Cierra Maureen's POV Ibang-iba ang feeling ko ngayon kapag hind siya ang professor ko. Parang normal lang ang lahat sa akin kapag iba ang professor ko. Second subject pa lang namin ngayong araw at parang gusto kong makarating na agad sa subject ni sir Francoise. "While the fuction of—" Hindi na natuloy ng prof ko ang sasabihin niya nang makarinig kami ng tatlong katok mula sa labas ng pintuan. Bumukas ito at agad pumasok ang taong iniisip ko lang ngayon. Ito na namn ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog at hindi na naman ako mapakali sa silya ko na parang isang kiti-kiti. "Yes, Mr. Dedales? Do you want anything?" tanong ng professor kong dalaga na halata namang may pagtingin kay sir. Napayuko na lang ang ulo ko at nagbabakasaling mababawasan ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko pero

