Nakatingin lang ako sa phone ko. Paulit-ulit kong binasa ang huling text messege ni Percy. “May sasabihin ako sa’yo na magbabago sa lahat.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Kilalang-kilala ko si Percy. Hindi siya basta nagsasalita ng ganoon kung hindi seryoso ang sitwasyon. “Ara?” Muli kong narinig ang boses ni Kenzi. Dahan-dahan akong napakurap at pilit na ngumiti. “Ayos lang,” mahina kong sabi kahit alam kong halatang hindi ako maayos. Hindi siya agad nagsalita. Tahimik lang niya akong tiningnan na para bang sinusubukan niyang alamin kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ilang segundo ay isinara niya ang trunk ng sasakyan dahil nilagay niya lahat ng pinamili namin. “Tara.” Tumango lang ako. Tahimik kam

