THE ACE OF ACES
Makatang Hangal
Chapter 7
The Four Kings
[Third Person's POV]
(Montreal University's Preview)
Montreal University - Isa sa mga Prestihiyosong Paaralan na itinatag sa Bansa ni Xander Montreal, isang kilala at bantog na negosyante na namamayagpag sa parehong larangan ng Negosyo at Politika.
Bagamat sikat at tinitingalang University, lingid sa kaalaman ng lahat ang tinatagong baho ng Unibersidad.
Kung sa harap ng Publiko ay isa itong Epitomyo ng isang maganda at ehemplong Paaralan, Sa mata mismo ng mga estudyante nito ay isa itong Impyerno na kinukubli ng mga namumuno at nagtatag nito sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Ang Montreal University ay binubuo ng Apat na gusali kung saan pinamununuan ito ng apat na anak ng pinaka-Mayayamang Tagapagmana ng naglalakihang kumpanya sa pilipinas - Ang FOUR Kings.
Ang Pinaka Pangunahing gusali sa apat ay ang First Building - Ang gusaling nagsisilbing Mukha ng Unibersidad. Ito ang inihaharap sa publiko kaya ang anak lamang ng Pinaka-mayayamang tao sa bansa, kabilang na ang mga anak ng mga Pulitiko, Negosyante, Propesyonal ang mga nakakapasok dito.
Ang naatasang mamuno sa unang gusali ay ang anak ng dating leader ng Four Kings na si Spade Inigo Sy at dating Ace ng Black Brother Assassination Group na ngayo'y Presidente na ng Montreal Group of companies na si Xyrine Jean Montreal - si Ace Relick Montreal Sy.
Kung ang unang gusali ay nagsisilbing mukha, Ang Second Building naman ang nagsisilbing pundasyon nito, dahil dito lang naman nakatalaga ang mga pinaka matatalinong estudyante ng Montreal, sila ang mga anak ng mga Propesyonal sa larangan ng Sensya, Musika at Agham sa Bansa.
Dahil sa ito nga ang nagsisilbing pundasyon ng Montreal marapat lang na ang mamuno dito ay ang pinaka matalino sa Four Kings si na si Liam Kang - ang tagapagmana ng Kang Co LTDE
Kung ang una at pangalawang gusali ay nagsisilbing mukha at pundasyon ng Montreal, Ang pangatlong gusali o ang Third Building naman ang nagsisilbihing Basurahan ng Unibersidad, dahil dito tinatapon ang mga anak ng mayayamang tao na naliligaw na ng landas, mga bastardo o kaya'y kalalabas lang ng rehab, sa madaling salita, mga estudyanteng patapon at wala ng pag-asa sa buhay.
Ang namumuno dito ay ang bastardo at baliw na anak sa labas ng Presidente ng bansa na si Herman Buenavista - si Yudam Lee.
Kung Ang una, pangalawa at pangatlong gusali ay kinokonsidera pang bahagi ng Montreal, ang Pang-apat at ang pinaka huli sa lahat ay s'yang nagsisilbing lihim na gusali nito - Ang Fourth Building.
ang ika-apat na building ay ang nagsisilbing paaralan ng mga susunod na henerasyon ng mga PSG, Butler, Body guards, maging ang mga killer ng mga kilala at pinaka importanteng tao sa bansa.
Hindi katulad sa Una, Pangalawa at Pangatlong gusali, Malayo sa salitang "Normal" ang uri ng pamamalakad meron ito, Malayo dahil una sa lahat, normal at legal ang salitang pagpaslang sa ika-apat na gusali.
At sino pa nga ba ang mamumuno dito?
Walang iba kung hindi ang anak ng adoptive daughter ni Xander Montreal na si Monique Hernandez at ang Russian General na si Pavel Vladimir Lebedev - si Kairo lebedev Montreal.
Bagamat Ang Fourth Building lang ang gusaling legal ang lahat, hindi ito naging hadlang para maging impyerno ang kabuuan ng Montreal.
Dahil sa Pagiging Anak Mayaman ng Four Kings at sa kadahilanang pinanganak silang may gintong kutsara sa mga bibig nila buhat ng isilang sila, wala silang ginusto na hindi nila nakukuha.
