02

2059 Words
Third Person POV "APO, KUMUSTA KA NA? Kumusta ang San Antonio? Narinig ko ang mga papuri nila at mga magagandang bagay tungkol sa'yo, at ipinagmamalaki kitang tawaging apo," saad ni Lolo Vecencio, na puno ng pagmamalaki sa kanyang tinig. Siya si Don Vecencio Villalazar, dating gobernador, isang mahusay at makatarungang pulitiko, role model niya ito. Siya ang nagturo kay Vander ng lahat ng ng tungkol sa pulitika. "Lo, you taught me well, remember?" he said, looking at his grandfather. They were in the library, discussing his plans for San Antonio. He always consulted his grandfather because he had much more experience in politics. "I just taught you, but you poured your heart into it, my grandson. You're the captain of your own life. Everything you do is a result of your dedication and love for your town. So all the praise goes to you, my grandson," his grandfather said proudly. "Thank you, Lo. Anyway, tinanggihan ko nga pala ang alok ng isang malaking kompanya ngayon. Gusto nilang magtayo ng isang malaking factory dito sa bayan, malapit sa ilog. Hindi ko tinanggap. Kilala ang San Antonio sa ganda ng paligid at sa kalinisan ng tubig sa ilog. Alam kong kung pinayagan ko sila, madudumihan ang ilog, na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig at hanapbuhay ng mga mangingisda. Hindi ko kayang isakripisyo ang kalusugan at kabuhayan ng aking mga nasasakupan para lamang sa pera. Maaari tayong umasenso nang hindi sinisira ang ating kapaligiran. Ayokong sisihin ng mga tao dahil sa maling desisyon ko," paliwanag ni ni Vander. "Ang San Antonio ay kilala sa mga taniman ng palay at mga magagandang tanawin. Agrikultura at eco-tourism ang balak kong ituon, Lolo. Mas malaking kita ang papasok sa bayan, at mas marami akong matutulungan; mas madadagdagan ang mga scholarship para sa mga mag-aaral," pagtatapos niya. Gusto lamang niyang marinig ang opinyon at mungkahi ng kanyang lolo. "Mabuti iyan, Apo. Tama ang desisyon mo. Ang pagkakaisa ng komunidad ay mas mahalaga kaysa sa pansamantalang kita. Kung tutulungan mo ang mga residente na maghanap ng ibang paraan ng kabuhayan, mas magiging matatag ang San Antonio. Suportahan mo ang mga lokal na negosyo, at hikayatin ang pagtutulungan sa pagitan ng mga tao. Iyan ang tunay na pag-unlad. Magaling ka, Apo! Buti na lang at nagtitiwala sa'yo ang mga tao." sabi ng kanyang lolo Vecencio. "I have no regrets pushing you into politics. You truly have a heart for the people," his grandfather agreed. He was Vander's inspiration, especially when he was just starting out. From childhood, he knew what he wanted: to be like his grandfather. His grandfather taught him how to interact with people and address crowds. His grandfather always reminded him of the true meaning of empathy. He learned to put himself in other people's shoes. Because of this, he studied Law at University of the Philippines Diliman and graduated with Latin Honors and topped the board exam. After serving as a public attorney, he entered politics to more easily help people. He won the local election against the incumbent mayor. "We need to attract tourists. The more appealing the promotion, the better. My IT team is already working on a website and f*******: page about tourism in San Antonio. I hope this works. I've been working overtime; I really hope my plans succeed," he said while sipping brandy. "Talk to your friends; they're well-known in the industry and sports. Why not give them a tour here? They can take pictures and upload them on their social media accounts. That's an easier way to promote — and it won’t cost anything," suggested his grandfather. His grandfather was really brilliant. Why didn't he think of that sooner? Maybe he was just too busy with work. "That's a great idea, Lo. Don't worry; I'll take your advice. I'll talk to them," said Vander. His friends are going home soon, except for one who is in Malaysia. “Apo,” Napahinto si Vander sa pag-inom ng brandy at tumingin sa kanyang lolo. “Baka naman sa sobrang paglilingkod mo sa bayan ay hindi ka na makapag-asawa niyan. Vander, gusto ko pang makita kang mag-asawa at magkaanak. