Her Ever After - Prologue

2830 Words
This is a work of fiction. Names, characters, places, events, incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental. There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding. --- "Mag mo-mojito lang ba tayo o empi-lime? O parehas?" My eyes rolled in annoyance nang marinig ko ang usapan ng magbabarkadang nadaanan ko habang hinahanap ang mga nakalista sa papel na hawak ko. Nagsisimula pa lang ang araw alak na agad ang nasa isip nila. Seriously? My ghad! "Tori?" I stopped walking when someone called my name from the back. Inilagay ko muna ang listahan ng mga bibilhin ko sa cart bago harapin yung tumawag sa akin. "Owen! Uy, ano ginagawa mo dito?" I asked in awe. I didn't know that napapadpad din pala ang lalaking katulad nya dito. "Namimili ng pang nomo." Simpleng sagot nito, napatango na lamang ako. Kala ko pa naman nag-g-grocery din sya, yun pala iba ang pinapamili. "Anong ganap? Birthday o jamming lang?" Tanong kong muli. "Jamming lang. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Ipinakita ko sa kanya ang cart na may mga laman ng ibang pinamili ko. "Grocery." Tipid na saad ko. "By the way, kelan ang uwi nina Selena at Shyre?" Selena and Shyre are my cousins and they are twins, mas matanda sila sakin ng one year lang. At kabarkada nila si Owen since bata pa. Kaya naman medyo close ko na rin si Owen. "Ewan lang. Hindi ba kayo nagkakausap?" I shrugged, scanning the shelf on my side. "Pre! Tara na!" Sabay kaming napalingon ni Owen sa tumawag sa kanya. Naningkit agad ang mata ko nang makita ang pagmumukha ng lalaking yun. Then my beautiful eyes landed on the cart that he's pushing. It's full of liquors! Gez. "Uy, Esang! Hi!" Sinimangutan ko lang sya at bumaling na lang kay Owen para magpaalam. One week na lang at magsisimula na ang klase sa school na papasukan ko. Kaya naman naisipan kong linisin ang closet ko at pati na rin ang kwarto ko. I'm on my first year in college that's why i felt excited and nervous at the same time. Pero buti na lang at kaklase ko si Rome, we took the same course-Business Ad. Gusto sana namin BSHRM kaso limited lang ang course na inooffer ng school. "Tori!" And suddenly my bedroom's door opened at iniluwa noon si Rome na mukhang sabog ang itsura. "Itsura mo, gaga!" Puna ko sa kanya. Sabog na sabog kasi ang buhok nya tapos mukha pa syang nakakita ng multo at sobrang excited. I quickly covered my ears when she started screaming and jumping like a kid. Nang hindi sya tumitigil ay mabilis na hinablot ko ang feather duster at ibinato sa kanya. "Ingay mo! Amputa, para kang kinukurot sa singit!" I glared at her. "Eh, kasi naman may maganda akong balita. Kasing ganda mo." Hagikhik nya. "Buti alam mong maganda ako," I said. "Syempre alangan ihalintulad ko sakin, eh, hot and sexy ako." "Gago!" Binato ko ulit sya at sa pangalawang pagkakataon ay basahan na ang nadampot ko. Napahalakhak naman sya. "Tangina ka, ano ba kasing balita yun!" Dinaig na naman nya ang nakatakas sa mental. "Oo nga pala! Si Gab kasi dumating." My eyes widened at mabilis na kinuha ang cellphone ko saka nagkukumahog na lumabas ng kwarto. "Shuta! Tori! Hintayin mo ako!" Agad na pumara kami ng tricycle at sumakay. Si Rome na ang nagsabi kung saan kami pupunta habang ako naman ay binuksan ang aking cellphone at pumunta sa messenger app para i-chat si Gab. Kaso hindi ito online. "Amputa, ba't walang pasabi ang gagang yun?" Gigil na bulong ko habang nagtatype ng message. "Kaya nga, kung 'di pa ako bumisita sa IG ko. Hindi ko malalaman," saad ni Rome. Pagkabayad ng pamasahe ay mabilis na bumaba kami ni Rome. Muntikan pa nga syang ma-out of balance sa pagmamadaling bumaba. Shunga shunga kasi, napaka clumsy. Sarado ang pinto ng bahay nina Gab nang dumating kami. But the windows are open and we can hear voices coming from the inside. I was about to knock when the door suddenly opened. Gab