Mas malala, mas matindi, at mas hindi makataong pamamalakad kumpara sa dating henerasyon ng Four Kings.
At sa kadahilanang walang leader at hindi magkakasundo ang apat ay mas masahol pa sa masahol ang sitwasyon na meron ang mga estudyante ng Montreal sa kasalukuyan.
Kung may isang bagay man na pinagkakasunduan ang apat, 'yon ay ang kondisyon na kung sino ang makakahanap sa taong Pinagkakaguluhan at pinag-aagawang mahanap ng mga Mafia sa Underworld ang s'yang itatakda bilang leader ng FOUR Kings.
'yon ay walang iba kung hindi ang
Bagong Ace ng Black Brother Assassination Group.
Si Ice Ryle Ackeri.
[ Ice's POV ]
"Hindi mo gusustuhing makilala pa si Liam Kang at Yudam Lee."
Napailing na lang ako nang maalala kong muli ang sinabi ng shadow ko kahapon.
Iniisip ko pa lang na may makikilala pa akong kagaya ni Ace at ng Kairo Montreal na 'yon ay sumasakit na ang ulo ko.
Pupungas pungas pa din ako habang nakatayo sa hilera ng mga maids sa labas ng kwarto ni Ace nang makarinig kami ng kalabog sa kwarto nito
Tila ba nawala ang antok ko nang makarinig pa ako ng sunod sunod na ingay mula dito.
"Fvxk! Get out!"
nang marinig ko ang mga salitang 'yon ay saktong lumabas naman ang isang maid habang umiiyak
"Na naman?", "Pang ilang ulit na ba 'to sa isang lingo?", "kung hindi lang mataas ang sahod sa mansyon ay matagal ko ng nilayasan ang impyernong 'to."
Rinig kong bulong bulongan ng mga maid na kasama ko.
"Ikaw. Dalhin mo 'to sa kwarto ng young master." Utos ng mukhang head maid sa isa sa mga katabi ko.
Bagamat Nanginginig ay agad naman nitong kinuha ang cart ng pagkain at dinala ito sa kwarto ni Ace, ngunit hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang may kumalabog na naman sa loob ng kwarto nito at walang ano-anoy lumabas ang maid mula rito habang naliligo sa dala dala nitong pagkain kanina.
"Madam! Ayoko na po. magreresign na po ako. I'm sorry!" Sambit nito saka nagmadaling tumakbo habang umiiyak
Napamang na lang ako sa nakita ko.
Gan'to ba talaga ang mga kabataan ngayon o baka sadyang gan'to lang talaga ang mga anak ng mayamang kagaya ni Ace?
Napailing ako.
Kung ako lang ang masusunod sa trabahong 'to, matagal ko ng natangalan ng ulo ang lalaking 'yon kaso hindi pwede! at hangat maari, gagawin ko ng tama ang trabaho ko hangang sa Ma-engage si Ace.
Yeah, 'yon ang kasunduan namin ni Miss Xyrine.
Maari na akong kumalas sa pagiging butler at pwede na din akong kumalas sa BBO, oras na ma-engaged s'ya sa kung sinong anak mayaman din na tulad n'ya.
Napaigtad ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat nang muling may kumalabog sa loob ng kwarto nito.
masyado talagang sakit sa ulo ang Ace na 'to. I wonder kung hangang kailan ako makakapag timpi sa kan'ya. Nakaka asar!
Nanakit na ang paa ko sa kinatatayuan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nito at lumabas ang isang lalaking may sampung sungay mula dito.
"You," narinig kong sambit nito
"Are you a fvcking deaf?!" Singhal n'ya sa'kin nang hindi ako lumingon sa kan'ya. Nagulat na lang ako ng bigla n'yang hawakan ang kwelyo ko at hinigit papalapit sa kan'ya.
Gan'to ba talaga s'ya ka-bastos?
Tipong wala na s'yang pake kung babae ba o hindi ang kausap n'ya? o baka naman pare-pareho lang ang tingin n'ya sa mga taong mas mababa sa kan'ya?
