HERMIONE'S POV
Hayst.
Bakit parang ansama ng tadhana ngayon sakin.
Kahapon nagkakita kami sa Vegas Mall ngayon naman sa Highway.
Hindi ko nalang sinabi yun kay Eli. Tinago ko nalang ang Phone ko ng malapit na kami sa Parking ng Vegas Mall.
Pagkapark ni Eli lumabas agad ako at pumunta kami agad sa Las Lunar Fashion. Naka-Uniform pa kasi kami.
Pagkarating namin ni Eli sa Las Lunar Fashion sinalubong agad kami ng isang Staff doon.
Umupo ako agad sa Couch at hinintay si Eli na pumili ng damit.
Dumiretso agad si Eli sa Fitting Room. Pagkalabas nya suot nya ang White T-Shirt with a Printed Name 'Stuff Toys' and Black Jeans. Nakangiting tinanguan ko lang sya kaya naupo na sya sa Couch.
Tumayo na ko at nagsimulang pumili. Nang nakapili na ko pumasok na ko sa Fitting Room at sinuot ko na ang Korean Sling Plaid Skirt French Retro Plaid Jumper Dress.
Pagkalabas ko pumalakpak lang sakin si Eli. Kinuha ko rin ang Phone ko para magpost sa i********: ng New Picture.
Nagpicture muna kami ni Eli atsaka ko ipinost sa i********: ko.
Hermioneeeee: At the Las Lunar Fashion with this man @eli_hudson
Namili din ako ng susuotin para sa Party mamaya. Nakita ko ang Pink Scarf Collar Dress kaya kinuha ko na ito.
Tinapik ko si Eli na nakatutok na naman sa Phone nya at tinititigan ang Picture ni Genesis.
"Let's Pay for this" sabi ko sabay punta sa Counter.
Habang nasa Counter ako biglang may tumawag sa pangalan kong sana hindi nya nalang ginawa.
"Hermione... Eli..." masiglang tawag samin ni Dara.
Napalingon ako doon. Nakita kong nakayapos na naman si Dara kay Kaja. Linta ba sya?.
"Your here too" masayang sabi nya sakin.
Ay wala ako rito. Anino lang po talaga ako. Napairap ako sa loob ko. Tss. Hindi ba obvious na nandito ko.
Nakangiting tumango lang ako sa kanya.
"Miss Hermione" tawag sakin nung Staff sa Counter.
Kinuha ko na ang Branded Paper Bags na naglalaman ng Outfit ko later.
Napansin ko namang napatingin doon si Dara. Naka-Uniform din sila ni Kaja.
Inikot ni Dara ang paningin nya sa paligid ng Las Lunar Fashion atsaka nya ibinalik ang tingin nya sakin.
"Ay wait lang magpapalit pala ako ng damit" sabi ni Dara atsaka tumakbo sa mga Daring Outfits doon.
Nakita ko namang may dala-dalang damit si Eli. White Sweatshirt with a printed name 'Polaroid'.
Inabot nya sakin bigla yun. And he mouthed 'bayaran mo nalang'. Iniripan ko nalang sya at nilagay ko na sa Counter yung pinababayaran. Akala mo talaga my patagong pera.
Makalipas lang ang ilang minuto binigay na rin sakin ng Staff sa Counter yung damit ni Eli.
"5,996 pesos, Miss Hermione" nakangiting sabi ng Staff sa Counter.
Kinuha ko ang 6,000 pesos at inabot agad ito sa Staff ng Counter.
"Keep the change" huling sinabi ko bago ko hatakin si Eli palayo sa Las Lunar Fashion.
Nakakahalata na nga akk eh. Hinatak ko rin kahapon si Eli nung nakita namin si Silver.
Hanggang sa nakarating kami ni Eli sa Dunkin Donuts. Amputspa. Habang ako hingal na hingal si Eli tawa lang ng tawa. Happy Pill mo ko?
Pagkaupo namin ni Eli nakatingin lang sya sakin na parang sinusuri nya ko.
"Hobby mo bang hatakin ako?" natatawang sabi sakin ni Eli habang namimili ng Flavor ng Donut.
Inirapan ko lang si Eli atsaka ako umorder.
Makalipas lang ang ilang minuto binigay na sakin nung Cashier yung inorder ko.
Pagkabalik ko Table namin wala na si Eli. Agad syang hinanap ng mata ko pero nakita ko syang nakaupo sa isang Table kasama si Kaja at Dara. Pisti talagang tong Eli na to.
