ALEXANDRIA MADRID “What do you mean wala pa?! It’s been a week already! Ang dami nang nasayang na araw and yet wala ka pang nagagawang plan?!” Hindi makapaniwalang reaksyon ko. Isang linggo na ang nagdaan pero heto siya ngayon at walang paipresentang design ng restaurant. “Nagkamali ba si Drew na ikaw ang kunin para sa project na ‘to?” I really can’t believe the way he’s acting right now. Kahit dati ay mabilis at maagap siyang kumilos. “That’s it, Alex. He said that I will make a retaurant for you. Meaning, according to your preference and yet wala kang ibang sinabi sa akin kundi, Drew will not like this, Drew prefers this,etc. Etc.” Walang emosyong sagot nito. Kung ang gagawin kong disenyo ay base pala sa boyfriend mo, e di sana siya na lang ang kinakausap ko para hindi nasayang ang

