THE ACE OF THE ACES
Makatang Hangal
Chapter 2
± Ace x Ace ±
[Ice's Pov]
"Ice, you can't do this!"
Humarap ako kay yuri na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa 'kin. Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang muka n'ya.
"Aww. My living uke. napaka-cute mo." Lalo lang kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.
"Ice, pwede ba! tigil tigilan mo na kakabasa ng yaoi at 'wag mo 'ko tawaging uke. Nakakairita na!"
Tumawa lang ako ulit habang sinusuot ang combat shoes ko.
"Seryoso? bakit ka ba pumayag na maging butler ng isang malaking company heir kung isa ka ng opisyal ng Special Force ng Gobyerno?! Imagine, every Soldier in your unit salute you then magiging bantay ka lang ng isang rebeldeng University Student? Isa pa, hindi ordinaryo ang babantayan mo! Tagapagmana 'yon ng tatlong naglalakihang kompanya! Are you out of your mind, Ice!?" Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya pagkaway sinuot ko ang sinturon ng fatigue ko.
"Ate." Napahinto ako.
Bumuga ako ng hangin saka ko s'ya nilingon.
"Kung sasabihin n'ya na kailangan kong maging katulong ay hindi ako mag-dadalawang isip na maging katulong." Ngumiti ako saka ko s'ya tinapik-tapik sa ulo.
"Unti-unti nang nagbabago ang buhay mo. Unti-unti ka na ring nakakalayo sa madilim na parte ng buhay mo. I'm sure, oras na ma-involved ka na naman sa mga Montreal lalo na sa rebeldeng tagapagmana na 'yon, baka hindi ka na makatakas sa Black Brotherhood," nakayoko n'yang sambit.
Napaiwas Ako ng tingin.
Tama s'ya, unti-unti ng nagbabago ang buhay ko But...unfortunately, I still remember how I become an Assassin at the age of 8 and how terrifying killer I am.
"It's only been 5 years since Daddy Toshi adopted me, Your dad. Hindi pa ganun katagal para kalimutan ko ang lahat. isa pa, nanalaytay pa din sa dugo't laman ko ang pagiging assassin," balik tugon ko na nag-pahalukipkip sa kan'ya.
"Nga pala, nasaan si Rui? Nasan ang kambal mo?" Pag-iiba ko nang usapan.
"H-hindi ko alam," hindi n'ya makatinging sagot
"Hindi ko alam kung hangang kailan mo pagtatakpan ang bastardo mong kapatid, Yuri. Pero oras na gumawa ulit s'ya ng ikapapahamak mo, ako mismo ang babalat sa kan'ya ng buhay," seryoso kong saad
"Hehe, hindi ka pa ba late?" Nagkatinginan kami
"Late na." Damn! Mabilis kong sinuot ang cap at sinuot ito.
"Hindi mo ba susuotin ang wig mo?"
"Everyone in our unit knows that I'm the silver-haired assassin, So, what's the point of wearing a wig?"
"Hehe, okay miss captain. Nagtatanong lang naman. paka-sungit!" Hindi ko na s'ya pinansin at lumabas na ako pagkaway Mabilis akong sumakay ng big bike papunta sa headquarters.
Ilang minuto lang ng byahe ay nakarating din ako sa Camp Crame.
"Salute to 10th Battalion Combat Team Captain," Bati sabay salute sa 'kin ng mga trainee na nag-ddrill sa labas ng HQ
"At ease!" Balik tugon ko sabay salute. Hindi na ako huminto dahil dumiretso na ako sa office. Pagpasok ko ay bahagya akong nagulat nang makita kong nasa loob na ang lahat ng Opisyal ng Special Unit kasama ang ilang mataas na opisyal ng PNP habang matamang nag-hinihintay sa 'kin.
"Oh." Napatingin silang lahat sa 'kin.
"Huh! I can't believe that we have waited for some high school teenage girl who still wearing her wig from the cosplay she attended wit-" THUD!
"Opps, nadulas," Sambit ko matapos ko s'yang batuhin ng double blade.
Laki mata s'yang tumingin sa'kin habang sapu-sapu ang pisnge n'yang nadaplisan nito. "I-ikaw!" Tila nang-gagalaiti sa galit at hindi mapakaniwala n'yang sambit
"What? You can't believe that a teenage girl who just attended a cosplay would do that?" Napangisi ako
"Walang hiya ka!"
Mabilis itong tumayo at kumuha ng ballpen saka humakbang papalapit sa'kin."Dapat sa gaya mong mamatay-tao ay ay tinuturuan ng leksyon!" Sigaw n'ya pa nagpabago ng expression ko.
