Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay nandito na ako ulit sa tabi ni Lincoln, sa tapat ng napaka-gandang talon na nakabantay lamang sa amin. Just a second ago ay kaharap ko si Logan Saige, ang aking ama, sa katauhan ni Taumer... ngunit pagkurap ko lang ay nakabalik na ako ulit dito which was a huge relief. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi ko na rin kayanin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ganoon na ba ka-halimaw ang aking ama? And what did he do to Taumer's parents? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Taumer sa tuwing naririnig ang pangalan ng aking ama? "You're awake already?" nakangiting bati sa akin ni Lincoln kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nang makita ko si Lincoln ay biglang nag-unahan ang mga luha ko sa pisngi at parang gusto kong magsumbong sa kanya. Wal

