Third Person POV EXACTLY 1 PM in the afternoon when Krizsca woke up the next day. Halos hindi siya makagalaw sa sobrang sakit ng kanyang katawan; para siyang binugbog ng ilang tao dahil sa sakit na kanyang naramdaman. Halos murahin na niya hindi lang ang kanyang sarili pati na rin ang kanyang asawa. ‘Kung bakit ba naman kasi pinagbigyan niya ito ng paulit-ulit. Ayan tuloy, halos hindi na siya makalakad sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Nagsisi tuloy siya na ang naging regalo niya sa asawa ay ang kanyang sarili.’ “Sana pala, humanap na lang ako ng ibang pwedeng iregalo,” bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa kanyang noo; kumikirot kasi iyon, na parang gusto nang mabiyak. “Are you okay, love?” Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Vander na naka-topless lang habang papasok

