Authors Note: please update your libraries now. Chapter 66 now updated. JUSTIN ARCEO “Anong sinabi mo kay Alex??” Galit na singhal ko kay Drew. Alam kong may ginawa siya para magkaganun na lang bigla si Alex. Inabangan ko siya sa parking lot para kumprontahin. Alam kong may kagagawan siya sa ikinikilos ni Alex “Mahirap bang tanggapin na hinding hindi na siya babalik sayo? Ang tagal mong nawala tapos ngayon babalik ka para kunin ang pag-aari na ng iba?” Hindi ko gusto ang paraan ng pananalita niya at ang nakakaumay na ngiti niya sa akin. “Alam mong hindi ikaw ang totoong mahal ni Alex!” Sigaw ko pero ginantihan niya rin ako ng mataas na tono. “Ria! Her name is Ria! Matagal nang wala ang Alex na sinasabi mo!” Nakaduro ang daliri niya sa akin at nanggagalaiti siya sa galit. “Ikaw lang

