siya ng mga ito. Kaya naman todo effort din si Prince Red na suyuin ito na sumunod pa nga sa probinsya. PALAKAD-LAKAD si Leon sa gilid ng pool habang may hawak na baso ng alak. Malalim na ang