looked so shock when she saw us standing in front of their main door. "T-tori? R-rome?" I smiled at mabilis na niyakap sya. Kahit si Rome ay nakiyakap na rin. After a couple of hours, napagdesisyunan namin ni Rome na umuwi na. At para rin makapag pahinga na sina Gab dahil galing sila sa mahabang byahe. "Bye! Ingat!" Gab waved before closing the door. We also waved before we started walking to look for a tricycle. Rome can't stop talking habang naglalakad kami. For some reason she's talking about fate being cruel. It is really cruel. "Tori?" I quickly turn around when someone called my name. Only to find out that it's my greatest nightmare. "Ikaw nga!" Ngiting ngiti nyang saad. "Hi, Romina." Bati nya kay Rome. Mabilis na sumimangot si Rome nang banggitin nito ang buo nyang pangalan. "Y-youre back?" Halos pabulong kong saad dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. "Yeah. Kanina lang ako dumating." Why? Bakit pa? Bakit ka pa bumalik? "Anong nakain mo at naisipan mong bumalik?" Rome asked. I was just staring at her, i can't find a words to say. "Personal reason." Simpleng sagot nya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nya. "Anyways, its nice seeing the two of you." Then she left. Mabilis na napakapit ako kay Rome para kumuha ng suporta ng maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. "H-hindi sya pwedeng bumalik." Naiiyak na saad ko habang nakatanaw sa papalayong pigura nya. "Nakabalik na nga. Ano pang magagawa mo?" "Hindi pwede Rome. I'm gonna lose him. He'll leave me." After doing my night routine ay lumabas ako sa may veranda ng kwarto ko. I was just wearing my nighties but i can't even feel the cold air dahil lumilipad ang isip ko sa kawalan. Her smiling face keeps hunting me, every second. Akala ko ba umaayon ka na sa akin, tadhana? Ha? Pero bakit pinabalik mo pa sya? Bakit? "Hoy!" I flinched when something hits me. I looked around para alamin kung ano yun until i saw Jiro. He's smiling from ear to ear habang nakadungaw sa may veranda ng kwarto nya na katapat ng sa akin. I glared at him at inirapan sya. Bumalik ako sa pag kakaupo at humalukipkip. "Hoy!" Binato nya ulit ako but i just ignored him. "Hoy, Tori!" He keeps calling me but i did not even tried to look at him. I heaved a heavy sigh when it looks like he got tired from what he is doing. Thanks God at napagod na rin sya sa pamemeste sa akin. "What the f**k!" I cursed nang may biglang mag-landing na malaking jacket sa mukha ko. "Suotin mo yan kung ayaw mong mag yelo ka dyan at atakehin ng sakit mo." Tiim bagang na saad nya at seryosong nakatingin sa akin. My brows furrowed at napatitig sa mukha nya. "Paki-downy nyan bago mo ibalik." Agad namang naningkit ang mga mata ko. Sisinghalan ko pa sana sya pero mabilis na pumasok na sya sa loob ng kwarto nya. "Apaka demanding mo, gago!" I hissed at nagpapapadyak na pumasok sa loob ng kwarto ko bitbit ang jacket nya. Kala mo naman may balak talaga akong suotin! Tse! Nang makapasok ako ay saka ko lamang naramdaman ang lamig. Ipinatong ko muna ang jacket ni Jiro sa study table ko bago naglakad palapit sa cabinet ko. Naghanap ako ng jacket na maisusuot ngunit wala akong mahanap miski isa. Inis na naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko nang maalalang nasa labahan pa ang mga yun. "No choice ako pota." I whispered at kinuha ang jacket ni Jiro at sinuot ito. Langhap na langhap ko agad ang panlalaking amoy ng jacket na humahalo sa amoy ng downy. Amputa, di ko akalain na ganto palang amoy ang trip ng lalaking yun. Natatawang humiga na lang ako sa kama habang nilalanghap ang nakaka adik na amoy ng jacket. Punong puno ako ng happy and good vibes when i woke up the next morning. Hindi mawala wala ang napakagandang ngiti sa labi ko habang hinahanda ang mga gagamitin ko mamaya. Nang pumatak ang tanghali ay naligo na ako at nag ayos ng sarili. I am wearing a denim romper, pastel