Mamatay tao, huh?
Pasugod na s'ya sa 'kin nang mabilis kong sinipa ang ballpen sa kamay n'ya dahilan para tumalsik ito sa ere. Nasa likuran n'ya na ako ng nasalo ko ito gamit ang kanang kamay ko.
"Hindi gan'to ang tamang pag-gamit sa ballpen, Major. pero kung gusto mong gamitin 'to sa gan'tong paraan, well, pagbibigyan kita," sambit ko habang nakatutok na ang ballpen sa leeg n'ya.
"Woah! Woah! Pwede magsikalma lang tayo, masyado pang maaga para dumanak ang dugo dito," Nakangiwing sambit ni coronel Renato na ngayon ay pumapagitna sa amin.
"Mabuti pa ay magpakilala muna kayo sa isa't-isa," lumingon s'ya 'kin pagkatapos ay tumingin s'ya dito. "Major, this is the 10th battalion combat team, Captain Ice Ackeri, ang-"
"Mamamatay tao, halang ang kaluluwa, at..." huminto ako sa pagsasalita pagkaway lumapit ako sa lamesa saka ko hinawi lahat ng papel na nakalatag dito at umupo doon sabay de-kwatro. "Ang ACE ng Black Brother Assassination Group," Ngumiti ako. Napakamot na lang si coronel Renato sa ulo n'ya nang makita n'ya ang ginawa ako.
".. at Ice, ito si Major Arellano, ang 2nd District Comm-"
"Hindi ko tinatanong," walang expression kong saad
"Ha! I can't believe this! nag-recruit kayo ng mga taong walang modo at halang ang kaluluwa!" Tila yamot na Sambit ni Major Arellano habang hawak pa din ang pisnge n'ya.
Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi n'ya. "Sa totoo lang ay hindi n'yo na kailangan mag-recruit, 'yon ay kung.." huminto ako sa pagsasalita saka ako tumingin sa tyan n'ya, "Maliit ang tyan n'yo, Mga praybutod." Ngumisi ako
[Praybutod- malalaki ang tyan]
"Ice, stop it." Sabay sabay kaming napalingon sa pinto
Napatayo ako bigla nang makita ko si uncle Lauren. Ang President at dating agent ng Blue Eagle Agency, isa sa 4 kings, at ang tumayong guardian ko bago ako ampunin ni Daddy Toshi.
Muli akong sumulyap sa kan'ya.
Kung pag-mamasdan ang maayos at maganda n'yang tindig ay hindi mo masasabing lagpas kwarenta na s'ya.
Nakakamanghang isipin na Pareho silang mukang nasa late 20's lang ni Miss xyrine.
"Hindi ngayon ang tamang oras para sa mag-away," Sambit pa nito na nagpaiwas sa'kin ng tingin.
"Ngayong nandito na si President Choi pwede na ba nating pag-usapan kung anong klaseng transaction na naman ang ipapagawa nyo sa 'kin," seryoso kong sambit habang kinukuha sa pader ang double blade na binato ko kanina.
"PNP ask for the assistance of this Special Unit especially you, Ice," seryoso ding saad nito
"Is there's something new?"
Pinunasan ko ang double blade ko
"Could you stop talking like we are all depending on you?" Napaangat ang kilay ko kay major.
"Then stop acting like one.." ngumisi akong muli
"Ice!" Sambit ni Uncle Louren
"Okay, okay!" Tinaas ko ang dalawa kong kamay
Nang pare-pareho ng tahimik ang lahat ay nagsimula na s'yang magsalita muli.
"There's a huge selling of illegal firearms about to be happened at exactly 22:00 at New Manila district today and-"
"Let me guess, sangkot na naman ang mga bigating anak ng naglalakihang kompanya at kailangan ng PNP ng cover-up para sa kanila?" Tumingin silang lahat sa 'kin.
"You won't be here if they wouldn't need you," Nakakunot na sambit ni Major Arellano
"Yeah, I won't be here if you wouldn't NEED me and that explains why I'm here." Umarko ang sulok ng bibig ko.
"Hindi nila kayang madungisan ang mga chapa nila sa mata ng publiko habang iniingatan nila ang mga pangalan ng mga naglalaking business tycoon at political heir sa mga kalokohan nila kaya gumawa sila ng special unit para pag-takpan sila. Hindi ba?" Ngumiti akong muli
"Did I hit the bullseye?" Hirit ko pa ng 'di sila umimik.