"P-paumanhin," pikit mata ko na lang na sambit dahil kahit ano pang gawin n'ya ay kailangan kong pag-tiisan
"Do you how much you ruined my day just showing up your face?!" Tanong n'ya sa mukha ko
"I already told you to be Kairo's toy yesterday, what kind of guts do you have in yourself to show up here?"
Giit n'ya pa
"I'm afraid, My contract is not transferrable and I'm not at--"
"Ahhh! I got it," Ngumisi s'ya na para bang may narealized s'ya. "All of you, get out of here." Baling n'ya sa mga maid na nakatayo sa labas ng kwarto n'ya.
Bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga ito ngunit agad silang kumilos at naglakad palayo sa'min.
Ano na naman bang binabalak ng baliw na 'to?
"Pakisaup, kung maari ay ayoko sana--" Naputol ang sasabihin ko nang agresibo n'ya akong hawakan sa braso at sapilitang ipinasok sa loob ng kwarto n'ya, napaigtad na lang ako ng inihagis n'ya pa ako sa napakalaki n'yang kama
"Wtf?! Nababaliw ka na ba?!" Sa wakas ay naisigaw ko sa kan'ya ngunit hindi n'ya ako pinansin pagkaway umupo s'ya sa upuaang nasa harap ng kama n'ya saka s'ya nag-dekwatro at mariing tumitig sa'kin.
"Now strip."
Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. "A-ano?" Di makapaniwala kong tanong
"You heard me, strip." Seryoso n'yang ulit na nagpatigalgal sa'kin
"You are insane!" Naibulalas ko na lang, napamaang na lang ako ng bahagya s'yang tumawa
"b***h like you are the one that I disgust the most," walang kagatol gatol n'yang saad
"A-anong sinabi mo?" Laglag panga kong sambit
Ngumisi s'yang muli saka s'ya tumingin ng direkta sa mata ko. "I know, you are one of those desperate women who just applied here because of their personal interest. actually, I do still remember the last girl who does the same act last year, she's actually a Montreal student. You know what she does?" Umiling s'ya, "She applied here and shamelessly seduced me. What a real b***h, isn't she?"
Napahinto ako sa sinabi n'ya.
Ang ibig n'ya bang sabihin?
"So, now.." he smirked, "quit acting innocent and strip already."
Wow. What the hell?
So, Is he saying na na isa ako sa kanila?
I got confused for a couple of seconds but I managed to compose myself. I feel trembling as hell but I hold back myself.
"This is what you want?" Tanong ko sa kan'ya na nagpawala ng ngiti sa labi n'ya
Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbagsak ng blazer ko sa kama.
Gan'to ba ang tingin n'ya sa lahat ng babaeng lumalapit sa kan'ya? o babaeng tagapaglingkod n'ya?
Mas mababa pa sa tubig kanal?
Nakuyom ko ang kamao ko.
Kada hakbang na ginagawa ko papunta sa kan'ya ay s'yang pagkalas ko isa-isa sa mga butones ng polo ko.
Isang hakbang na lang ang gagawin ko para makapunta sa kan'ya nang ibagsak ko ang polo ko sa paahan n'ya. Nakahawak na ako sa hook ng bra ko ng bigla s'yang tumayo.
"Stop!" He looks flustered but he really pissed the hell out of me.
Buong lakas ko s'yang tinulak pabalik sa upuan n'ya pagkaway tinungtong ko ang tuhod ko sa gitna ng mga hita n'ya at mabilis na inangkla ang braso ko sa leeg n'ya
Halos ga-hibla na lang ang pagitan namin nang magtama ang mga mata naming dalawa.
"What the hell are you doing? I said stop." Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya pagkaway lumapit pa ako sa kan'ya.
Sa dami ng pinatay ko, Alam kong matagal ng nawala ang dignidad ko bilang tao pero ang dignidad ko bilang babae...
Walang ano-anoy hinawakan ko ang p*********i n'ya dahilan para manlaki ang mata n'ya
Magsasalita pa sana s'ya ng - "BOGS!"
Mabilis akong tumayo at lumayo sa kan'ya matapos ko s'yang I head-butt.