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Natawa nalang si Vander sa tinuran ng kanyang lolo. Lagi kasi nitong sinisingit at binabanggit iyon kapag nag-uusap sila. "Ilang apo ho ba ang gusto ninyo mula sa akin, Lolo?" biro na lang niya para gumaan ang usapan. "Bakit apo, ibibigay mo ba sa akin kapag sinabi ko na lima ang gusto kong maging Apo, sayo?” Tumawa ang kanyang Lolo. “Isa pa paano mo ibibigay ang mga apo na gusto ko kung wala ka pang asawa? Hindi ka ba natatakot na baka lumagpas ka nalang sa kalendaryo ng hindi pa nakakapag-asawa?” "Lolo, kung mawala man ako sa kalendaryo, may card pa naman ng Bingo. Hanggang 75 iyon," natatawang sagot n'ya na Inilingan lamang ng kanyang lolo. "Vander, hindi ako nagbibiro.” babala nito. "Alam ko po ‘yun, lo.” sagot ni vander. “May napupusuan na po ako pero masyado pa po siyang bata sa ngayon.” saad niya at may nag-lalarong ngiti sa mga labi niya. “Siguraduhin mo lang, apo. Piliin mo ang babaeng talagang mamahalin ka at maipagmamalaki mo. Gusto ko ng disenteng babae para sa'yo, tulad ng Lola at Nanay mo. 'Yung kaya mong ipakilala kahit kanino," sabi ng kanyang Lolo. Mataas talaga ang standards nito pagdating sa mga babae. “Pero kung gusto mo….” His lolo paused, napatingin naman ulit si Vander sa gawi nito. “May alam akong desente na babae na alam kong babagay sayo, apo.” Hindi mapigilan ni Vander na mapa-isip. Sa totoo lang ayaw niya sa edeya ng kanyang lolo kung sino man ang tinutukoy nito. “Close kayo ng batang si Krizsca, tama ba?” Agad siyang napatango at kinabahan. “Desente ‘yun na bata, panigurado na bagay siya sayo apo. Isa pa, kaibigan ko ang lolo niya, kaya kung sakaling siya ang aasawahin mo ay panigurado akong magiging maayos ang lahat.” Agad na napa-ubo si Vander sa tinuran ng kanyang lolo. Hindi niya akalain na babanggitin nito si Krizsca, ang batang itinuturing siyang kuya at parang tunay na kapatid. Kilala niya si Krizsca, noon pa man. Maganda ang batang ‘yon, ngunit alam niyang hindi sila pwede. Malapit na siyang lumagpas sa kalendaryo, at si Krizsca ay bente uno anyos pa lamang. Bukod doon, ayaw niyang sirain ang kabataan nito kung sakali mang si krizsca ang nga ang gusto ng kanyang lolo para sa kanya. “Lo, bata pa po si Krizsca. Hindi po kami bagay dahil malapit na po akong lumagpas sa kalendaryo. Isa pa po, ayaw ko pong masira ang kanyang kabataan kung sakaling siya nga po ang piliin ninyo para sa akin.” Mahinahon na paliwanag ni Vander sa kanyang lolo. Napakunot naman ang noo ni Don Vecencio. “Bakit naman masisira ang kabataan ng batang si Krizsca kung sakali man kayong dalawa ang magkatuluyan?” “Basta po Lo, isipin na lang po natin na hindi kami bagay sa isa’t-isa ni Krizsca.” Saad niya. “Ikaw ang bahala, pero sayang naman kung mapupunta ang batang ‘yun sa ibang lalaki. Maganda, matalino, mabait, halos nasa kanya na ang lahat. Panigurado, kung sino man ang magiging asawa niya in the future ay magiging proud.” Ani Don Vecencio, na may kaunting lungkot sa tinig. Hindi na lamang kumibo si Vander. Napagtanto niyang gusto talaga ng kanyang lolo si Krizsca para sa kanya, ngunit wala rin namang mali sa sinabi niya. Bata pa ito at alam niyang may mga pangarap pa si Krizsca sa buhay, lalo na’t bata pa ito. “Lo, aalis na po ako.” Paalam na lamang ni Vander. Mukhang wala naman na silang ibang pag-uusapan pa kaya mas mabuti na umuwi na lamang siya. Malapit na rin kasing mag-gabi. “Mag-iingat ka, apo. Daanan mo ang mama mo, paniguradong may ipapadala siyang pagkain sa ’yo bago ka umalis.” Tumango lamang si Vander at lumabas na ng library ng kanyang lolo. Dumeretso siya sa kitchen, at hindi nga nagkamali ang kanyang lolo dahil nasa kitchen nga ang mama niya may niluluto ito. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang makita rin niya ang dalagang si Krizsca na kausap nito. Bahagyang nagulat pa ang dalaga ng mapalingon ito sa gawi ni Vander, at bahagyang pamumula pa ang pisngi nito. Agad namang napansin ni Vander ang pamumula nito, at hindi niya maiwasang mapangiti ng bahagya. “Oh, anak, nandyan ka na pala. Tapos na ba kayo mag usap ng lolo mo?” tanong ng ina ni Vander ng mapansin siya nito. “Yes, ma,” maikling sagot niya. “Siya nga pala, sasabay ka bang kumain ng hapunan sa amin?” tanong ulit ng mama niya. “Uhm…hindi na po, may tatapusin pa kasi akong mga papeles na kailangan pirmahan.” sagot niya. Habang si Krizsca naman ay nakikinig lang sa usapan ng mag-ina. Nahihiya siya, lalo na sa kanyang kuya Vander at hindi niya iyon maintindihan. Pakiramdam niya ay nagkakaroon ng kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nagkakaganito, pero ramdam niya ang kaba at pagkailang sa tuwing nakikita niya ang mga mata ng kanyang kuya. Napailing na lang siya sa sariling mga iniisip. “Ganon ba, anak?” saad ng ina ni Vander. “Oh, siya sige, mag-iingat ka nalang, ipapahatid ko pa naman sana sayo si Krizsca mamaya kaso mukhang nagmamadali ka.” aniya ng mama niya. Napansin niyang bahagyang nag-angat ng tingin si Krizsca, na tila naghihintay ng reaksyon niya sa sinabi ng mama niya. “Isasabay ko nalang pala si Krizsca, ma,” “Akala ko ba nagmamadali ka?” tanong ng mama niya. Napakamot nalang siya sa kanyang batok. Hindi niya alam ang idadahilan sa mama niya. “Uhmm…..sasabay na din ako na maghapunan sa inyo, ma, para hindi na po ako magluto pag uwi ko.” alibi niya. Napapansin niyang medyo nagulat ang ina niya sa sinabi niya, pero mabilis din namang napalitan ng ngiti ang mukha nito. Napalingon naman siya kay Krizsca na tila hindi makapaniwala sa narinig. Nang matapos ang mama niya sa pagluluto ay agad na ipinatawag nito ang kanyang lolo na si Don Vecencio, sa isa sa mga helpers nila. Nagulat pa nga ito ng makita siya. "Ikaw ba 'yan Vander, apo? Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi ba't sabi mo 'y uuwi ka na?” tanong nito sa kanya. “Oo nga po, Lolo, pero nagbago po ang isip ko. Naisipan kong kumain muna dito bago umuwi,” sagot niya sa lolo niya sabay kamot sa batok. Hindi na lamang nag usisa pa ang Don, lalo na nang mapansin nito si Krizsca. Napangiti ang Don, bago umupo sa pwesto nito. Si Krizsca naman ay lumapit upang mag-mano. “Iha, kamusta ang lolo mo?” tanong ng Don, kay Krizsca. Napangiti naman ang dalaga bago sumagot. "Mabuti naman po siya, lolo. Salamat po sa pagtatanong." "Mabuti naman, apo," sagot ng Don. "Kamusta ang pag-aaral mo?” “Okay naman po, lo, kunting kimbot nalang at makakapagtapos na ako sa kolehiyo.” magalang na sagot ng dalaga. “Magaling, magaling,” saad ng Don. Habang si Vander naman ay hindi mapigilang mapatitig sa dalaga na masaya na nakikipag usap sa lolo niya. Pakiramdam niya ay mas lalong gumaganda si Krizsca sa paningin niya. Parang nakikita niya na naman ang dating Krizsca na nakilala niya noong bata pa ito. Ang Krizsca na masigla makulit, at nakakahawa ang tawa. Hindi niya namalayan na napangiti na pala siya. Pagkatapos kumain, ay sabay na umuwi sila ni Krizsca. Pinadalhan pa ng ibat ibang klasing pagkain si Krizsca ng ina ni Vander. Katulad ng mga cookies, chocolates at iba pang alam ng ina ni Vander na magugustuhan ng dalaga. Habang nasa sa sakayan sila ay hindi mapigilan ni Vander na mapasulyap sa dalaga na tahimik lamang naka-upo. Napapansin niyang medyo naiilang ito sa kanya. Napansin rin niyang paminsan-minsan ay sumusulyap si Krizsca sa kanya, pero agad din itong iiwas ng tingin. "Okay ka lang ba?" tanong niya kay Krizsca. “O-opo,” nauutal na sagot nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito naiilangan ngayon, samantalang noong bata pa ito ay subrang lapit nito sa kanya. Hinayaan na lamang niya ang dalaga, at ihinatid ito ng matiwasay sa bahay nila. ########## Xoxo.🥰😍😘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD