Maayos naman na ang pakiramdam ko pagkagising ko. Nakabantay sa akin sina Soren at Isla May na nag-aalalang lumapit sa akin nang makitang mulat na ang mga mata ko. "Kumusta ka na? Don't worry, Prez, it's not your fault. Stanley, that bastard, provoked you! Kung hindi ka aakto matapos ang lahat ng sinabi niya, siguradong ako ang makakasakal sa kanya," nagpipigil na bungad niya sa akin dahilan upang mapangiti ako at tuluyang gumaan ang loob ko. I personally think na tama lang din ang ginawa ko kay Stanley, except napasobra lang talaga ako dahil na rin sa anger issue naming Curses. Napatingin naman ako kay Soren na nakatayo lang sa likod ni Isla May. Tumango siya sa akin na tila sinasabing sang-ayon siya sa sinabi ni Isla. "Dahil naramdaman ko yung matinding emosyon mo kanina, I could say