pink tank top and a pair of white sneakers. I put my hair into a messy bun at naglagay din ako ng super duper light na make up. "Happy First Anniversary, Love!" I was smiling from ear to ear while holding the cake that i baked last night. May nakasulat ditong 'Happy 1st Anniversary, Love♡'. Dahan dahan akong naglakad palapit kay Matt. Pag pasok kasi nya ng main door ng bahay nila ay hindi na sya nakagalaw. He was just staring at me kaya naman hindi mawala ang malawak na ngiti sa mga labi ko. Dahil nag work ang plano kong isurprise sya. "Hi, Love." I greeted. Nag iwas naman sya ng tingin sakin at iginala ang tingin sa paligid. Nagkalat sa sahig ang mga balloon na pinaghirapan kong palubuhin kanina. May nakasabit rin sa wall na balloon letters na binubuo ang salitang 'Happy Anniversary'. "Where's Mom and Dad?" Nilampasan nya ako at lumakad. Unti unting nawala ang ngiti ko but i managed to hide the sadness in my voice. "They know that i'm going to surprise you kaya lumabas muna sila." "Leave, Tori. I'm tired." Parang bigla akong nabingi matapos kong marinig ang sinabi nya. "W-what?" Nanghihina kong tanong. Ramdam ko ang panggigilid ng luha ko. Ang mga kamay ko naman ay nanginginig na, kaya inilapag ko muna ang cake na hawak ko sa may coffee table. "Leave." I tear escaped from my eye nang ulitin nya ang sinabi nya. "Manang! Pakilinis naman nitong mga kalat." At umakyat na sya sa kwarto nya, leaving me dumbfounded. To:Matt ♡ Love, is there something wrong? Talk to me, Love. Sagutin mo naman ang tawag ko, Love. Heyyyy. Are you mad? Loveeeeeee. Sunod sunod na text ko kay Matt pero walang reply. I also tried calling him but he is not answering and later on he turned off his phone. I sighed at humiga na lang sa kama ko thinking what could be the reason of his actions. Haist. The next day i woke up feeling tired already. Ang bigat bigat ng katawan ko na para bang ayaw kong gumalaw. Pero pinilit ko pa ring bumangon dahil may date kaming tatlo nina Rome at Gab. I can't ditch them lalo na si Gab. "Kamusta ang anniversary nyo kahapon?" Rome asked pag kaupo ko sa katabing upuan nya. We're here sa may mga mesa sa harap ng mga food stalls. "Let me guess, nganga?" Gab said without looking at me, her eyes are fixed outside the wall glass. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. "It's fine." I bit my lip at inayos ang upo ko. I was just silently eating while staring at Rome and Gab, na busy sa pag uusap. "Siguro nung umulan ng kamalasan sa pag ibig nagdala ka pa ng sabon, vhe! Sinalo mo lahat eh!" Biglang baling ni Rome sa akin kaya naman inirapan ko sya. Makapagsabi parang swerte sya! "Tapos ikaw Romina nasa taas ka, nag dodonate," Gab said. Napahalakhak naman ako nang sumimangot si Rome. "Wow ha! Eh pare-parehas naman tayo ditong olats sa love life!" Rome scoffed at itinuloy na lang ang pagkain. "Nah! Im not like you guys. I don't do love life. Allergic na ako sa love at sa mga lalaki," Gab said then she rolled her eyes. I tried calling Matt when i got home but still naka-off pa rin ang phone nya. I sighed at pabagsak na humiga sa kama. Napangiti ako at mabilis na bumangon para tiningnan ang phone ko nang tumunog ito, hoping that it's Matt. My smile suddenly disappeared when i saw the caller's id, it's not him. "Yes?" [How are you?] I was taken aback by the question from Gab. "I-i am good. Bakit mo naman naitanong?" I tried to sound like i am going to laugh. [Nothing. I just saw something. Okay, bye! Mwaps!] Naguguluhang inilapag ko ang phone sa study table ko at humiga ulit sa kama. I was staring at the ceiling while wondering what happened to Gab, for her to act like that, eh magkasama lang kami kanina. I just shrugged my thoughts at bumangon ulit para magpalit ng pang-alis na damit. I am standing outside Matt's house for almost thirty minutes. Still thinking if i should go and see Matt and talk to him or I'm just gonna