Presley's POV (She's finally back!) To sum it all up, two incidents happened that led me to memory loss. At hindi nga ako nagkamali sa sinabi kong mayroon pang isang insidente na nangyari matapos iyon. Ito na siguro ang huling beses na tinanggalan ako ng memorya. Lahat ng masasamang alaala ko noong bata ako, ipinaalis nila—ng mga kapatid ko at ng aking ama. Kaya siguro ay pakiramdam ko buong buhay ko ay ang sarap ng buhay ko dahil ipinanganak akong Saige, pamilyang mayaman at makapangyarihan. Wala lamang akong ina, but I led a happy life. Iyon ang akala ko... but now that I remembered a few strips of my dark past, ang tingin ko na sa sarili ko ngayon ay kaaway ng mundo. Ang huling memorya ng isa na namang insidente na bumalik sa akin ay noong labing-apat na taong gulang ako kung saan nag