Napatikhim ako ng hindi sobrang lakas pero sapat na para marinig nila. Nakita ko namang napatingin sakin sila Eli, Dara at Kaja.
Plastik na ngiti ang una kong ginawad sa kanila bago senyasan si Eli. Nakangising tinanguan lang ako ni Eli at pinagpatuloy mula ang pakikipagdaldalan kay Dara.
"Hermione, here" nakangiting sabi sakin ni Dara.
Tumango lang ako at naupo na. Magkatapat kami ni Dara at magkatapat naman sila Eli at Kaja.
"So... Why did you leave me up in the Las Lunar Fashion?" tanong sakin ni Dara habang nakataas ang kilay.
Tss. Pitikin ko yan kilay mo hanggang langit.
"I-I was... Hungry... And i crave for donuts" pagsisinungaling ko
Nakangiting tumango lang sakin si Dara. Yung totoo? Mukha syang tanga sa pinaggagawa nya.
"Tss... Your not a good liar" bulong sakin ni Kaja.
Masamang tiningnan ko lang sya atsaka ko sya palihim na tinapakan sa paa.
"Aww" umaaray na sabi ni Kaja habang nakahawak sa paa nya.
"Ow. What happen babymonkey" alalang sabi ni Dara kay Kaja na muntik ko ng ikatawa.
Shet. Babymonkey? Bagay na bagay kay Kaja. Dahil mukha naman syang unggoy. Babymonkey? Sanggol na Unggoy. Pftt.
Nakangising umiling lang si Kaja kay Dara. Tumango tango lang si Dara atsaka pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Eli.
Habang si Kaja naman masama lang na nakatingin sakin. He also mouthed 'f**k you 100 times' and 'Do you want to taste hell right now'. Bumebelat lang ako kay Kaja.
Tss.
Yes I'm not a Good Liar. But I'm a Great Fighter.
Makalipas ang ilang oras napagpasyahan ni Kaja na umuwi na sila ni Dara dahil nabobored na daw sya. Oo nga. Halata nga eh. Mukha nya palang mukhang bored na.
Nauna ng umalis sila Kaja at Dara. Habang kami ni Eli ay pumunta sa Kick Itaewon Drinks.
Bibili kami ng iba't ibang Liquors para sa Party mamaya.
Pagkarating namin doon nakakita na agad kami ng Bartenders and Staffs. Amoy Liquors and Cocktails na rin dito sa Kick Itaewon Drinks.
"Kuya Marvin" masiglang bati ni Eli sa isang Staff dito.
Tss. Wow lang. Akala ko alam nya lang yung Lugar pati pala yung Staff.
"Uy Eli... Anong bibilhin mo?" nakangiting tanong ni Kuya Marv? Marvin? Ay basta.
Hinawakan muna ni Eli yung chin nya na parang nag-iisip. Anong tanong may isip ba sya? Charr.
"Light Drinks lang... For Party Purposes" sabi ni Eli sabay kuha ng wallet nya.
Tumango lang si Kuya Marvin at may kung anong kinuha doon sa likod nya. Nagtawag pa sya ng ilang magpeprepare.
Inabot nya ang Johnnie Walker Black Label, Johnnie Walker Gold Label, Jack Daniels Tennessee Whiskey, Tosolini Vodka, And Ingredients para sa gagawing Cocktail.
"20,000 pesos po lahat, Sir Eli" sabi ni Kuya Marvin atsaka ibinigay yung bill.
Binigyan ni Eli si Kuya Marvin ng 20,000 pesos at 1,000 para sa Tip.
May isang tumulong na Staff sa amin ni Eli para madala ito sa kotse. Nang makarating na kami sa kotse ni Eli dito sa Parking Lot. Nilagay agad nang Staff yung binili namin sa Backseat.
Habang nasa byahe kami nag-iisip nya sya kung ano bang Cocktails ang pwede naming gawin.
"Daiquiri?" suggest ko.
"Pwede... How about Moscow Mule?" nakangiting sabi ni Eli.
Tumango-tango lang kami parehas ni Eli hanggang sa napunta na ang usapan namin kay Dara at Kaja.
"She told me that she's a Model from Arzelm Company" sabi ni Eli habang nakakunot ang noo.
"So... That's why you said that she looks familiar to you" sabi ko sabay tingin sa Highway.
"Yup..." huling sinabi ni Eli atsaka nya hininto ang kotse nya sa bahay namin.
Pagkalabas ko ng kotse ni Eli agad nya akong pinaalalahanan.
"Pick you up later, 6:00 pm" paalala sakin ni Eli sakin at tumango lang naman ako.
Makalipas ang ilang minuto umalis na rin si Eli. Kaya pumasok na ko sa bahay namin na alam ko namang magiging wirdo ito. Bakit? Pagkapasok ko palang sa pintuan. Yung Drone na agad ni Papa ang sumalubong sakin.
Habang si Mama naman parang galit na galit sa Television. Kaya napatingin ako roon at nakita kong nanonood pala sya ng The Kissing Booth 2.
Bigla nalang hinagis ni Mama ang Throw Pillow sa Television namin.
"Dapat si Elle at Marco yung nagkatuluyan, hindi sila Noah at Elle" galit na sabi ni Mama sa Television at marahas na kinuha yung remote para patayin yun.
Napatingin naman ako sa kapatid kong si Ethan na pinagbabangga yung mga Tayo Toy Car nya.
Haystt.
Naisipan kong umakyat nalang kaysa magaya sa kanila. Bored na ba sila?.
Pagkapasok ko sa kwarto napatingin agad ako sa Alarm Clock ko. 4:00 palang naman.
Kinuha ko na ang Towel at Robe ko at pumasok na ko sa Bathroom.
Pagkatapos kong maligo kinuha ko na ang damit kong Pink Scarf Collar Dress at sinuot ito.
Since hindi nga ako palamake-up, Baby Face Powder nalang ang nilagay ko sa Face ko at hindi makapal na Lip Balm.
Pagkatapos kong gawin yun kinuha ko yung Color Nude Pumps ko at bininbit ko yun bago ko kuhanin yung Black Chanel Sling Bag ko.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at pagkababa ko naman nanonood lang sila Papa, Mama at Ethan ng Television.
Sinuot ko muna yung Color Nude Pumps ko bago ako lumapit kila Mama.
"Hermione, saan ang lakad mo?" tanong sakin ni Papa pagkalapit ko sa kanila.
"Kila Eli lang po, Pa" sabi ko sabay halik kay Papa at Mama sa pisngi.
Nilagpasan ko na si Ethan tulo laway yan kapag tulog minsan di pa nagtotooth brush.
Sinukbit ko muna yung Black Chanel Sling Bag ko bago ako lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko naman si Eli na nakasandal sa kotse nya ang naabutan ko. Napatingin naman ako bigla sa Relo ko 5:30 palang. Improvement.
Lumapit ako kay Eli tsaka ko sya tinaasan ng kilay.
Sumakay nalang kami sa kotse nya hanggang sa ilang minuto lang ang nakarating na rin kami sa bahay nila.
Wala pang Guests dahil 6:30 pm ang Start ng Party.
Makalipas ang ilang minuto kinakabit na namin ang ibang Baloons dumating bigla si Trish at Kalix.
Tinulungan nila kaming magprepare ng Tables and Shot Glass.
Hanggang sa natapos na rin kami at nagsimula ng magsidatingan ang ibang Batchmates namin.
7:00 pm.
"Hermione" tawag sakin ni Eli.
Kaya napatingin ako sa kanya at sinenyas nya ang Bar Side.
Pumunta na kami doon ni Eli at kumuha na ng iba't ibang ingredients.
Kinuha ko yung 3 ounces Prosecco, 2 ounces Aperol, 1 ounce Soda Water at pinaghalo halo ito sa Cocktail Shaker. Pagkatapos nun nilagay ko ito sa Cocktail Glass with a Garnish - Orange Wheel. At binigay ko na ang Aperol Spritz kay Edith.
Napatingin naman ako kay Eli na masayang masaya sa paghahalo ng Cocktails. Since we're 15 we like to Shake Cocktails into the Cocktail Shaker.
Kaya nga sumali kami sa Liquor Blender Competition para maipakita namin na kahit bata palang kami. Kaya naming gawin ang kadalasang ginagawa ng pang matanda.
Lumabas na ko sa Bar at pumunta na sa Pool Side kung saan mas lalong nagkakasiyahan ang ibang Batchmates namin.
Inuman dito, Drunk Dance doon. Vomit dito. High Alcohol Tolerance doon.
"Hermione" tawag sakin bigla ni Kalix.
Napatingin ako kay Kalix na may hawak na Whiskey Sour Cocktail. Mukha syang may hinahanap kaya hula ko si Trish yun.
"Have you seen Kaja?" tanong sakin ni Kalix. Mali ako? Si Kaja pala ang hinahanap hindi si Trish.