Napabuga na lang ng hangin si Coronel Renato sa sinabi ko.
"Tutal alam naman natin ang patutungohan ng usapan na 'to, let's wrap-up and end the meeting here," Saad n'ya pa
"Yeah." Tumayo ako at nagsimulang humakbang papunta sa pinto
"Mamamatay-tao," Napahinto ako sa narinig ko.
Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko nang makita ko ang nakangising pag-mumuka ni Major Arellano
Gusto ko nang durugin ang bungo n'ya pero nagpigil ako. dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kan'ya.
"Imbes na ballpen bakit hindi baril ang hinugot mo kanina?" Tanong ko sa tenga n'ya. Napangisi ako nang bigla s'yang umiwas ng tingin.
"Smith and Wesson 357 magnum.
3.5-inch barrel. Magandang kaledad ng baril para sa isang opisyal na kagaya mo, Major. Ano kayang pakiramdam kapag pinutok ko 'to sa'yo?" Tanong ko sabay kasa at tutok ng sarili n'yang baril sa sintido n'ya na kanina pa nasa kamay ko
Napalunok s'ya.
"Ice, tumigil ka na," Seryoso ng saad ni Uncle Louren
"Opps. Gomenasai!" [sorry] Sambit ko saka ko kinalabit ang safety lever ng baril at binitawan ito sa sahig.
Pahakbang na ako ulit nang muli akong huminto.
"Ah! One more thing.." humarap akong muli kay Major Arellano. "I didn't join this Special Force just to please any Government official, sir. So, please be careful next time, dahil baka.." tumingin ako sa kan'ya saka ako lumapit muli sa tenga n'ya.
"Baka makalabit ko na ang gatilyo sa susunod." I grinned. "Bang!" Pagkasabi ko noon ay ngumisi pa ako.
Nang makita ko ang butil-butil n'yang pawis ay naglakad na ako patungo sa pinto.
"Do not kill and do the proper protocol during the operation later, Ice." Lumingon ako kay Uncle Louren saka ako ngumiti.
"I'll try.." huminto ako
"Cause it's definitely the last." Pagkasabi ko noon ay tuluyan na akong lumabas.
[ 21:00 at New Manila District ]
"Don't move or I will kill you."
"Yeah, just do so dickhead,"
Bored kong sambit sa lalaking nasa likuran ko.
Akmang tatawa sana ito ng napangisi ako.
Mabilis akong kumilos upang hawakan ang sleeve n'ya, akmang ibabalibag ko na s'ya ng bigla s'yang kumindat.
"wtf?"
Di na ako nagdalawang-isip at binalibag ko agad s'ya sa sahig pagkaway pinilipit ko ang braso n'ya sa likod n'ya at inupuan s'ya
"Damn! I'm just playing around, why damn so serious?" natatawa n'yang sambit habang nangingiwi sa sakit
"Mamaya ka na tumawa kapag wala ka ng ulo, hangal!" Lalo lang s'yang natawa sa sinabi ko
"Shocks! Are those people making out in public?"
"Omg! Get a room please."
"Aikes! Halika na nga, baka hindi pa natin maabutan si Ace Relick sa stage!"
Napahawak na lang ako sa sintido nang marinig ko ang sinabi ng mga taong dumaan sa harap namin.
Agad kong binitiwan si Levi saka ako tumayo. "Bakit ba naman kasi nagkataon pang may event sa lugar na 'to? Nakakairita!" Iritado kong sambit
"Oh well, may fashion event kasi dito ang pamangkin ko," tugon nito habang nag-papagpag. Napatitig ako sa kan'ya.
He is Levi Montreal, 25 years old, first Lieutenant ng Special Force.
S'ya ang nakababatang kapatid ni Miss xyrine, rather I say, Anak sa labas si Mr. Montreal.
"Sabihin mo, anong klaseng bata ang pamangkin mo?"
"Woah! where's that question came from? Saka Bata?" Tumawa ito ng malakas. "Ang tinutukoy mo bang bata ay 'yang nasa billboard?" Turo n'ya sa isang billboard ng isang model na nasa harapan namin.
Napatitig ako sa lalaking nasa billboard.
Gwapo ito, matangkad at..
napatingin ako sa unbutton shirt nitong suot dahilan para ma-exposed ang walong bulto ng 'buns' sa dibdib nito.
"Gwapo no?" Natatawang tanong nito sa'kin nang mapansin n'yang natulala ako.
