NAPANGISI ito na tinaasan ng kilay si Chelle at maarteng napa-flip ng mahaba nitong buhok na pinasadaan ng nang-uuyam na tingin ang kaharap. "Hwag kang masyadong pakampante, Chelle." Anito na napahalukipkip. "Hindi dahil hawak mo ang korona ng pagiging reyna ni Leon ngayon. . . ay habang buhay ng ikaw ang hahawak sa trono," makahulugang saad nito na napangisi kay Chelle na napapalunok. Tinapik pa nito sa balikat ang kaharap na nakangising tagumpay na iniwan ni Chelle. Napasunod naman ng tingin si Chelle dito na unti-unting. . . napangisi at iling. "Go ahead, Rhea. Dream on. Dahil hanggang doon ka lang kay Leon. Ang pangarapin siya. Hwag kang mag-alala. . . ako mismo ang maglilibing sa'yo sa oras na ma-trap kayo ng amo mo sa paninira niyo sa amin ni Leon." Paanas ni Chelle dito na nakas

