Cierra Maureen's POV Mamaya na ang camping namin at excited ang lahat ng mga studyante. Pero kahit na may camping kami mamayang alas-quatro may klase pa rin kami para sa umaga hanggang mamayang alas-dose ng tanghali. Ang konti nga lang ng studyanteng kasabayan ko sa pagpasok sa nursing department dahil ang iba ay mas pinili na 'wag na lang pumasok dahil half day lang naman. Gusto ko naman pumasok kahit half day lang dahil gusto kong makita si sir Francoise ngayon at ayokong um-absent sa klase ng paborito kong professor. Ako pa man din ang paborito niyang studyante. Nagbabakasali rin kasi ako na baka makita ko ngayon si Minton. Sana nga lang ayos na siya para makausap ko na siya. "Pumasok ka pa rin pala." Lumingon kaagad ako sa likod ko at nakita ko ang taong matagal ko ng gustong makau