"Fvck! What the hell was that?!" Sigaw n'ya nang ubod ng lakas
"Serves you right, You jerk!" nang gigigil kong sambit sa kan'ya. "You know how many years I'm older than you? No?" Umiling ako, "4 fvcking years, You bastard!"
"Subukan mo pa akong bastusin, sisiguraduhin kong bubutasin ko na 'yang ulo mo!" Sigaw ko pa sa kan'ya habang namimilipit pa rin s'ya sa sakit.
Pagkatapos kong damputin ang uniform ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto n'ya.
Habang naglalakad sa pasilyo ay bigla akong napahinto nang maramdaman kong may gumapang sa pisnge ko
"What? Ano 'to?"
Tanong ko matapos kong makita ang likido sa kamay ko
Nakuyom ko na lang ng sobra ang kamao ko ng marealized ko kung ano 'yon
"Fvck you, Ace! I swear! You'll gonna fvcking pay for this tears!"
11:45 A.M
Napahawak ako sa t'yan ko nang makaramdam ako ng gutom. Nasaan na kaya ang Ace na 'yon?
Sa lahat ng butler, ako lang ata ang butler na hindi man lang tumagal sa tabi ng binabantayan n'ya kahit ilang minuto. Napakunot na lang ako ng noo nang maalala ko ulit ang nangyari kanina.
Ang walangyang 'yon! S'ya na nga ang may ginawang kalokohan, S'ya pa ang may ganang mang-iwan!
Imagine, kumain lang ako para mawala ang inis ko sa kan'ya pero pagbalik ko ay wala na s'ya! Napalitan tuloy ako mag-commute ng wala sa oras! Kainis! Bwisit talaga s'ya! Bwisit!
Grrr~~
Aaah! Gutom na talaga ako!
Leshe kasing Ace na 'to! Mag-aalasdose na lang ay hindi ko pa din s'ya nakikita! Nasaan na ba kasi s'ya?! At bakit ba napakalaki ng gusaling 'to?!
Bago pa ako tuluyang mabaliw sa gutom ay kumilos na ako pero bago bago pa ako makahakbang ay may humarang sa'kin na lalaki.
"Are you Young Master Ace's Butler?" Magalang nitong tanong
he looks in his 30's, Naka black suit din s'ya gaya ng suot ko, refine kumilos at ilag sa eye contact.
He is butler for sure.
But kanino?
"I am," tugon ko
"You are invited to have lunch in the third building," magalang nitong saad.
Invited for lunch in the third building? At sino naman? Don't tell me ..
"1700, 4th building, come or come not, either of those you have no choice but to see me tomorrow."
Wait! he clearly said na 1700, eh, mag aalas-dose pa lang. isa pa, bakit sa third building? Anyway, kahit magbago pa ang lugar at oras ay wala akong balak na pumunta.
"I'm sorry but I have no plan to--"
"I'm afraid, you can't decline."
Mabilis nitong tugon habang nakatingin ng direkta sa mata ko.
"I'm also afraid, you can't force m--"TAP!
Mabilis akong nakaramdam ng hilo ng biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko mula sa likuran ko.
Bago pa ako makapalag ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat
•••••••••
Napaigtad ako ng makalanghap ako ng mentol malapit sa ilong ko. Nang magmulat ako ng mata ay bahagya akong nagulat nang makita ko kung nasaan ako. Nasa harap ako ng isang lamesa habang may tray ng pagkain sa harapan ko at may dalawang butler sa magkabilaan ko.
Teka, nasaan ako?
Nang tuluyang magising ang diwa ko ay du'n ko lang napagmasdan ang buong paligid ko. Maraming estudyante ang lihim na nakamasid sa'kin hindi kalayuan mula pwesto ko.
Means? Nasa Montreal pa din ako? Tama?
"Oh, you are finally awake." Napalingon ako sa gilid ko
"The chloroform I used is quite strong that it can last up to 2 days, it's amusing how you managed to wake up after 1 hour taking of it." Napangiti s'ya. "well, I already expected it but it's still astonishing."
