Third Person POV ISANG LINGGO na mula nang ikasal siya kay Vander, isang linggo na rin siyang Mrs. Villalazar. Minsan nga ay may mga tumatawag sa kanyang Mayora, bagay na ikinakahiya niya. Hindi naman sa ikinakahiya niya si Vander, pero naiilang talaga siya sa tawag na iyon, pati na rin sa "Madame." na minsan itinatawag sa kanya. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa bilis ng mga pangyayari; ngunit kahit na ganoon, napakalaking tulong ang naganap ng kanlang kasal. Bumalik na ulit ang sigla ng kanilang negosyo, ang negosyo ng kanyang lolo. Totoo nga ang sinabi ni Vander: ito talaga ang pinaka-magandang solusyon sa kanyang problema. Simula nang maikasal sila ay hindi na talaga siya pinayagan na magkaroon ng separate room silang dalawa. Lagi silang magkasama sa iisang kwarto, an