"Hanapan ba ko ng nawawalang unggoy?" mataray na sabi ko kay Kalix.
Napatawa naman sya ng mahina at biglang ngumiti sakin. Luh? Baliw kana?.
"Fine. I look for him" sabi nya sabay alis na.
Buti naman. Char.
"Hermione" biglang tawag naman sakin ni Dara.
Plastikan Mode: On
"Hmm?" walang ganang tanong ko.
"I love your Dress" biglang compliment nya.
"Thanks. Yours too" plastik na sabi ko sabay ngiti ng plastik.
Why do i Plastik her? Well. First of all Girlfriend sya ng Pisting Yawang Kaja na yun. Second Hindi kami Close. Third Masyado syang Feeling Close. Fourth Ayoko sa mga Feeling Close at Last the Fifth Ayoko sa Attitude nya napaghahalataang Plastik.
"I'm looking for Kaja, Hermione?" tanong sakin bigla ni Dara.
Brush Set.
Nasaan ba kasi yung Pesteng Kaja na yun. Kanina hinahanap sya ni Kalix ngayon naman hinahanap sya ni Dara. Brush Set. Kainis sya. Vip ba sya. VERY INIS-ME PERSON.
"I don't see him" sagot ko sabay kuha ng Phone ko.
"Thanks. I will just look for him" sabi nya sabay irap sakin at umalis na rin sya. Dapat Lang.
May Irap-Irap pa sya. Pitikin ko kaya mata nya hanggang sa mapunta yun sa Saturn. Or.... Pagawan ko sya ng sariling Ticket sa NASA papuntang Mars.
Pisti.
Isang pang may tumawag sakin ng Hermione sisipain ko hanggang sa makapunta sya sa Venus.
"Hermione" pisti. Sabi ko ayaw kong may tumawag saking Hermione ngayon.
Paglingon ko si Kaja pala yun. Nginisian ko lang sya tsaka nilapitan.
"Alam mo bang nagplano na kong sisipain ko hanggang makarating sa Venus yung tumawag ulit sakin ng Hermione" nakangising sabi ko sabay gigil na ngiti.
Tumango tango lang sya sakin atsaka nya ko nginitian.
"Haven" wrong move, Kaja the Monkey.
"Black Hole?" babala ko sabay bigay kay Kaja ng pinakamasama kong tingin.
Tumahimik sya ng ilang minuto at bigla nya kong nginisian.
"...... Baby" biglang sabi ni Kaja na nakapagpalaki sa mga mata ko.
"W-What did you say?" gulat kong tanong.
"You don't want Baby? Babe?" sabi nya pa sakin sabay hawak ng kamay ko.
Marahas ko namang binawi yun at tinapakan ko sya sa paa. Brush Set sya. Pakiramdam ko tuloy nagsiawitan ang mga ibon dahil sa sinabi nya. Kasabay nun ay ang pagdami ng apoy sa pagitan naming dalawa dahil sa namumuong galit ko kay Kaja.
"DON'T YOU DARE TO DO THAT TO ME AGAIN, KARTER JAXON WAGENER" babala ko kay Kaja at iniwan ko na sya.
Hanggang sa Nakarating ako sa Launch Open Room. Kung saan makikita mo ang Billiard, Liquor Bar Side, Round Tables at Shot Glasses.
Some Humans are Randomly Kissing each other. Some Humans are over drinking. Some Humans are dancing in the Pole.
"Hermione" biglang tawag sakin ni Kalix na hinihingal pa.
Nagulat naman ako sa kanya kaya nanlaki bigla yung mata ko.
"Si Trish" hingal na sabi nya at tinuro nya yung Pole kung saan may nagsasayaw na babae na si Trish.
Napatakbo naman ako bigla sa may Pole kung saan nagsasayaw si Trish. Agad akong naghanap ng pantakip dahil halos makita na ang kaluluwa nya sa suot nya ngayon. Bigla naman dumating si Eli dala-dala ang Coat nya at sinuot ito kay Trish.
Napatahimik ang ilang tao rito habang kami alalang-alala sa lagay ni Trish. Mas lalo pa kaming nag-alala ng magsimulang umiyak si Trish.
"Tristan... Your always breaking my heart" humahagulgol na sabi ni Trish na nakapagpatahimik sa buong Lugar.
"But why i still want you? Am i Weird? Stupid? Noob? Because in Other People's Eyes it looks Enough" sabi ni Trish habang hawak hawak ang kwintas nya.