"Don't tell me, yan si...." Tumingin ako sa kan'ya
"Yeah, ang sikat na ramp model-actor at nag-iisang anak at tagapagmana ng Montreal group of company, Sy group of company at Guevara clan enterpris-"
"Stop with the sickening group, It's f*ckin redundant! What I want to know is, s'ya 'yung anak ni Miss xyrine?!"
"Oo, s'ya si Ace."
Napanganga ako.
Pakiramdam ko ay naloko ako sa loob ng 23 years. "I thought her son is just a teenager?" Laglag panga kong tanong
"Well, next year pa ang birthday n'ya. so, technically teenager pa nga s'ya."
Wtf?! How could a total grown-up man with great body like him is just a teenager and worst...needs a butler for fucker sake?!
"Bakit parang shock na shock ka?"
'Paanong hindi?! Eh, ako ang magiging butler ng "teen-ager" na 'yan!' Gusto kong ibulalas sa kan'ya.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko ng biglang may nagsalita sa earpiece sa tenga ko.
"Target is moving to the crowd..."
naalarma ako sa narinig ko dahilan para bumalik ang ulirat ko sa pakay namin.
"Copy, over and out," Balik tugon ko sa pamamagitan ng wristband ko.
"Go ahead to exit, I'll go to the entrance," Saad ko kay Levi na tinanguan n'ya naman.
Kalmado akong nakihalo sa crowd habang busy ang lahat sa panonood ng fashion show.
Habang palinga-linga at hinahanap ang taong nasa picture na inabot ng asset namin kanina ay bigla akong napaigtad ng biglang may lalaking humawak sa leeg ko at tinutukan ako ng kutsilyo.
"'Wag kang gagalaw! Hold up 'to!"
Sambit nito sa tenga ko.
Nagsimula namang magkagulo ang mga tao at lumayo sa aming dalawa.
Napailing na lang ako.
Pag-siniswerte ka nga naman.
Sa dinami dami ng tao na nandito, ako pa talaga ang hinold-up at ang malala pa du'n ay kung kailan in-duty pa ako.
"I-ibigay n'yo sa 'kin ang mga p-pera n'yo! pinapangako ko pakakawalan ko ang babaeng 'to," Muntikan na akong humikab dahil sa sinabi n'ya.
"Alam mo kuya, tanga ka rin no? This is a huge event. Di mo ba inisip na nagkalat ang pulis sa paligid bago ka mang-hold up?" Naiirita kong tanong sa kan'ya.
"Ikaw ang tanga! Sympre naisip ko 'yon! Hindi ko gagawin 'to kung wala akong backer!" Sigaw n'ya sa tenga ko dahilan para mapapikit ako.
Napaisip lang ako dahil May kakaiba sa kan'ya.
Nanginginig s'ya.
"Yeah, pareho tayong tanga." Napahikab na lang ako.
Nag-iisip na ako kung paano ako tatakas nang 'di s'ya nasasaktan
nang may nakita akong pamilyar na muka sa 'di kalayuan.
Nakasuot ito ng black na sumbrero at bahagya itong nakayoko pero hindi hadlang ang mga 'yon para hindi ko s'ya makilala.
Damn you, Rui! Pasaway ka!
Teka, bakit may dala s'yang attache case? Don't tell me..
Nakuyom ko ang kamao ko nang maisip kong isa s'ya sa mga nagbebenta ng illegal firearms.
Muli itong humakbang papalayo kaya naalarma ako.
"Ano?! Ito lang ba kaya n'yong ibigay sa'kin? Ang mahal mahal ng ticket sa event na 'to tapos ito lang ang ibibigay n'yo sa'kin?!" Napapikit akong muli nang muling sumigaw ang holdaper sa tenga ko.
Leshe! Nakakairita talaga!
Nang makita kong may naghagis ng ATM card malapit sa amin ay muntikan na akong matawa. Aanhin ang pinto kung walang susi. I mean, nasaan ang pin? Geeesh.
Napalingon akong muli sa direksyon ni Rui. Naalarma akong muli nang makita kong may dalawang lalaking nakaitim ang dumampot sa kan'ya.
Nang marealized kong hindi namin kasamahan ni Levi ang dalawang 'yon ay kinabahan ako.
"Ikaw," Sambit ko sa holdaper na nasa likuran ko.
"A-no? M-may sinasabi ka ba?"
"Mabuti pang bitawan mo na ako kung nanginginig ka rin naman," Walang emosyon kong suhestyon
"W-wag kang mag-alala," Napalingon ako sa kan'ya. "wala akong gagawing masama." Napaiwas ako ng tingin.
