Third Person POV “f**k!” Napabuga siya ng hangin. Kahit anong gawin niya ay hindi na talaga nito sinasagot ang tawag niya. Binabaan na talaga siya nito ng telepono at ayaw na siyang makausap. “f**k! I think I need to ask some questions to the organizer of this event. Uwing-uwi na talaga ako. Hindi ko na kayang makatagal pa hanggang bukas,” he said to himself. Pagkatapos kumain ng hapunan, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para kausapin ang dating kaklase; buti na lang at nasa contacts niya ang numero nito. “Hey, man,” panimula niya. “May mahalaga pa bang gagawin o pag-uusapan man lang bukas?” “Wala na naman, Mayor. Bakit? Miss mo na ang asawa mo, ano?” Hindi man niya ito nakikita, pero alam niyang nakangisi ang kausap niya sa kabilang linya. “Oo eh. Pwede na ba akong umalis? I