"Do you still remember this, Tristan?" tanong ni Trish kay Tristan habang pinapakita yung kwintas nya.
"The Symbol of Our Passionate Love, you said. But why still i'm not enough? Nagkulang ba ko?" sabi ni Trish.
Naramdaman ko namang pumunta si Kalix sa likuran ni Tristan. Brush Set. Malaking g**o ito panigurado.
"Trish it's enough, let's go" sabi ni Eli kay Trish at binitbit na ito sa Guest Room.
Makalipas ang ilang minuto tahimik pa rin ang paligid at walang nagsubok na magsalita. Hanggang sa nakarinig kami ng tunog at nagmumula iyon kay Kalix na galit na galit kay Tristan.
"Putainga Pare" galit na sigaw ni Kalix kay Tristan.
"P-Pare wala a-akong intensyong s-saktan si T-Trish" sabi ni Tristan habang sinusubukang pigilan ang mga suntok sa kanya ni Kalix.
"Walang intensyon? Bobo ka ba? Nasaktan mo na nga diba" sigaw ni Kalix.
Sinubukan syang pigilan ni Clarence pero ayaw nya parin magpaawat.
"Pare..... Ano bang kasalanan sayo ng kapatid ko?" tanong ni Kalix sa nagsisimulang umiyak na si Tristan.
Umiyak na si Tristan kaya hindi na ito nakasagot. Pinigilan si Kalix nila Clarence at Vincent pero hindi parin ito tumigil.
"Putangina Tristan sagutin mo" galit na galit na sigaw ni Kalix habang pinagsisipa na si Tristan.
"Nagsisisi na ko ngayon, Kalix" umiiyak na sabi ni Tristan habang pilit na tumatayo.
Mas lalong tumahimik ang lahat ng may marinig kaming nabasag na baso. Kaya napunta ang atensyon namin doon. At nakita ko si Kaja na nakatayo at sa baba nya ang basag na baso.
"Don't. Fight. Here. To gave you a reminder this is Eli's House not yours. This is not also your Own and True Kingdom so stop acting like you rule it. And lastly i feel sorry for the Broken Glass that i intentionally broke to get your Hella Attention" bored na sabi ni Kaja habang bored na nakatingin sa aming lahat.
"f**k" huling sinabi ni Kalix bago sya magwalk out.
Habang ang ibang kaibigan ni Tristan tinulungan sya upang gamutin yung mga sugat nya.
But.
I'm Impressed.
Kaja's right.
This is not their OWN and TRUE Kingdom to ACT like they RULE it.
Makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng tunog ng sasakyan kaya napatingin ako sa Parking Lot ng bahay ni Eli. Nagsimula ng magsialisan ang mga Guests. Pero 9:30 pm palang. Masyadong maaga para magsialisan sila.
Napabuntong hininga nalang ako bigla. I want this Party so i can feel i'm relaxed. But i don't expect that this Party will make a mess and let me feel stress.
"Haven" tawag sakin ni Kaja mula sa likudan.
Lumapit ako kay Kaja at nginitian sya ng malungkot. Yeah. I really admit that i hate this man. But this man also help the whole party so the fight between Tristan and Kalix stop.
"Eli said he needs you in the Guest Room" sabi ni Kaja at nagtungo sya sa Veranda.
Sinunod ko naman ang sinabi ni Kaja. Pumunta ako sa Guest Room at pagkadating ko doon naabutan kong kinukumutan ni Eli si Trish.
Pagkalingon naman sakin ni Eli ginawadan nya lang ako ng ngiti na halatang malungkot sya.
Tinabihan ko si Eli sa upuan atsaka ko sya tinapik sa balikat.
"I'm Sorry" malungkot na sabi ko kay Eli.
"It's not your fault Hermione" sabi sakin ni Eli sabay sulyap kay Trish na mahimbing na natutulog.
"Yeah. But.... It's my Idea to have a Party" malungkot na sabi ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"Yeah. But it's still my decision, so it's not your fault" sabi ni Eli sakin habang pinupunasan ang luha ko.
He is the Best Friend i've ever had. Since we're 6 we always stays together. And now that we are 18 we still always stays together.
Malungkot akong tumayo at humarap kay Eli.
"I'm going sleep, Eli" pagpapaalam ko Eli na ikinatango nya.
Tumalikod na ko at pumunta na ko sa Guest Room.
Pagkapasok ko sa Guest Room humiga na kaagad ako.
Shems.
Today's Day is a Mess---a little.
_______________________________________