"Kung wala kang balak na masama, bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko
Bahagya s'yang napayoko pagkaway nangilid ang luha n'ya.
"Na...napag-utosan lang ak-" BANG!
Napatda ako ng isang iglap lang ay may bumaong bala sa noo n'ya.
Natigalgal ako.
"Mabuti pa ay sumuko ka na kung ayaw mong barilin ulit kita." Automatiko akong napatingin sa nagsalita.
PO2 MENDEZ, tanging nabasa ko nameplate nito sa dibdib.
Nang tumingin akong muli sa holdaper ay tila napatda ako nang makita kong tumulo ang luha n'ya habang umaagos sa buong muka n'ya ang dugo mula sa noo n'ya
Kahit nahihirapan ay tinaas nitong muli ang kamay n'ya para sumuko ngunit anong gulat ko ng bigla na lang may bumaong bala ulit sa sikmura nito
"A-ang anak ko..." Sambit nito bago tuluyang malagutan ng hininga
Napahawak ako sa dibdib ko.
'Yung t***k ng puso ko.
"Tsk tsk, panigurado na ang promotion ko dahil sa'yo, hangal ka." Natatawang sambit ng pulis na bumaril dito saka ito humakbang papalapit sa 'kin. "ikaw, ayos ka lang ba?" Humakbang pa ito papalapit sa'kin.
"Takbo," Nakatulala kong sambit
"Ha? Takbo? Anong sinasabi-" CRACK!
wala sa sariling napatitig ako sa kan'ya matapos kong baliin ang leeg n'ya.
"susuko?! Paanong susuko ang isang tao kung nabaril mo na s'ya?" Sambit ko pa pagkaway inapakan ko ang ATM card na nasa paahan ko saka ko ito sinipa sa ere
"Ikaw dapat ang mamatay!" Sigaw ko pa saka ko s'ya ginilitan
"A..ang b-uhok mo," sambit n'ya habang bumubulwak and dugo sa leeg n'ya
"Sa susunod, tumakbo ka na kapag nakakita ka ng babaeng may puting buhok, 'yon ay kung mabuhay ka pa," nandidilim ang paningin kong saad
Nang makita kong wala na s'yang hininga ay agad akong tumalikod, bago ako umalis ay sinuot kong muli ang sumbrero kong nahablot n'ya kanina saka ako nagsuot ng facemask.
Dama ko pa din ang galit sa dibdib ko nang huminto ako malapit sa parking lot.
Ang hangal na 'yon.
Isa s'yang ulupong na may chapa! Kriminal!
Humahangos pa din ako ng sumagi sa isipan ko si Rui. Kahit hindi pa kalmado ang dugo ko ay tumakbo akong muli para hanapin si rui.
Palinga-linga pa din ako sa paligid nang makita kong muli si Rui habang kinakaladkad patungo sa isang itim na kotse.
"Shet!" Singhal ko.
Mabilis akong nagtungo sa big bike ko na nakapwesto sa di kalayuan at mabilis na sumakay dito.
Bahagya silang nawala sa paningin ko pero ilang sandali lang ay bumalik ulit sila sa highway.
Nakasunod pa din ako sa kanila hangang sa makarating kami sa isang abandunadong daan.
Malapit ko na silang maaabutan nang mapansin kong may dalawa pang itim na kotse ang nakasunod sa kanila
Kinabahan ako nang makita ko ang sticker sa likod ng isang kotse. Sigurado akong magkaibang grupo ang dalawang kotse na nakasunod sa kanila dahil ang isa doon ay grupo ng mga Mafia.
"Ha!" Napangiti ako.
Kaya pala dinawit nila ako dito dahil may mga mafia na involved. Mga walang bayag na opisyal!
"Fine, let's do this!" tinapakan ko ang silinyador ng bigbike saka ko ito pinaharurot ng husto.
Nasa pa-sigsag na daan na kami nang
Maabutan ko ang pinaka huling kotse.
Ang kotse ng mga mafia.
Kinatok ko ang bintana nito nang makadikit ako dito. Nang buksan nila ang bintana sa driver seat ay napangisi ako.
"Sayonarades!" [Goodbye!] Sambit ko saka ko kinagat ang pin ng isang granada at ihinagis ito sa loob.
BOOM!
Napangiti ako nang isang iglap lang ay sumambulat ang isang malakas na pagsabog mula sa likuran ko.
"Mga hangal!" Napangisi ako
Bago pa ako makita ng mga kotseng nasa harapan ay lumihis muna ako ng daan.