Napatitig ako sa kan'ya.
He has this reddish-black / mahogany hair color and very monolid chinky eyes. He also has a tattoo on his neck and a piercing on both ears.
"Baka matunaw ako sa titig mo," nakangisi nitong sambit saka s'ya nangalumbaba sa harapan ko.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Sino ka?" Sa wakas ay lumabas sa bibig ko
"Ohh, isn't a very impolite way to greet a person who just invited you for a lunch?" Nakangiti n'yang tanong
"I don't even tell you to invite me!" Sambit ko saka ako bumwelo para tumayo ngunit hindi pa ako tuluyang nakakatayo nang hawakan n'ya ako sa balikat at sapilitang paupuin.
"I don't wanna ruin this VIP lunch so it's better if you behave yourself." Nakangiti pero kunot na ang noo n'yang saad habang nakahawak sa balikat ko
It's strange, I feel terrified by just seeing him smiling.
"Now, eat." Utos n'ya saka n'ya nginuso ang pagkain sa harapan ko.
Nakaramdam ako ng sakit sa balikat ko kung saan s'ya humawak matapos n'yang tangalin ito.
"I'm sorry but I have to g--" THUD!
nagitla ako nang bigla n'yang itarak sa lamesa ang tinidor na nakalapag lang kanina sa tray ko.
The hell?!
To stab a fork in a solid surface, he is insanely strong.
"I don't wanna repeat what I've said." Sumeryoso ang mukha n'ya, "now eat." Ulit n'ya pa
nang titigan ko s'ya ay ngumiti s'yang ulit. Wow. He looks like a real psycho, just now.
"I have no plan to waste your time so please don't waste my time as well." Tuluyan na akong tumayo, buo na ang pasya kong babalian ko na s'ya ng buto kung pipigilan n'ya akong muli pero nakatalikod na lang ako lahat lahat ay hindi pa rin s'ya kumikilos
Nakakailang hakbang na ako nang biglang sumambulat sa buong cafeteria ang tunog mula sa pinangalingan ko.
I felt my jaw drop nang makita kong nakataob na sa sahig ang lamesang kanina lang ay puno pa ng pagkain
What the heck?! Did he just flip the whole table?
"Return here in this instance." Seryuso nitong utos habang nakaupo pa din sa upuan n'ya na para bang wala lang sa kan'ya ang ginawa n'ya.
Ilang minuto akong napako sa kinatatayuan ko.
"kung ayaw mong magkagulo ngayon dito ay bumalik ka na." Dagdag n'ya pa.
Napalunok na lang ako sa sinabi n'ya.
Hindi ko alam kung anong kailangan n'ya sa'kin at kung sino ba s'ya pero mukang lalala pa ang gulo kung hindi pa ako sumunod sa kan'ya.
Nagsimula akong Humakbang kahit ayaw mismo kumilos ng paa ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kan'ya nang mabilis n'ya akong hinatak sa braso at pabalandrang sinubsob sa sahig
"You are quite stupid, aren't you?"
Napaigtad ako ng tapakan n'ya ako bigla sa ulo ko. "but, I prefer you to behave like that than to be stubborn."
"Alisin mo ang paa mo ngayon din!" Pigil ang hininga kong sambit
"Oh, I apologize but I won't. unless you eat first." Nagtaka ako sa sinabi n'ya.
"Paano ako kakain kung tinaob mo na ang lamesa at nasa sahig na ang lahat ng pagkain?!" Sigaw ko
"Then eat the food on the floor." Walang kagatol gatol n'yang tugon na tuluyang nagpa-tiim bagang sa'kin
Nang ilang minuto ay hindi pa din ako gumagalaw ay lalo n'ya pang diniin ang pagkakapatong ng paa n'ya sa ulo ko.
Nakuyom ko ang kamao ko saka ako napapikit ng mariin.
"1."
"4"
"4"
SLAM!
Bago ko pa mabangit ng Buo ang code ay nagulantang na lang ako ng isang iglap lang ay nakasubsob na din s'ya sa sahig, kaharap ko. Lalo pa akong napamaang nang makita ko ang familiar na sapatos na nakatapak sa ulo nito.
