"Pinakaba mo naman ako," aniya at napahawak sa kanyang dibdib na tila ba sumikip iyon kanina nang dahil sa sinabi ko. That only means na hindi niya nakita ang nakita ko sa bolang kristal kanina, right? Mas lalong nagulo ang isip ko. Bakit ko iyon nakita? Anong gusto nitong ipahiwatig sa akin? Nahinto lamang ako sa pag-iisip nang malalim nang mayroong malakas na pagputok sa kalangitan dahilan upang mapatingala kami. Napaawang na lamang ang mga bibig namin nang makita ang pagsabog ng makukulay na liwanag sa kalangitan. It was beautiful. "How beautiful," hindi ko mapigilang sambitin nang muli na namang may sumabog na makulay na liwanag. Paulit-ulit iyon pero hindi nakakasawa. "Yeah. Beautiful indeed," rinig kong bulong din ni Lincoln. At nang mapalingon ako sa kanya, nakita kong nakatingi