Nawala ang ngiti ko nang makita kong patungo na ang dalawang kotse papasok sa isang liblib na lugar.
Nang huminto sila sa isang malaking abandunadong building ay kinutoban na ako.
Hinintay ko muna silang makapasok lahat sa loob bago ako bumaba sa bigbike. Nang makasiguro akong wala ng taong natira sa labas ay pumasok na ako.
So, dito pala nagaganap ang mga transakyon nila ha?
Ang pinagtatakahan ko lang ay kung anong ginawa nila sa lugar na maraming tao katulad ng new manila District kanina bago sila pumunta dito. Isa pa, bakit nadawit sa kanila si rui?! Arg! Kailangan kong malaman ang lahat.
Nang makarating ako sa ikalawang palapag ng gusali ay napahinto ako nang makita kong nasa isang silid silang lahat habang may pinag-uusapan.
Nang sumilip ako ay bahagya akong nagulat ng makita kong madaming illegal na baril ang nakabalandra sa isang lamesa.
May Pistol, Shotgun, Rifle, Assault rifle, Machine gun at may ilang pampasabog katulad ng granada.
Nakuyom ko ang kamao ko.
Sino ba ang mga taong 'to at nagawa nilang isama sa grupo nila si Rui na 18 yrs old lang?!
Pakiramdam ko ay nagsisimula ng kumulo ang dugo ko kaya kinapa ko na ang baril sa binti ko ngunit..
"Fvck!" Sambit ko saka ako mariing napapikit. Napa lipbite na lang ako nang maalala kong nasa coat ng fatigue ko 'yung baril ko.
Ok, Ice. 'wag kang mairita! Dahan dahan kang lumabas at Kunin mo 'yung baril sa coat mo. Tanga ka!
Pahakbang na ako ng biglang tumunog ang kagimbal gimbal na ring tone ng cellphone ko.
"Killing me softly with his song..."
Napapikit ako saka ako napamura ng malutong
"Levi Montreal calling.."
Nang makita ko ang pangalan ni Levi sa screen ng cellphone ko ay gusto ko s'yang patayin sa isang daang paraan na alam ko.
"Sino 'yan?!" Napahinto ako.
"Lumabas ka sa tinataguan mo kung ayaw mong tadtarin ka namin ng bala." Napailing ako.
Wala na akong takas.
Inayos ko muna ang buhok ko at tinago ito sa sumbrero ko bago ko napagdesisyunang lumabas.
Nang humakbang ako papasok ng silid habang nakataas ang mga kamay ay doon ko lang napagmasdan ang mga muka ng mga taong involved dito.
Ang tatlong lalaking katabi ni rui ay pare-parehong mga nakasuot ng facemask.
Tintitigan ko pa silang maigi.
Kahit naka facemask sila ay hindi maitatanging may mga itsura sila.
"Ikaw, kasamahan ka ba nila?"
Hindi ako kumibo. Hinila ako nito saka ako pabalandrang tinapon sa grupo nila rui.
Napasinghap na lang ako ng masubsob ako sa dibdib ng isa sa pinaka matangkad sa kanila
Napatingala ako sa kan'ya.
He is damn freaking tall!
"Move." Sambit nito sabay tulak sa noo ko kaya bumalik ako sa ulirat ko.
Wow! Sino ba 'tong kupal na 'to at kung maka tulak s'ya at para s'yang hari?! Napakunot na lang ako ng noo.
"Ang akala ko ay malinis ang transaction na 'to pero bakit may mga mafia na nakasunod sa'tin?!" Bulyaw ng isang lalaki sa kabilang grupo
"what the fvck you are expecting dumbass?!" Sambit ng isang lalaki sa grupo namin na may singkit na mata at maraming hikaw sa tenga.
Wow this brat. Why does he speak like there's no gun pointing on us?
"Anong ibig mong sabihin ha? Sino ba kayo?" Tanong nito na mukang interesado ding makita ang mga muka ng tatlong lalaking na nasa grupo namin.
tingin ko ay mukang mga anak mayaman o kaya mga model ang tatlong lalaking katabi ko dahil sa pangangatawan at sa mga muka nila.
"You don't deserve to see our faces," Baritonong tugon ng mukang pinaka matino sa kanilang tatlo. Napailing na lang ako sa sagot nito.
"Nakapangalan sa isang pinaka mayamang business tycoon heir ang transaction na 'to kaya mas ikatutuwa ko kung makikita ko ang muka ng personal ng taong 'yon kaya mas mabuti pa ay tangalin nyo na ang face mask n'yo." Sambit nito sabay kasa ng haaak n'yang baril. Imbes na kabahan ang tatlong lalaki ay mukang na-thrilled pa sila.