give him some space. I was about to knock at the door nang may pumaradang motorcycle sa harap ng bahay. My eyes widened when i saw him. "Love!" I called at mabilis na nilapitan sya. "I missed you." Yayakapin ko sana sya pero mabilis syang umiwas. "What are you doing here?" He asked. I felt pang in my chest because of the way he looked at me. "I-i wanna see you, hindi mo naman kasi sinasagot ang mga tawag ko." And we haven't celebrated our anniversary. Gusto ko sanang idagdag but i just kept my mouth shut. My brows furrowed a bit when i heard him made a 'tsk' sound. He looked away and he looks mad. Kanino? Bakit? "Go home, Tori." He said. "B-but— "I said go home!" I flinched when he shouted. I am so close to crying but i stopped my self. Instead i just smiled at him. "Okay. Let's just talk some other time. Take care!" Then i walked away. Nang tumalikod ako ay doon bumuhos ang mga luha ko. I clenched my chest because it hurts. So much. I just found myself in front of Gab's house. I can hear her voice from the inside, calling her sisters. Why am i even here? She has problems too, wag ka ng dumagdag pa, Tori. "Ate Tori?" I almost jumped in shock when someone called me from behind. "Georgina." I shyly smiled then i looked at the little girl that is standing beside her, holding the hem of her shirt. "Hi, Gwen!" I greeted cheerfully at pabirong pinisil ang pisngi nya. Medyo tumago pa sya sa likod ni Ate Georgina nya. Kawaii! "Bakit di po kayo pumapasok sa loob? Tara po." Tatanggi pa sana ako kaso naglakad na sya papasok sa loob at tinawag si Gab. "Ate! Andito si Ate Tori!" Napakamot na lang ako sa batok at pumasok na din sa loob. "Sino? Si Tori?" Gab's brows furrowed when she saw me. Unti unting naningkit ang mga mata nya habang naglalakad papalapit sakin. "What's up?" Nakangiti kong bati. "What's up my ass! Alam ko ang ganyang itsura, Alessandra Victoria Chavez!" I cringed after hearing her shouting my full name. She looks so stressed but she can still slay. Her hair is on a messy bun. She's wearing an over sized shirt and a dolphin short, revealing her long legs. "Im fine. Kalma!" I joked at naupo sa couch nila. "Ulol! Lokohin mo na lahat wag lang ako." Sikmat nya at nameywang. "Anong nangyari? Umiyak ka 'no? Ano na namang ginawa ng gagong yun para umiyak ka?" Sunod sunod nyang tanong at mariing nakatitig sa akin. "Grabe! Umiyak lang tapos sya na agad ang dahilan," saad ko. "Bakit, hindi ba? Baka gusto mong mabuhusan ng kumukulong sabaw?" Then she rolled her eyes. "Dyan ka lang, asikasuhin ko lang niluluto ko. Dito ka na mag dinner." Inirapan nya muna ulit ako bago nag lakad pabalik sa kusina upang asikasuhin ang niluluto nya. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko kay Matt noong naroroon ako kina Gab. Pero nang makauwi na ako at makapasok sa aking kwarto ay bigla na namang bumigat ang dibdib ko. My forehead creased when i heard that something is hitting the glass door of my veranda. Inis na bumangon ako at naglakad palabas ng veranda. "May balak ka bang sirain ang glass door ko?" I hissed at matalim na tiningnan si Jiro. "Bakit ba napakasungit mo pagdating sakin?" He asked then he pouted like a kid. What the f**k? Did he just acted cute? "Yak! Di bagay sayo para kang tanga!" Natatawang sigaw ko sa kanya. "Ayan! Mas bagay sayo ang nakangiti!" Tuwang tuwang saad nya na para bag nanalo sa lotto ang itsura. "Ulol!" I bit my lip to stop myself from smiling at iniwas ang tingin sa kanya. "Goodnight, Tori! Sweetdreams!" He shouted then he quickly went inside of his room. Sa pagmamadali nya ay muntikan pa syang mauntog sa glass door. "Night!" I shouted back. Natatawang pumasok na din ako sa loob ng kwarto ko. Nang makahiga ako ay mabilis na nilamon ako ng antok. Hindi ko alam kung dahil pagod ba ako o dahil gumaan ang pakiramdam ko dahil nya. "Sweetdreams, Jiro," ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD