JUSTIN ARCEO “Arch. Arceo!” Tawag sa akin ni Mr. Torres, ang isa sa ipinakilala ni Mr. Altamirano kanina. Pinili kong nanatili sa makeshift bar kung saan ko narinig nag dalawang babaeng nag-uusap tungkol kay Alex. May katagalan na rin nang umalis doon ang dalawang babae pero mas pinili kong uminom na lang ng mag-isa doon kesa makipaghalubilo sa kung sinu-sinong hindi ko naman mga kilala at wala rin naman akong interes na makilala. Lumapit sa akin si Mr. Torres kasama ang isa pang may edad ng lalaki. “This is Mr. Julian Altamirano, chairman of Altamirano Holdings,” inabot nito ang kamay sa akin. So he’s the father of Drew. Kitang kita sa tindig at awra ng lalaki ang pagiging negosyante nito. “Please to meet you Sir,” pakunwa’y bati ko kahit ang totoo ay wala naman talaga akong pakiala

