Sampung taon na kami, parehas aking pinalad na makapag ibang bansa subalit LDR o yung tinatawag na Long Distance Relationship. Ang sarap sa pakiramdam na naabot namin ito, may mga panagarap na gusto naming tuparin para pangalawang libro ng buhay namin subalit hanggang kami na nga ba hanggang huli?
Nang makatapos ako sa kolehiyo, nagtrabaho ako sa Meralco at kasabay nun si Marlon ay nagtrabaho naman sa Saudi. Nagsimula na ang LDR namin at sa unang taon, nagpapasalamat kami na kinaya namin, subalit may tukso sa akin, at nagpadala ako sa tukso, pinagsisihan ko yun at nagpatuloy sa buhay.
Umuwi si Marlon matapos ang isang taon at nagniig muli kami, kapanapanabik, ang pagdikit ng aming mga labi ay nagliliyab na apoy na ayaw nanaming tumigil sa paghahabol ng aming hininga, sa paghalik aa isat isa ay nagsimula ang kuryente na dumaloy sa buong katawan namin, nagniig kami at sa kanila ako natulog, kahit bawal pa sa pamilya ko ang ganung gawain, sinusuaway ko ang aking mga magulang dahil sa pagmamahal.
Bumalik na sya sa Saudi, nagpatuloy ang aming relasyon, at ako naman ay nagsimula nh magreview para sa NLE board exam o yung tinatawag na Nursing Liscensure Examination. Sa pangalawang pagkakataon, dahil sa panibagong buhay pakikipagsapalaran ko sa Manila, nagpadalang muli ako sa tukso at nilabanan ko ito ksi ang pinunta ko sa manila at dahilan ko mg aking pagtira ng tatlong buwan doon ay para mag aral, at dumating na ang board exam, patuloy akong humingi ng tawad sa Panginoon, sa lahat ng pagkakamali ko at patnubayan nawa ako sa aking exams, nagpasalamat ako kay Lord, sobra sobra.
Desyembre ng umuwi si Marlon, habang nagbabakasyon sya, naglingkod muli kami sa simbahan, dahil na din sa kmi ang tumatayong ate at kuya sa mga kabataan, nag ensayo kmi sa panuluyan at naging maganda ang aming palabas o pagsasadula ng buhay kapanganakan ni Hesus o ang kanyang pagsilang. Masayang masaya kami ni Marlon kasi magkasama kami bumuo.ng simbang gabi at nagpasko at bahong taon, may bonus pa, kasi gumanap din kmi sa selebrasyon ng Sto. Niño at yun ang biyaya ni Sto. Niño sa amin, pumasa ako sa NLE board exam, isa na akong lehistradong nurse, masayang masaya kami ni Marlon at ang buong pamilya at mga kaibigan namin.
Natapos na ang bakasyon ni Marlon at bumalik na syang muli sa Saudi at ako naman ay naging isang dialysis nurse at matapos ang isang taon ay pinalad na makapag ibang bansa at doon na kami sinubok at hindi na nagkitang muli, nagkahiawalay ng landas at matapos ang sampung taon ay naghiwalay.
Bumalik sya ng Pilipinas at nakapag asawa na sya, si Marlon ay nakaisang dibdib si Melody, nireto ng kapwa namin kaibigan at ako naman ay patuloy pa din nagbabanat buto dito sa Morocco at tinutupad ang mga pangarap na patuloy kong inaabot at sa awa ng Panginoon at patuloy na pinagpapala at pinapaligaya ang aking magulang.