Someone's POV Nakatingin lang ako sa kawalan at iniisip ko pa rin kung bakit ako nandito. Kung bakit buhay pa ako. Sana pinatay na lang nila ako. "My Mikki." Nilingon ko si Grae. Nakangiti siya sakin nang nakakaloko. "Lutang ka na naman! Sabi ko sa 'yo, 'wag mo akong masyadong isipin, eh." I rolled my eyes. Ginagago na naman ako ng lalaking 'to. Tsk. "Teka lang!" Tumakbo siya papalapit sa 'kin nang aakma akong aalis. "Tawag ka ni Boss." Hindi ako sumagot. Ano naman kayang gusto niya? Sa tagal na panahon na nag-stay ako rito, ngayon niya lang ako pinatawag. Madalas kasi kapag may gusto siyang sabihin, papapuntahin niya lang ang ilan sa mga alagad niya para sabihin ito sa 'kin. "Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Grae. Nakita niya sigurong natigilan ako. "Pwede ko rin sabihin na ma

