Sa loob ng buong linggo na iyon ay umikot ang mga buhay namin nina Soren at Isla May sa pagsasanay. Halos hindi na kami nakakapasok sa mga klase namin dahil sa tindi ng training namin sapagkat nalalapit na rin ang Sports Festival. Good thing na excused kami sa lahat ng klase hangga't hindi natatapos ang event. However, binigyan kami ng isang kondisyon ni Teacher Kash na kailangan naming habulin ang lahat ng lessons namin pagtapos ng mga laban namin. And of course, we will definitely get some merits manalo o matalo. Isa ring magandang balita na unti-unti nang nagsara ang sugat sa braso ko na kinagat ng goblin. Although apektado pa rin ako sa mga nangyari noong araw na iyon, unti-unti na rin naman akong nakakalimot pero hindi ko pa rin sila mapapatawad. Alas dose na ng madaling araw nang m