"Fine," tugon nitong muli
Nang hubarin nila ang facemask nila ay saktong nag-tama ang mata namin ng lalaking tumulak sa'kin kanina
Pakiramdam ko ay ilang segundo akong natulala sa kan'ya bago makaiwas ng tingin
Teka, s'ya 'yung lalaking pinakita sa'kin ni Levi sa billboard kanina 'di ba? Kung ganun s'ya si..
Ace?
Ace Montreal Sy?
Napatapik ako ng palad sa noo ko. Pakiramdam ko ay sumakit bigla ang ulo ko.
S'ya, si Rui at ang dalawa pang gwapong lalaking kasama nila ay siguradong mga teenager at mga tagapag-mana ng nag-lalakihang kumpanya! Damn! Ano bang nangyayari at nandito sila?!
Teka, ano ng gagawin ko?
Ngayong nandito ang anak ni Miss Xyrine hindi ko na pwedeng ituloy ang plano kong patayin ang lahat ng taong nandito!
Nag-sisimula nang sumakit ang ulo ko nang marinig kong magsalita ulit ang isa sa mga lalaki sa kabilang panig.
"Since you guys looks some dumbass heires, I would let you guys off the hook in one condition," nakangisi nitong sambit
"We don't have enough time so spill it out," Tugon naman ni Ace.
Natulala ko nang marinig ko ang boses n'ya. Ganun ba dapat ang boses ng isang teenager? Masyadong malalim?! Ackk! Ano bang pinag-sasabi mo, Ice?
"Both groups will be going to assemble the rifle in front of us."
"And then?" Sambit ng pinaka kalmado sa grupo namin.
"Kung sino ang mauna sa'tin ay makukuha ang karapatang unang pumatay."
Ha? Anong kondisyon 'yon?
Napalingon akong muli nang marinig kong tumawa si Ace.
Ugh. Seriously?
"Zero, do it," Narinig kong sambit ni Ace dahilan para humakbang papalapit sa lamesa 'yung lalaking singkit na maraming hikaw sa tenga.
Zero? What's with the name? Zero? wait! Don't tell me, anak s'ya ni uncle Ten?! Tennessee Stanphil?!
Teka, kung nandito ang anak ng dalawa sa 4kings kung ganun ang isa pa nilang kasama ay? lumingon ako sa pinaka seryoso sa kanila. Anak ba s'ya ni uncle Ren?
Ah fvck! Napakagat ako ng labi. Feeling ko magkaka-alta presyon ako ng wala sa oras.
Bakit nandito ang tatlong 'to?! Bakit nandito ang mga anak ng 4KINGS?!
Akmang mag-sisimula na silang mag assemble ng rifle nang maramdaman kong kumilos si Rui sa tabi ko.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bago ko pa marealized na huhugot s'ya ng baril ay huli na dahil natunugan na s'ya ng kabilang grupo at agad s'yang binaril.
Natulala ako.
"A-ace, I'm sorry, kasalanan ko ang lahat," sambit ni Rui habang nakahawak sa sikmura n'ya.
Nang makita ko ang dugong umaagos mula sa tagiliran n'ya ay biglang nagbago ang t***k ng puso ko.
Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan.
Nag-tayuan ang balahibo ko.
"This is my twin, Ice. I hope you treat them as your own sibling from now on. Alagaan mo sila, ok?"
Hindi ko alam kung bakit habang nakatingin kay Rui ay biglang nag-flash back sa'kin ang sinabi ni uncle Toshi nung unang beses akong tumapak sa tahanan nila.
Napahawak ako sa dibdib ko.
H-hindi ako makahinga.
Pakiramdam ko ay dahan-dahang dumidilim ang paningin ko.
"Limang segundo.." wala sa sarili kong saad habang nakatulala. Lahat sila ay napatingin sa 'kin.
"Impossible," sambit ng isa sa mga kasama ni Ace.
"You making me laugh, get out of this." sambit ni Zero
"Deal," Nakangising sambit ng lalaking bumaril kay Rui.
"Don't be stupid, you can't able to-"
"Tumabi ka."
Nasindak s'ya sa sinabi ko pero agad din s'yang ngumisi. Tinaas n'ya ang dalawang kamay n'ya saka s'ya tumabi.
"Timer starts now."
Pagkasabi nila nu'n ay nagsimula ng umandar ang oras.
