Someone's POV (A.D. Klausser) Naubos ko na ang pagkain sa harapan ko na inihanda ng paaralan para sa lahat ng estudyante na papasok dito sa Academy, although sa susunod na linggo pa naman magsisimula ang klase. Kaya nandito kami ngayon sa Dining Hall, kasamang kumain ang mga kapatid ko na nag-aaral din dito. Sumandal na lang ako sa upuan ko at pinagmasdan ang iba pa. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatitig sa akin ang lalaking kaharap ko. Para bang hindi ito makapaniwala. "What?" tanong ko. Unti-unti namang pumorma ang isang ngiti sa labi niya. Tss. "Nagkasya lahat iyon sa tiyan mo?" tanong niya sa akin nang mapansin ang dami ng nilatak ko at bahagyang natawa. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa katiting na kahihiyan. "Don't worry, you still look pretty." "Do I look lik

