ALEXANDRIA MADRID Hindi pa rin nawawala ang ang kakaibang pintig ng puso ko sa tuwing makikita ko silang magkasama. Siguro ganito talaga kapag nanay ka, ikasasaya mo ang mga bagay na nagpapasaya sa anak mo. Lahat ng makakaya ko ay ginawa ko parang lumaki si Jazz na hindi niya iniisip na may kulang sa buhay niya. Kaya nang manligaw sa akin si Drew, I wasn’t so sure about my feelings for him that time. But he cared for Jazz. Nandun siya sa mga panahon na kailangan ko ng masasandalan at magiging ama sa anak ko. Natakot ako na baka isang araw kapag nakakaunawa na si Jazz ay hanapin niya kung sino ang Papa niya. And Drew was willing to stand as father to him. At nakita ko ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa amin ni Jazz. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang malawak na ngiti ni Jazz habang nak

