Tumango ako nang mabilis. "Yes. You should ask him, not me," mabilis kong tugon. Nilaglag ko na lang din si Lincoln upang mahinto na rin itong si Isla May pati na ang mga nagdududang tingin nina Teacher Kalvin at Soren. Kaya hinarap ko silang dalawa at inismiran. "It's just not what you think. And Soren, you know I can't lie to you," sabi ko sa kanya dahil alam kong nararamdaman niya ang emosyon ko ngayon. Halos murahin ko siya nang ngumisi siya. "I can feel your emotions right now and you're lying," aniya at saka lumingon kay Teacher Kalvin. "You saw how close they are, right, Teacher?" "I said it's not like that!" bulyaw ko kay Soren. Hindi naman sa kailangan kong mag-explain sa kanila, pero ayoko lang na may maling ideya sila sa amin at siguradong walang tigil na pang-aasar ang abot k

