Cierra Maureen's POV "Tabi tayo sa bus hah!" Halos mabingi ang tenga ko habang naglalakad ako papunta sa susunod kong klase dahil iisa lang ang mga pinag-uusapan nila at 'yon ay ang tungkol sa field trip na may kasamang camping namin sa susunod na linggo. Hindi naman ako maka-relate dahil hindi naman ako sasama sa field trip namin. Baka magmukha lang akong tanga na mag-isang sumakay sa rides. Nakakatakot din naman matulog sa gubat dahil siguradong malayo rin ang tent ko sa mga kaklase ko dahil ayaw nilang natatabi sa akin. Mukhang masaya para sa kanila dahil four P.M aalis dito para pumunta sa Baguio kung saan mag c-camping ng dalawang araw tapos sunod ay ang field trip naman. Ang galing ni Kuya Mikee sa naisip niya para makapagsaya ang mga studyante pero hindi ang katulad ko. Safe ma