Habang pinapanuod kong mag-assemble ang lalaki sa kabilang grupo ay wala akong ibang iniisip kung paano ko s'ya papatayin at ang mga kasamahan n'ya sa pinaka malalang paraan.
"Done!" Sambit nito saka ito tumingin sa'min at humalakhak.
"Ano? Ang bagal n'yo naman! Tapos na ang laba-" CLACK!
Napalunok na lang s'ya ng ikasa ko ang shotgun malapit sa tenga n'ya
"T-teka, k-kailan kapa nanja'n?" Gulantang n'yang tanong
"Shinu." [DIE]
"Ha? A-anong ibig mong sabihi-" BANG!
Napuno nang katahimikan ang buong lugar nang sumambulat sa buong paligid ang laman ng bungo n'ya.
Nang makita kong namumutla at hindi makapaniwalang nakatitig sa'kin ang iba n'ya pang kasamahan ay mabilis kong inangat ang rifle na inassemle ko kanina gamit ang paa saka ko ito kinasa.
Bago pa nila makalabit ang baril nila ay walang kisap mata kong kinalabit ang gatilyo ng rifle at isa isa ko silang pinagbabaril.
"Ha..halimaw ka," Laki matang Sambit ng natitira sa kanila.
Akmang patakbo na ito nang mabilis akong tumungo sa harap n'ya
Saka ko s'ya hinampas ng rifle sa ulo n'ya.
Yumoko ako upang hawakan s'ya sa kwelyo ngunit saktong pag-angat ko ng ulo ay ang pagbagsak naman ng sumbrero ko sa sahig dahilan para bumagsak ang puti kong buhok
"P-pakiusap, b-buhayin mo ako," Naiiyak n'yang sambit na nagpingiti sa'kin.
Sa puntong 'to ay wala na akong naririnig at kusang kumikilos na ang mga kamay ko.
Hinawakan ko nang mahigpit ang rifle na hawak ko saka ko ito sinubo sa bibig n'ya.
Kasabay ng pagtulo ng luha n'ya ay ang pagkasa kong muli ng rifle.
"P-parang awa mo n-" BANG!
mariin akong napapikit nang may tumalsik na laman sa muka ko.
Napangisi ako.
This feeling ....
Isn't enough.
Nang tumingin ako sa tatlong lalaking kasama ni rui ay bakas na ang pagkabigla sa mga muka nila.
Kinuha ko ang shotgun malapit sa'kin saka ko ito kinasa. "1443," Sambit ko.
Buo na ang desisyon kong patayin ang lahat ng taong nasa harapan ko ng
biglang may humawak ng braso ko.
"Ice, tama na."
Nang lumingon ako sa nagsalita ay blangko pa din ang isip ko.
"Ate..." Walang boses na sambit nito.
Nang mapagtanto ko ang sinabi n'ya ay bigla akong bumalik sa ulirat ko.
"Rui?" Ngumiti s'ya sa'kin
"Rui!" Akmang hahawakan ko na s'ya ng bigla s'yang tumumba sa harapan ko.
"Rui!" Sigaw ko.
"Ice!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Bahagya akong nagulat nang makita ko si levi.
"Ice, Kailangan s'yang madala agad sa ospital," Pagkasabi n'ya nu'n ay mabilis n'yang binuhat si rui palabas ng gusali.
Nang makalabas kami ay marami ng sundalo ang nasa labas.
"Salute to Captain Ice Ac-"
"Fvck. Tumabi Kayo!" Sigaw ko pagkaway mabilis silang tumabi sa daraanan namin.
"..Ice." Napalingon ako kay rui ng bigla itong nagsalita matapos namin s'yang isakay sa military vehicle
"Si A-ace..." Sambit pa nito habang bakas ang takot sa muka n'ya. Gusto ko mang marinig ang sasabihin n'ya ay nawalan na s'ya ng malay.
Si Ace? Anong gusto n'yang sabihin tungkol kay Ace? Teka, nasaan na ang tatlong 'yon...
Nagpalinga-linga ako upang hanapin sila ng may marinig ako sa earpiece ko.
"This is Ace Montreal.." Nagtayuan ang balabiho ko sa batok.
Teka, Paanong?
"I just hacked the line you guys are using to communicate but I'm afraid
it won't take long so better listen up,"
Sambit nito sa baritonong boses.
"Speak up," tugon ko
"Well.." huminga ito ng malalim
"I'm interested in you and..." Napamaang ako sa narinig ko
"..I'm going to make sure that we will be going to see each other the soonest, Ms. Silver Hair."