Third Person POV “BYE TITA KRIZ!” “Bye!” sigaw niya pabalik kay Azalea. Gabi na at pauwi na ito dahil sinunod na ito ng mommy niya. “I’ll call you tomorrow!” sigaw nito. Nakatunghay ang ulo nito sa bintana ng sasakyan. “Okay, bye!” Kumaway ulit ito ng isang beses. Nang mawala ang sasakyan nito sa paningin nila ay bumaling siya kay Vander. Nakita niya itong masama pa rin ang timpla ang mukha habang nakatingin sa may gate. “That little brat is really annoying.” Natawa na lang si Krizsca. Hanggang ngayon pa rin pala ay inis pa rin ang asawa niya sa bata. “Para kang bata.” Bumaling ito sa kanya na naka kunot ang noo. “Ako parang bata? Eh nakakainis ‘yun eh.” Napailing na lamang si Krizsca. “Tara na nga, mabuti pang matulog na lang tayo kisa mag-alburoto ka diyan na parang bata.” s

