Pag gising ko agad akong bumangon pero wala na si Percy sa tabi ko. Para bang isang iglap wala na siya, hindi ko alam bigla akong nalungkot. Napatingin ako sa gilid ng table at may papel doon. ‘Text me or call me if you need me.’ Napangiti na lang ako sa nabasa ko. Naligo na rin ako dahil check out na namin ni Kenzi mamaya. Kailangan ko na rin kumilos at sana hindi siya nakahalata kagabi. Hindi ko rin siya pinagbuksan kagabi at sana wala siyang narinig. After one hour, I’m done. Nakaready na lahat ng mga gamit ko at ready to check out na. Paglabas ko nakita ko agad si Kenzi na naghihintay sa pinto. Ngumiti agad siya sa akin. “Maaga ka ba nakatulog kagabi?” nakangiting tanong niya at kinabahan ako. “O-oo, natulog na rin ako agad,” palusot kong sagot habang iniiwas ang tingin ko kay