"It seems you enjoy what's mine, Yudam Lee." Nakangising sambit ng lalaki habang mariing nakatapak pa rin sa ulo nang tinawag n'yang Yudam Lee.
Yudam Lee? s'ya si Yudam Lee? Isa sa 4 Kings?
"And it seems you like interfering with my business, Ace." Balik tugon naman nito habang nakasubsob pa din sa sahig.
Nang mag-angat ako ng ulo ay napaiwas na lang ako ng tingin nang makita kong nakatingin s'ya sa'kin.
Anong ginagawa n'ya dito?
"I wonder why you want my butler to dine with you, ubos na ba ang babae mo dito sa third building at pati ang akin ay pinakikialaman mo?"
"Well, mukang hindi pa nakakarating ang balita sa'yo, anyways, I just want to eat with her that's why invited her here and I see no problem with that."
"Ohh, you like to eat that much ha? Why don't we freshen up you a little?" Sambit ni Ace saka s'ya dumapot ng bottled water sa sahig habang nakatapak pa din ang paa n'ya dito.
Nanlaki ang mata nang lahat ng tao sa paligid ng walang ano-anoy ibinuhos ni Ace ang laman ng bottled water sa ulo ni Yudam Lee.
Dahil sa ginawa ni Ace ay mabilis na naglabas ng baril ang dalawang butler ni Yudam Lee dahilan para mapatayo ako agad at mabilis na ilabas ang dalawa kong baril sa gilid at itutok ito sa ulo nila pareho.
"Put down your gun, now," utos ko
"Ha! I wonder where did you get your butler. Can you give her to me?" Natatawang saad ni Yudam Lee kahit basang basa na s'ya
"What? Are you gone nuts?" Balik tugon ni Ace dito. "At ikaw, may dala ka pa lang baril, bakit hindi ka man lang nakakilos kanina? Are you expecting some superhero to arrived?" Baling n'ya sa'kin.
"Aren't you the superhero?" Pang momock pa ni Yudam Lee
Napakunot na lang ng noo si Ace. "Superhero? To whom?" Ngumisi si Ace pagkaway lumapit s'ya sa'kin.
I gasped my breath when he suddenly grabs and pulled my hair toward him
"why would I care about someone worth less than my dog?"
Sambit n'ya pa saka n'ya hinila ang buhok ko.
Gusto kong matawa ng mga sandaling 'to.
I feel stupid for a second when I thought that he is not a total jerk but...
Nakuyom ko ang kamao ko.
He is a big damn jerk!
I'm already on the verge of killing everyone in front of me when we heard the door slammed.
"I thought I have the most interesting thing in my hand now but it seems like I'm wrong.."
Nang lumingon ako sa nagsalita ay tuluyan nang nagbago ang t***k ng puso ko. Natulala ako sa kan'ya
He has this gentle and innocent look on his face but what he's holding in his hand saying the other way
May hawak s'yang baseball bat sa kaliwang kamay n'ya habang hawak hawak n'ya naman sa kanang kamay n'ya ang isang duguang babae.
What he have done to my shadow, and Who the hell is he?!
"Oh, here comes the real Psycho," sambit ni Ace
"You are not invited here, Liam Kang," Yudam exclaimed as he standing
Liam Kang? Isa din s'ya sa 4 Kings?
Sa puntong 'to ay gusto ko na talagang matawa.
Bakit ba sunod sunod na silang nagpapakita ngayon? At ano bang kailangan nila sa'kin? Isa pa, anong ginawa nang Liam Kang na 'to sa shadow ko?!
"What's in your hand, You jerk." Tanong ni Ace habang nakahawak pa din sa buhok ko
"I thought you already knew the news," tugon nito habang nakangiti
"Why don't you spit it out."
"Kairo already found who is the Black Brother's Ace." Tila nagitla ako sa narinig ko.
"Don't tell us, she is the Ace?" Tukoy ni Ace sa shadow ko na hawak hawak nito
"it's either her or..." Tumingin s'ya sa'kin, "the girl beside you." Nagulat ako ng biglang humarang sa'kin si Yudam
"I found her first. Back off."
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero masama na talaga ang kutob ko.
"Haha chill. I'm just here to check it out but as I can see, mukang hindi na makapalag ang isang 'yan sa inyo." Ngumisi syang muli. "I guess, she is way weaker than this girl."
Nakuyom ko ang kamao ko.
"Ikaw, sabihin mo, ikaw ba ang Ace? o ikaw ang shadow?" Singhal sa'kin ni Ace
"H-hindi ko alam ang sinasabi n'yo."
Nakayoko kong tugon.
Ito ba ang dahilan kaya nandito ang shadow ko at sinabi n'yang they are all after me?
Kung ganun paano nila nalaman? At higit sa lahat anong kailangan nila sa'min?
"If you want to interrogate these two, bring that girl in the 4th Building later, and yeah, don't forget not to kill that girl. You are still in the 3rd building."
"Saying that while a woman is dying in your hands?" Sarkastikong sagot ni Yudam
"Well, she killed 15 people before we caught her." He frowned, "Anyways, I'll go ahead." Patalikod na s'ya ng muli s'yang humarap sa'kin
"See you later." Naka smirk n'yang saad, pagkasabi n'ya n'un ay tuluyan na s'yang naglakad habang nasa isang kamay n'ya pa din ang shadow ko
Naramdaman ko ang pag tangis ng panga ko.
Kailangan ko ng kumilos kung hindi--TAP!
Mabilis akong nakaramdam ng hilo nang maramdaman kong may lumapat na naman na tela sa ilong ko.
••••••••••••
Mabilis akong napamulagat ng mata nang maramdaman kong may bumuhos na tubig sa katawan ko
Nang magmulat ako ng mata ay napamaang na lang ako nang makita ko kung nasaan ako at sa kung anong sitwasyon ako naroroon.
Nasa isang madilim na kwarto ako habang nakaupo sa isang silya at naka kadena ang mga kamay ko sa likuran ko.
I gritted my teeth when I saw my shadow sitting in front of me while still unconscious.
"It took you so long to wake up this time." huminto s'ya pagkaway tumingin s'ya sa relo n'ya, "it's already 10:00 PM."
Its Yudam Lee.
"It's a waste that we have to pour you water just to wake you up."
Sambit naman ni Liam Kang na nasa tabi n'ya
"Bakit ginagawa n'yo 'to?" Mahinahon kong tanong
"I don't like loudmouth so if I were you, shut your mouth."
Napalingon ako sa sulok kung saan may nagsisigarilyo.
It's Kairo Montreal.
"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit n'yo kami dinukot pero isa lang ang sasabihin ko sa inyo," huminto ako. "Wala kayong mapapala." Giit ko pa
"Then let's start the interrogation." Sambit ulit ni Kairo habang humihipak pa din ng sigarilyo
Nagtaka ako nang lumapit s'ya sa shadow ko ngunit napamaang na lang ako nang bigla n'yang idinildil ang sigarilyo n'ya sa balikat nito.
"Aaaaaaah!" Automatikong napaiwas ako ng tingin
"Tell me, who's the Ace?"
Tanong n'ya dito
Sinubukan nitong ibuka ang bibig n'ya pero dahil sa sobrang dami n'yang sugat sa muka ay hindi na s'ya nakapagsalita.
"Agggggh!" Sigaw pa nito ng biglang dakutin ni Kairo ang buhok n'ya patingala
Nakuyom ko ang kamao ko.
Tama. Baliw na sila! Hindi.
Mga demonyo sila!
"Tell me, who's the shadow and who is the Ace." Seryoso na nitong tanong
"Hindi ko alam, at kahit alam ko.."
Huminto s'ya. "hindi ko sasabihin."
Mabilis na lumapit si Liam para sampalin ito ngunit lahat kami ay napahinto nang makarinig kami ng yabag ng mga paa papunta sa'min.
"если ты причинишь ей боль больше, она не сможет говорить"
(if you'll hurt her more she couldn't able to talk")
Natigalgal ako nang marinig ko ang boses nang matandang lalaki na nooy papalapit sa'min.
I heard this voice before.
Pero saan?
Nang sa wakas ay nakalapit s'ya sa'min ay du'n ko lang naalala kung sino s'ya.
Idrik Ibanov?
Teka, bakit nandito ang isang russian assassin leader?
Don't tell me.
"What does it mean?" Biglang tanong ni Yudam
"мне жаль" (I'm sorry)
Sambit ng lalaking kasunod nito.
"Woah! wait a minute. Isn't his your right hand, Kairo?" Tanong ni Liam
Anong ibig sabihin nito korei?" Tanong ni Kairo sa tinawag n'yang korei
"Simple. I just gave all the information we have about the Black Brother Assassination Group to Ibanov Assassination Troup. " Ngumisi ito, "sa madaling salita, tinraydor ko kayo."
Napangisi din si Kairo pero mabilis na kumunot ang noo n'ya. "You think you gonna live after this? No, you will also die here." Sambit n'ya pa saka s'ya bumuga ng usok
"Ah and who will kill me? Yo--" s***h!
nagulantang kami ng walang ano- anoy nahati sa dalawa ang ulo ng lalaking nangangalang korei.
Kasabay ng katahimikan sa paligid ay ang paghalakhak ni Idrik Ibanov.
Pinakiramdaman ko ang paligid.
"Andito na sila.." wala sa sarili kong sambit
"A-ano, anong ibig mong sabihin?"
Tanong ni Yudam, nanigas na lang s'ya sa kinatatayuan n'ya ng maramdaman n'yang may katana nang nakatutok sa leeg n'ya
"Fvck! What the hell is this!?" Kinakabahang sambit na rin ni Liam nang may nakatutok na ding katana sa leeg n'ya
"Ha! What now? After killing your informant, kami naman ang papatayin mo?" Natatawang tanong ni Kairo.
Tumawa lang si Idrik sa sinabi nito.
Naalarma ako ng lumapit s'ya sa shadow ko at mabilis na hinawakan ang muka nito na para bang kinakilatis n'ya ito.
"Are you the Ace?" Tanong n'ya sa ingles
kung ganun ay nakalimutan n'ya ang itsura ko? Hindi! Sadyang puno lang lang talaga ng dugo ang muka ng shadow ko kaya hindi n'ya maalala.
Nagulantang ako ng lumipat ang tingin n'ya sa'kin. Hindi. Naka wig ako.
"You both has black hair." Tumawa s'ya ng malakas. "This is interesting."
Nagitla ako ng maramdaman kong humakbang s'ya sa'kin, akmang hahawakan n'ya na ang buhok ko ng
Biglang sumigaw ang shadow ko na lalong nagpatulala sa'kin.
"AKO ANG ACE! AKO ANG ACE NG BLACK Brother Assassination Group! AKO ANG ACE!!" paulit ulit n'yang sigaw habang tumutulo ang luha n'ya
"AKO ANG ACE KAYA PAKIUSAP, LUMAYO KA SA KAN--" s***h!
Tuluyan na akong napamaang ng isang iglap lang ay gumulong ang ulo n'ya sa sahig.
nang makita ko ang ulo n'ya habang dilat ang mga mata nito sa harapan ko ay tuluyan na akong natulala.
Pakiramdam ko ay Huminto sa pagtibok ang puso ko, nanigas ang buo kong katawan.
Napangisi na lang ako habang tulala pa din.
This.
Hindi.
Tumalikod si Idrik Ibanov sa'kin para damputin ang ulo nito.
"If ever you are the Ace of black Brother Assassination Group your head is worth to disp--"CLANG!
*Insert chain broken here*
"Mabataki, watashi wa anata o koros."
(kumurap ka, mamamatay ka.)
"Hanasu, watashi wa anata o koros."
(magsalita ka, mamamatay ka.)
"Ido, watashi wa anata o koros."
(gumalaw ka, mamamatay ka.)
"Ie, hoka ni nani o suru ni shite mo."
(Hindi, dahil kahit ano pang gawin mo..)
ibanaon ko pa ang daliri ko sa leeg n'ya
"ANATA O KOROS!"
(PAPATAYIN PA DIN KITA!")